Chapter Nineteen

174 7 1
                                    

This will be the Last!

Ilang Oras din ang byahe namin bago kami nakarating dito sa Callianna Resort, busy ang lahat na nag aayos ng mga kanya kanyang gamit. Ang Ganda talaga ng resort na ito, tamang tama yung mga bagay na nakalagay Dito, makikita mo kasi kung paano lilitaw at lulubog ang araw. Nahinto ang pagmasdan ko sa paligid ng biglang nagsalita si Kuya Third.

"Everyone, listen! Dahil sa isang bahay lang tayo lahat ay share-share ng kawarto, kaming mga boys ang magkasama sa isang kwarto at lahat naman ng Girls ay, sa iisang kwarto. Okay ba Yun?" Kuya Third said.

Tumango na lang kaming lahat at handa na sanang pumunta sa kwarto upang makapag ligpit na at maayos na ang lahat ng gamit at pwesto, ng biglang nagsalitang muli si kuya Third.

"I forgot to introduce properly to you, alam ko na alam niyo na ang kumakalat na chismis, and yes totoo iyon, kapatid namin si Chel, panganay lang siya ng isang buwan kay Samantha." Nakangiti niyang Sabi.

"Chel, come here!"tawag sa kanya ni kuya Ford, agad din naman siyang lumapit, feel na feel din niya talaga.

"Wala na sana kaming maririnig n hindi maganda about sa kanya, and Sam, we've been talk about this." Kuya Third said.

Tumango na lamang ako, hindi dahil tanggap ko na siya bilang kapatid kundi dahil ayokong makipagtalo ngayon, I just want to relax, tama naman kasi si ate Cathy, I need to choose myself this time, but speaking of ate Cathy where she is? Agad kong nilibot ang paningin ko sa paligid ng biglang napansin ni kuya Third na may hinahanap ang mata ko, kaya agad siyang lumapit sakin.

"Little sis, sino ang hinahanap mo?" Nagtataka niyang tanong.

"Hmmm... Kuya, where is ate Cathy?" I asked.

"Hindi pa sumama satin si ate Cathy mo, may schedule pa siya ngayong araw, kaya bukas pa siya pupunta Dito." Nakangiti niyang Saad.

Tumango na lamang ako at pumunta na sa kwarto naming mga babae, ako at si kuya Third na lang pala ang naiwan sa may sala, papasok palang sana ako ng marinig kong nag uusap ang mga kaibigan at si Chel na animoy nagtatalo.

"Kaibigan niyo din ako, pero bakit si Samantha lang yung dinadamayan niyo?" Chel said.

"Yeah, we're friends not until you betrayed us, why didn't you tell us about your true Identity?" Masungit na tanong ni Kim.

"I didn't hide it, it just, I like my mom surname to used it rather than surname of my father." Chel said.

"Really? Then why are here? Feel na feel mong kasama ang mga Kuya ni Samantha." Angel said.

"Masama bang I feel ko kung anong meron ako ngayon?" Naiiyak na tanong ni Chel sa kanila Kim.

"Stop na guys, tama din naman si Chel, she is our friend too, at isa pa magkapatid Sila ni Samantha, kaya may karapatan din siyang ifeel ang pagkakaroon ng mga kuya." Paliwanag ni Ellie.

Bago pa may magsalita pa sa kanilang lahat ay agad na akong pumasok, at mukha silang nagulat lahat na nakatingin sakin.

"Ellie is right, ayokong pati kayo ay madamay sa issue namin ni Chel, kaya please, can we just enjoy this outing?" I said to them. Tumahimik na Sila at pinagpatuloy na ang kanilang naudlit na ginagawa.

Agad akong pumunta sa kama ko, lahat ng higaan dto ay double bed, yung bed ko lang yung naiiba, may kanya kanya din kaming aparador, kung nagtataka kayo kung bakit nagkasya lahat ng nandito sa kwarto? Super laki po kasi ng kwarto na ito, parang isang floor na rin ito ng Bahay.

After namin mag ayos ng mga gamit namin ay agad naman silang nagsitulog, siguro dahil na rin sa byahe kaya napagod sila, 7hours ba naman yung byahe, dahil hindi ako nakatulog ay lumabas muna ako sa kwarto at pumunta sa tabi ng dagat, it's 5pm na kaya kitang kita yung sunsets. Totoo nga na sunsets are proof that endings can be beautiful too, na kahit anong pagod at sakit na nararamdaman mo ay mapapawi kahit sandali.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now