Chapter Nine

318 17 0
                                    

Game

Narito ako sa may bleacher kung saan kitang kita ko ang mga taong nandun sa field. At sa tingin ko pinapakilala palang nila ang mga maglalaro base sa narinig ko sa emcee. Ngayon lang ako manunuod ng soccer kaya ganito na lang ako kainteresado.

Honestly, I'm not into sports. Wala akong hilig manuod ng mga ganitong laro kaya lang narinig ko kasi kanina na kasali sila Kuya Marky, Kuya Marcus, Kuya Jeydon, Kuya Clyde at last si Knight. Mukhang sikat na sikat sila Kuya at Knight dahil abang na abang ang mga estudyante rito.

Nang ginala ko ang tingin ko sa buong lugar, malulula yata ako. Halos lahat ng estudyante ay narito, manunuod at nakasuporta.

Anyway, I'm exactly right here at the middle of the bleacher. Ito lang nakikita kong upuan na malapit sa kanila para makita ko sila. Pero hindi naman ganun kalayuan sa baba, kapag sumigaw yata ako dito maririnig nilang lahat eh.

Sa ngayon pinapakilala ng emcee ang mga makakalaban nila Knight na mukha taga ibang school. Marami sila, hindi ko alam ang saktong bilang pero sa tingin ko labing lima sila yat ang bawat team.

Matapos naman nabanggit ang name ng mga kalaban, agad akong naalerto ng sila Knight na binabanggit. Maraming nagchecheer sa kanila.... kasali na ako dun although pumapalakpak lang ako, hindi kagaya ng iba na parang naghi-hyterical.

"Lee, Marcus S., Lee, Marky S., Lee, Jeydon S., Lee, Clyde S. Ang Lee brothers." Banggit nang emcee na naging dahilan kung bakit mas lalong lumakas ang sigawan at hiyawan ng mga tao.

Shocky! Pakiramdam ko, nabasag na ang eardrums ko sa sobrang lakas ng hiyawan at tili ng mga estudyante, sa halip na pumapalakpak, naitakip ko ang dalawang kamay ko sa tainga ko. Ni pati mga katabi nagwawala na sa sobrang kabaliwan sa mga Kuya ko, Kung bakit kasi napakagwapo ng mga Kuya ko at nagflying kiss pa sila.

I shook my head thoroughly as I looked at my brothers waving their hands to everyone. Hanggang ngayon sinisigaw pa rin ang mga pangalan nang mga Kuya ko.

Marami pang binanggit ang emcee na kasama nila Kuya at Knight. Kanina pa ako naiinip dahil hanggang ngayon hindi pa tinatawag si Knight my babes, wait... What? Samantha ang landi mo talaga.

Well, ilang beses na akong humanga sa kanya simula ng lumipat siya dito. Gustong gusto ko siyang maging kaibigan kaso hindi ko iyon magawa dahil napakasuplado niya.

Nagkaroon lang talaga ako ng lakas na loob na kilalanin siya nang makita ko siya sa mall kanina at bigla siyang tumawa. Parang binigyan ako ng pagkakataon o reason para lapitan at kaibiganin siya, although best friend niya ang mga Kuya ko.

"....and last but not the least, Dela Vega, Asher Knight S."

Lumakas muli ang mga hiyawan ng mga estudyante at sa halip na na takpan ko ang tainga ko, napatulala ako sa lalaking matamang naglalakad na para bang wala lang ang lahat ng hiyawan para sa kanya.

Funny how I was irritated earlier because of those people's irritating voice. Ngayon pati ang pandinig ko, nawalan na ng pakialam dahil sa pagiging abala ko sa patitig sa kanya.

Ni hindi ko na nga maalis ang mga mata ko sa kanya. Sobrang gwapo niya. He's too much... too much to bear. Hindi ko din alam kung bakit ang lakas ng epekto niya sakin. I mean, yes he really has this intimidating effects because of his ruthless, dangerous and dark aura na parang lahat yata ng tao kung haharap at makikipag-usap sa kanya, maiintimida. He looks very confident in every way. Mukhang wala siyang kinakatakutan na para bang kaya niyang harapin maski ang pinak-nakakatakot na tao sa Mundo.

To be honest, he's not my kind ideal man because I always dreamed to have a boyfriend who is nice and sweet. But here, I'm confused. I mean, I'm still new to this kind of attraction...wala pa akong idea o alam dito, but I'm not innocent no to know this kind of feeling.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now