Special Chapter

6.5K 192 7
                                    

Sabado at Linggo lang ang pahinga ko sa Pagtuturo.Kaya naman may time ako na alagaan ang aking mag aama.

"Zethus,huwag mo pakialaman iyan"-

Ayan na naman si Zethus lahat na lang makikita pinapakialaman.

"I want that"-nakangusong sabi nito.

"No,hindi puwedi,magagalit si Daddy"-

Nasa garden kami at nagdidilig ako ng mga halaman.

Mamayang tanghali pupuntahan namin si Zack sa office niya para hatiran ng tanghalian.

"Mommy,gusto ko baby dog,like kay Damien ,Dean at Denrey"-

Nakangiti ako na nakatingin sa anak ko.

Close na close na talaga sila ng Triplets ni Ate Jane.

Buntis ulit si Ate ngayon,at malapit na itong manganganak.

"Ayaw ni Daddy baka makagat ka"-

"But I want!"-

"Zethus don't be so hard headed okay?"-
Malumanay na sabi ko dito.

Malungkot itong tumango sa akin.

Naaawa naman ako.

"Okay,I ask Daddy na bibili tayo ng baby dog"-

"Really!"-tuwa na sabi niya na tumalon talon pa ito.

Ang babaw ng kaligayahan ng anak ko.

"Tell Yaya na paliguan kana,puntahan natin si Daddy"-

"Yes, mommy!"-agad itong tumakbo papasok.

"Slowly baby!"-

Ang likot likot talaga.

Pumasok na rin ako sa loob at maliligo.

Nakapagluto na ang katulong ng pagkain na dadalhin namin,doon na rin kami kakain ni Zethus sa company.

Isang maiksing maternity dress ang suot ko ,at flat sandals.

Naglagay lang ako ng kunting make up at lipstick.

Kinuha ko na ang purse ko,

"Zethus , let's go na baby"-

Ako na mag dadala ng sasakyan, marunong naman ako magdrive dahil ako rin mismo nagdadala kapag nagtuturo sa University.

Kinuha ko ang mga Tupperware kung saan nakalagay ang mga ulam at kanin.

Nilagay ko muna sa loob ng kotse ang pagkain , binuhat ko na si Zethus at pinaupo ,at kinabitan ng seatbelt.

"Behave baby"-

Ang likot likot ng kamay talaga.

"Mommy,i like that"-

Napabuntonghininga ako.

Lahat na lang makita ,gusto.

"Hindi puwedi bumaba si Mommy"-

Tinuturo niya ang Jollibee.

"Mamaya pag dating natin sa office ni Daddy,mag oorder tayo "-

Pinark ko muna ang kotse ko at bumaba kami.

Hawak hawak ko si Zethus sa kabilang kamay at sa kabila naman ang pagkain na dala dala namin.

"Good morning Ma'am"-bati ng Guwardiya.

Nginitian ko lang ito.

"Good morning Ma'am Kara"-

Ang babait ng mga empleyado dito.

Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon