Chapter Twenty One

226 10 0
                                    

Only Truth can Hurt like this!

Knight Pov!

Naramdaman ko ang pagbalot ng init sa kamay ko nang may humawak do'n. Napakurap ako mula sa pagtitig sa pintuan kung saan ipinasok si Samantha. Hindi ko na alam kung gaano akong katagal na nanatili doon at naghihintay. Maging ang pansinin ang mga nangyayari sa paligid ko ay hindi ko magawa dahil nanatiling doon lang sa pinto ng operating room nakapako ang buong atensyon ko. Ang alam ko lang ay ang madilim na langit ay maliwanag na ngayon sa labas.

Everything seems so fast. When Samantha went down, it was like my world stopped. Like my heart stopped with her. Pakiramdam ko mabilis ang naging pagtakbo ng mga pangyayari sa paligid ko habang ako ay nananatiling nakatulos sa kinatatayuan ko at tinitignan na ang babaeng mahal ko na binubuhat ng sarili niyang mga Kuya's.

"You're bleeding."

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Chel at umiling ako. "Okay lang ako."

Imbis na lumayo ay muli lang hinawakan ng babae ang kamay ko at nang magtangka ako ulit na bawiin iyon ay hinigpitan niya ang pagkakahawak doon. Sapilitan na binuksan niya ang nakakuyom kong kamay. Nagdudugo iyon dahil sa mga kuko ko na bumaon na ro'n.

Pero hindi katulad noon na hindi ko magawang maramdaman iyon ay sa pagkakataon na ito ay iyon lang ang nagpapanatili sa akin sa kasalukuyan. Dahil wala na akong maramdaman maliban sa sakit na lumalamon sa akin dahil sa nangyayari kay Samantha. Para bang nilulunod ako no'n at ang tanging nagpapanatili lang sa akin na iangat ang ulo ko ay ang sakit na isinesentro ko sa ibang bagay. Sa ibang parte ng katawan ko at hindi sa puso ko na para bang nadudurog.

Nagtagis ang mga bagang ko nang maramdaman ko ang paghapdi ng palad ko nang may ilapat doon na kung ano si Chel. Nanatili siyang nakayuko lang at tutok na tutok sa ginagawa. Nang matapos siya ay binalutan niya ang kamay ko nang gauze at siniguradong maayos na iyon bago siya nag-angat ng tingin sa akin.

Sandaling nakatingin lang ang babae sa mukha ko bago siya may hinalughog sa dala niyang paper bag. Naglabas siya ro'n ng wipes at kumuha ng isang piraso.

Marahan niyang pinunasan ang mukha ko habang ako ay nakatingin lang sa kaniya habang siya ay nakatuon ang mga mata sa sariling kamay. Kaya kitang-kita ko nang mapuno ng luha ang mga mata niya na pinipigil niya lang na huwag bumagsak.

"Don't." I said, my voice is breaking. Hindi ko kaya ngayon. Ayokong makita mula sa kanila ang lungkot kasi hindi ko pa kayang tanggapin. Hindi ko pa kayang aminin sa sarili ko na maaaring ang lahat ng nagdaan na mga araw ay huli na.

"I know."

Tahimik na pinagpatuloy niya ang ginagawa at nang matapos siya ay huminga siya ng malalim bago binaling muli sa akin ang mga mata niya. Nananatili pa rin ang pamamasa ng mga iyon pero mukhang ginagawa niya ang lahat mga iyon. para hindi tuluyang bumalong ang

"You deserve better and she does too. Hindi dapat ganito."

"I know, and I'm so Stupid, na hindi ko siya pinili." I said to her, wala na akong pakealam kung masaktan ko siya.

Ang gusto ko lang naman ay 'yung buhay na malaya akong magmahal at mahalin yung totoong Mahal ko at harapin ko 'yung buhay na kasama ko 'yung taong mahal ko. Pero bakit ang hirap? Bakit parang ang hirap ibigay iyon sa akin ng mundo? Bakit pakiramdam ko sobrang damot naman sa amin ng tadhana?

Nag-iwas ako ng tingin sa babae at hinayaan ko na lang siya na hawakan ang kamay ko. Para marahil iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa at para pigilan ako na masaktan ko uli ang sarili ko.

Akmang titingin na lang sana ako muli sa pintuan nang mahagip ng mga mata ko ang pares ng mga mata na nakatingin sa direksyon ko. Sa kabila ng bilang namin dito kung saan ay tahimik na naghihintay ay sa akin siya nakatingin. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa nakikita ko sa kaniya. Pagdadalamhati, pag-unawa, at pagdamay.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora