Chapter Eighteen

141 5 0
                                    

Selfish!

Wala atang pagkakataon na hindi ko naging kasangga si Ate Cathy. Bata pa lang ako talagang magkasundo na kami, maliban sa Doctor ko siya, pero kapatid na talaga ang turing namin sa isat isa. Nasasakyan ko kasi ang trip niya sa buhay at gano'n din siya sa akin. She's always been the sister I never had.

Hindi naging madali kay Ate Cathy ang lahat. There are times that it was so hard to do anything for her. Mga pagkakataon na ang kaya ko lang gawin ay manatili sa tabi niya hanggang sa kailangan niya na ako. Marami siyang naging desisyon na kinakailangan niyang gawin mag-isa. Marami siyang bagay na kinaya ng mag-isa. But I don't want her to be alone facing all those.

Pilit na ngumiti ako at marahang tinapik ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Naiintindihan ko na gusto niyang maramdaman ko na hindi ako nag-iisa. Alam ko iyon. Pero hindi ko pa kaya ngayon. Hindi ko pa kayang pag-usapan lahat kasi pakiramdam ko mawawala ang natitirang kontrol na meron ako sa sarili ko. I want to keep it in until I can pretend perfectly.

Pretend as if not every moment is reminding me what I'm losing.

"Kaya ko pa, Ate."

"Hindi mo naman kailangan kayanin mag-isa."

"Alam ko. Pero gusto kong matutunan." Bumuka ang bibig niya para magsalita pero napatigil siya ng alisin ko ang kamay niya at iikot iyon dahilan para ako naman ang nakahawak sa kaniya, "I'm okay. Kasi alam ko nandiyan ka kapag hindi na."

Nakita kong nangilid ang luha sa mga mata niya at napatungo na lang ako para hindi makita iyon. She's always been like that. Iyakin na siya talaga kahit noon pa man. "Sige na ate, kaya ko. Uuwi na ako, dapat nga umuwi kana rin eh, hindi kaba susunduin ni kuya?."

"Susunduin. Iniintay ko lang ang Kuya Third mo, paniguradong bumibili na namn yun ng pagkain. Sure ka na kaya mong umuwi mag Isa?" Panigurado niyang saad.

"Kaya ko ate, at baka kanina pa ako hinahanap nila Kim."

Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep, ay sandaling napatigil ako nang maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Napapakunot-noong tinignan ko kung sino ang tumatawag at natigilan ako nang makita ko ang pangalan na nakarehistro.

I don't want to answer it. I'm scared to hear his voice. I'm scared to hear him speak when I can't even forget how he said the words that haunt me even in my dreams.

But I also miss him. I miss him now especially. Ngayon na alam kong bawat oras bilang. Bawat oras pwedeng huli na.

I just don't want to accept it. Kasi gusto ko pang umasa. Hindi ko pa kayang tanggapin na baka nga huli na. Baka hanggang dito na lang. Baka dapat makuntento na lang ako sa oras na nalalabi pa sa Buhay ko.

Hindi ko kayang tanggapin kasi gusto ko pa ng marami. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal na matagal, even though hindi ako yung mahal niya.

"Knight..." I whispered.

Hindi ko alam kung bkt tumawag siya sakin, ang mahalaga ay kahit paano ay may natitira pa rin siyang attention for me, na kahit ilang beses niya akong sinaktan, ay nandun pa rin yung joy at love ko para sa kanya.

Nanatiling tahimik ang kabilang linya maliban na lang sa mahina niyang paghinga na naririnig ko. I gripped my phone tightly as my body suddenly felt cold. Gusto kong marinig ang boses niya. Gusto ko siyang makita.

How can I even let go of him and accept that I will never be with him forever.
"Why? Napatawag ka. I know you don't love me, but I'm sorry to tell you this, Knight, I miss you so much." I can hear my breath becoming ragged as I fought control over my emotion. "Ang sakit na kahit anong gawin ko hindi pa rin ako yung mahal at pipiliin mo, but I'm so happy that you called right now. Gusto kitang makasama pero hindi ko alam kung paano. Kasi alam kong mahihirapan lang ako at si Chel. Akala ko kaya ko, Knight. Akala ko kaya kong maging matatag para sa'yo at kay Chel pero sobrang hirap pala. Pwd mo ba akong puntahan or sunduin man lang?"

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now