Chapter Twenty Three

407 12 8
                                    

Realizations!

Knight Pov!

After nangyari kay Samantha, dpa rin siya nagigising and hindi ko alam kung paano haharap sa kanya at sa family niya, I know naman na may part na ng dahil sakin kaya siya umabot sa ganitong kalagayan. I decided to go in the hospital kung nasan si Samantha wala na akong pakialam kung anong sasalubong sakin, ang mahalaga makita ko si Samantha and I will tell to her that I love her so much, na gagawin ko ang lahat para maging karapat dapat sa kanya.

Habang nagdra-drive ako papuntang hospital bigla na lang bumabalik sa isip ko ang lahat ng pinagsamahan namin ni Samantha, the way she laugh, smile and pout, she's beautiful and wonderful. Kung naging matapang lang ako at pinaglaban kung anong meron samin, hindi sana umabot sa ganito. Nakarating na rin ako sa hospital agad akong nagpark at bumaba sa may sasakyan ko at pumasok na sa loob ng hospital, nang makarating ako sa room ni Samantha hindi ko inaasahan na nasa labas pala ang mga kuya niya at agad na lumapit sakin si Clyde.

Hindi ako umiwas ng tumama sa akin ang kamao ni Clyde. Sa kabila ng sunod-sunod niyang pag-atake sa akin ay nanatiling nakapako ang mga mata ko sa room ni Samantha.

"Kasalanan mo to!"

Hindi ko alam kung saan galing ang takot na nararamdaman ko. Hindi ko alam...hindi ko na maintindihan. Parang pinakawalan lahat ng nararamdaman ko. At ni isa man sa mga iyon ay hindi ko maintindihan.

"Papatayin kita! Kulang pa 'yan! Kulang pa!"

"Tama na, Clyde!" narinig kong sigaw ni Third.

"No! Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko hinding-hindi ko bubuhayin ang gagong to!"

Igrip a handful of my hair and tug on it hard. "What the hell is happening here?"

Dumukwang si Clyde at galit na sinaklit ang kwelyo ng damit ko. "Hindi mo parin ba naiintindhan ha?! My sister was even willing to risk her life to save your sorry ass! At anong ginawa mo? Sinaktan mo lang siya ng paulit ulit!"

"M-Man..."

"Gago ka! Kapatid namin si Samantha, Knight! Kahit na hindi mo siya mahal sana naman hindi mo siya sinaktan ng gano'n kahit respeto na lang sa pagkakaibigan natin." Clyde said

Umalpas ang luha sa mga mata ni Clyde. "Knight, bakit ang kapatid namin? Wala siyang ginawa kundi hintayin ka kahit lahat kami ay sinasabing itigil niya na ang pagpapakatanga sayo. Tinuring kita bilang pamilya ko...pero ginago mo parin ang kapatid ko." Third said.

"You dont deserve her!" sigaw ni Clyde at pasalyang binitawan ako.

Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Mapait na ngumiti ako. "You're right. I don't."

"Layuan-"

"I love her." Tumama ang kamao ko sa isang pader na malapit sa akin. "I fucking love her! I'm so stupid. I'm so stupid!"

"Hindi mo alam kung ano ang pagmamahal, Knight. Wag na wag kang lalapit sa kapatid ko. Dahil kaya kong kalimutan lahat-lahat ng pinagsamahan natin." Clyde said

Walang lingon-lingon na umalis na siya. Naiwan kami nila Third, Ford, Xander, Marcus, Marky Jeydon na tahimik lang. I don't deserve her. Not even a little. Kailangan kong lumayo. Para maging masaya na siya. Para hindi na siya masaktan ng taong katulad ko. Duwag. Iyon ako.

Hindi ko matanggap sa sarili ko na may isang bagay ako na hindi makokontrol. Natakot ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Kaya ginawa ko lahat ng ginawa ko. Dahil akala ko 'yon ang tama para sa kaniya. Kasi hindi siya magiging masaya kasama ako.

Walang kahit na anong salita na makakapagpagaan ng mga kasalanan na nagawa ko. There's no excuses. Mali ako. Nagkamali ako. Sinaktan ko ang babaeng importante sa akin dahil duwag ako. Dahil napakatanga ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now