Chapter 2

5.7K 136 0
                                    

"kara anak! tulungan mo muna ako maglinis sa bahay ni ate Jane mo,at nandidito na yan bukas"-sigaw ni nanay.

"Opo inay"-

Tinapos ko muna ang pagpapakain sa mga alaga naming baboy.

Uuwi na pala dito si ate Jane, sobrang tagal na niya hindi umuwi dito sa Sorsogon simula noong namatay ang kanyang mga magulang.

Kami ang nagbabantay sa kanilang bahay habang wala ito.

Tumigil muna ako sa pag-aaral dahil nagkasakit ang Nanay at walang makakatulong sa mga gawain at pag aalaga ng mga alagang hayop namin.

Eighteen pa lang naman ako baka next year babalik ulit ako sa pag-aaral.Marami akong pangarap sa buhay isa na diyan ang maipagamot ko ang Nanay ko dahil may sakit itong Diabetes.

Pumasok na ako sa loob para magpalit ng damit dahil nangangamoy baboy na ako.

"Tapos ka na ba?-tanong ni Nanay.

"Opo,Nay"-

"Buntis pala ang ate Jane mo"-saad ni Nanay na nagulat pa ako.

"Kasama niya po ang kanyang Asawa?"-tanong ko dito.

Si Nanay at si ate Jane may kontak silang dalawa.Malapit na magkaibigan ang mama ni ate Jane at si Nanay.

"Wala namang sinabi , meron man o wala e respeto na lang natin"-seryosong saad ni Nanay.

Matanda si ate Jane ng halos limang taon sa akin.Pero sa ganitong edad ko napaka matured ko na sa lahat na bagay lalo na sa paghahanap buhay.

Tinulungan ko na si Nanay maglinis ng bahay dahil may tatlong kasama daw si ate Jane.

Mayroong tatlong kuwarto ang bahay nila,kahit papaano mas malaki ang bahay nila ate Jane dito sa lugar namin.

"Sabi ng iyong ate Jane baka madaling araw nandito na sila, dalawang babae at isang lalaki ang kasama"-sabi ni Nanay na naglalampaso na ng sahig.

Nag-iisang anak lang ako ,namatay ang tatay dahil may sakit itong hika.

Sobrang hirap ng buhay namin noon lalo nang nagkasakit ang Tatay ko.Kahit ngayon mahirap pa rin kami.

Kaya nga pinapangako ko na mag aaral ako ng mabuti para maiangat ko sa hirap ang Nanay.

Kumuha ako ng kursong Pagtuturo dahil gusto ko talaga maging isang guro at mahilig rin ako sa mga bata dahil wala akong kapatid.

Alam ko walang imposible ang lahat kapag may tiwala ka sa sarili mo at masipag ka lang.

Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon