Chapter Seventeen

146 7 0
                                    

It's me, hi! I'm the Problem!

After, ate Cathy called me, ay agad agad akong pumunta dito sa kanyang clinic, habang ako ay papalapit ng papalapit sa kanyang door ay natatakot ako na kinakabahan, hindi ko alam kung ano yung sasabihin ni ate Cathy tungkol sa sakit ko. Nandito na ako sa harap ng pintuan ni ate, hindi ko alam kung bubuksan ko ba or Hindi? Bubuksan ko na sana ng biglang bumukas yung pinto, si nurse Ana pala.

"Hi Samantha, pasok kana kanina kapa hinihintay ni Doc." Nakangiti niyang Sabi.

Tumango na lang ako sa kanya at tuluyan na nga akong pumasok, pagkapasok ko ay agad akong pumunta kung nasaan si ate Cathy.

"D-doc a-ate?" Kinakabahan kong tawag pansin sa kanya.

Agad naman akong tinignan ni ate Cathy at ngumiti siya sakin, but there's something in her eyes, parang kagagaling Niya lang sa iyak, nag away ba Sila ni kuya Third?

"Sam, umupo ka muna." Nakangiting Sabi Niya.

"Ate? Ano palang sasabihin mo about sa sakit ko?" Kinakabahan kong tanong.

Agad siyang umiwas sa mga mata ko, "kumain kana ba? Magpapakuha ako ng pagkain mo kay-" Hindi na Niya natuloy yung sasabihin Niya ng bigla akong nagsalita.

"Ate, just tell me, kumain na ako at hindi pa po ako nagugutom, nilalayo mo yung usapan." I said to her.

"Sam, I just want you to relax, hmmm... Sam, there's something in your heart and.... And-" Hindi Niya matulog tuloy na Sabi.

"I'm dying? Ate, just tell me please!"

Imbis na sumagot ay bigla na lang akong nilapitan at niyakap ni ate Cathy naramdaman kong mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin. Hindi para bigyan lang ako ng lakas kundi para humugot din sa akin niyon.

Patuloy sa pagpatak ang mga luha ko hanggang sa makita ko ang pagtulo no'n sa kamay kong nakapatong sa tapat ng dibdib niya. Nag-angat ako ng mukha para direkta siyang tignan sa mga mata at halos madurog ang sarili kong puso nang makita kong luha niya na ang pumapatak sa akin.

"A-Ate Cathy please..."

To be honest, I don't want to know. I don't want to hear it. Pero kailangan. Kailangan kong maintindihan para malaman ko kung may kaya pa akong gawin. Ano ba ang pwede kong gawin? Ano pa ba ang pwede kong magawa para sa kaniya?

"You only have months left, Samantha." Umiiyak na Sabi ni ate Cathy sakin.

I know that there's a limit on my time. I know that my heart can reach its end any moment. I know that I'm bound to die. Alam ko lahat iyon pero hindi ko akalain na ganitong kaaga. Hindi ganitong kabilis. Kasi akala ko . may oras pa ako para makasama yung mga taong mahal ko.

Tinanggap ko naman eh. Tinanggap ko na kukunin din Niya ako. Pero bakit sobrang unfair? Bakit hindi man lang ako mapagbigyan kahit konti pa? Bakit naman saglit lang?

I only have months left.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko nang parang malakas iyon na musika na pumipintig sa tapat ng mga tenga ko. Those words haunted me. Paulit-ulit kong naririnig.

Nang muli akong magmulat ng mga mata ay pilit na pinokus ko ang atensyon ko sa mga nasa harapan ko. Humakbang ako papasok sa kwarto kung saan ako laging chini check up ni ate Cathy at inilibot ko ang paningin sa mga nakakalat na kagamitan. Halatang may ginagawa pa siya bago Niya ako harapin. Makasunod lang sakin si ate. Hindi ko alam Kasi Ang nararamdaman ko ngayon ay halo halong emosyon.

Test tubes after test tubes, microscope slides thrown everywhere, syringes, papers stacked on every table, at kung ano-ano pang mga kagamitan ang sumalubong sa akin. The place looks busy.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin