Chapter Fourteen.

185 4 0
                                    

Favor

"Sam, hey!"

Napabaling ako kay chel nang bigla niya akong hawakan sa braso at mahina niya iyong tinapik.

"May problema ka ba? You seems lost."

"I'm okay." Tipid kong sagot, ipinagpatuloy na lang ang pagsusulat.

"Don't fool me... you looked not. And if you're not aware, kanina ka pang wala sa sarili."

Mapait akong ngumiti kasabay ng pagtigil ko sa ginagawa. Hindi ko alam kung paano haharap nang normal sa kanya. I can't pretend. Hindi ko kaya. Kapag napapatingin ako kay Chel, parang anytime, pakiramdam ko sasabog na lang ako. Hindi ko na alam kung paano aayusin ang nararamdaman ko para kay Knight. Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya dahil nagbabaka sakali akong kapag sinabi ko sa kanya naiintindihan niya ako, kahit papaano, luluwag ang pakiramdam ko. Pero hindi, e. Hindi ko magawa. Ayokong masakyan siya. Ayokong pati siya masakyan ko, I don't want to be a burden.

"I'm alright. I'm just stressing about the subjects." Natatawa kong sinabi, itinuon na lang ang atensyon sa notebook na sinusulatan.

Alam kong hindi siya nakumbinsi sa sagot ko dahil panay ang buntong hininga niya't tahimik lang sa tabi ko. Nagpatay malisya naman ako't tahimik na lang nagsulat.

Nga lang, I can't take away this anxious feeling inside me. Sobrang sakit, hindi ko alam ang gagawin. Parang unti-unti akong inuubos. Ang bigat bigat.

"I'm telling you this for the last time, Sam." Mahinahon pero rinig ko ang diin sa bawat salitang sinabi niya.

I looked at her. She smiled, but I saw a glint of worry inside her eyes.

"You can't fool me. Please lang... huwag mo namang dayain ang sarili mo. I mean, I respect your privacy. I respect you, okay? Naiintindihan ko kung hindi mo pa kayang sabihin sakin pero pwede mo namang aminin na hindi ka okay. Don't fool yourself, Samantha. Please lang... it will just make it worse."

Ngumiti ako't umiling bilang sagot.

"You're just overreacting, Chel. Wala naman akong problema." I scoffed shaking my head. "Hay nako. Ewan ko sayo! Masakit lang talaga ang ulo ko dahil sa mga subjects natin, okay? Inatake yata ako ng migraine at alam mo naman kapag nakakaramdam ako nang ganito." Sagot ko sabay hinilot ang sintido ko para mas maging kapani-paniwala ang dahilan ko.

"Still, I'm not stupid." Pagod niyang sinabi, umiiling-iling.

Hindi ko na siya pinansin. Hindi ko na alam kung ano pang pwedeng irason. Masyado yata akong obvious pero paninindigan ko pa rin ang pambabalewala kahit bistong bisto na ako.

"Gusto mo na bang umuwi? Pwede naman natin 'tong tapusin bukas kung gusto mo." Sa kahuli-hulihan, aniyang muli, waring hindi pa rin mapanatag.

Pumikit ako't inayos ang sarili bago humarap sa kanya. Matamis akong ngumiti pero hindi iyon umabot sa mga mata ko. But then, I still manage to look at her firmly.

"Chel..."

"No, Samantha. You are my bestfriend. Kilala kita."

"Trust me..."

She sighed heavily.

"Fine, but please... Tell me if you have a problem, okay?"

I held my pen tightly. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil bigla ko na namang naramdaman ang unti-unting pamumuo ng luha sa loob ng mga mata ko. Hindi ko hinayaang makaalpas ang mga iyon, sa halip, agad ko na lang pinigilan ang sarili.

Chel, kung alam mo lang kung gaano ko pinigilan yung sarili ko na huwag mahulog kay Knight. I wanted to cry but I couldn't. No, not in front of them.

I thought it was just a dream. I thought my mind was just making it up. I even laughed at myself when I was awake na panaginip lang pala.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now