Chapter 4

4.7K 140 3
                                    

Napag alaman ko na babalik din sa Manila ng madaling araw ang mga kaibigan ni ate Jane.

Umuwi muna ako sa bahay para mamitas ng mga gulayin at ibibinta ko ito sa bayan.Hindi mawala wala sa isipan ko si Zack, Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kabog ng Dibdib ko.

Pagkatapos kong anihin ang mga gulay naligo na ako para pumunta ng bayan.Nakagayak na ako at lumabas na ng kuwarto para magpaalam kay Nanay.

"Nay alis na ho ako",-

"O siya mag-ingat at huwag na magpagabi ulit,"-saad ni Nanay na naglalaba ito.

Minsan matumal talaga ang binta,kaya inaabot talaga ako ng gabi.

Pumara na ako ng traysikel ,minsan napapaisip lang ako na kung buhay pa siguro si Tatay Hindi ako ngayon nagtitinda ng mga gulayin.Siguro nga nag aaral ako,ang swerte ng ibang kabataan na nakakapag aral sila.

Pagdating sa bayan pumunta na agad ako sa aking puwesto.Nilabas ko na agad ang mga gulay at inilagay ng maayos sa lapag.

"Marami rami kaya yata na ani ngayon,"-saad ni Aling Susy sa akin.

"Oo nga po eh,sana mabinta ko po lahat at makauwi ng maaga,"-saad ko dito,kilala ako dito sa bayan dahil halos naman araw araw ako nandidito.

"Kagandang bata mo Kara hindi bagay sa iyo ang ganitong trabaho,"-naaawa na tumingin sa akin si Aling Susy.

Tumingin ako kay Aling Susy at nginitian ito.

"Marangal naman po ang pagtitinda at Kailangan ko po ito gawin para may kakainin kami ni Nanay,"-

"Sobrang bait mong bata ka,pagpalain ka sana ng Diyos,"-nakangiti na sabi ni Aling Susy.

Dahil araw ng sabado ngayon marami rami rin ang namamalengke kaya kahit papaano may bumibili.

"Ay ineng pakyawin ko na lahat iyan, ang fresh ng mga gulay mo,"-saad ng isang Ali na ikinatuwa ko ng sobra.

"Maraming salamat po,"-

"Ang gandang bata mo,may mararating ka pa,"-nakangiti na sabi nito.

Ngumiti lang ako dito,makakauwi ako  ng maaga ngayon.Ibibili ko muna si Nanay ng gamot sa botika at bibili rin ako ng mga grocery na gagamitin sa loob ng bahay.

"Aling Susy mauuna po ako sa inyo,"-nakangiti na paalam ko dito.

"O sige mag ingat ka, kamustahin mo na lang ako kay Ninay,"-

Matapos kong bilhin ang lahat na kailanganin, sumakay na ako sa traysikel at nagpahatid sa bahay.

Pagdating sa bahay wala si Nanay,baka nasa bahay ito ni Ate Jane.

Nilagay ko sa mesa ang mga bitbit ko at pumasok sa aking silid para magbihis.Pagkatapos kong magpalit lumabas na ako ng bahay dahil pupunta ako sa bahay ni Ate Jane.

Walang tao ang bahay pero bukas ang pinto.Pumasok na ako at tinawag ko si Ate Jane.

"Ate Jane,?"-

"Ate?,"-

Saan kaya sila?bakit bukas ang bahay kung wala sila?

"Umalis sila kasama si Aling Ninay,"-

Kinabahan na naman ako ng makita ko ulit si Zack.

"Ganun po ba,sige aalis na ako,"-tatalikod na sana ako pero hinawakan nito ang isang kamay ko.

"Your so beautiful and so damn innocent,"-namumungay ang mata nito na nakatitig sa akin.

Napalunok ako ng hinaplos nito ang mukha ko.

"Aalis na ako,"-mahinang saad ko dito.

Ngumisi ito sa akin at nagulat ako ng hinalikan ako sa leeg at parang sinipsip nito ang balat ko.Bigla naman ako nanigas at ang init sobra ng katawan ko.

"I'll mark you Mine,"-sabi nito na kinagat pa ang ibabang labi nito.

"Aalis ako mamaya pero babalik ako sa isang araw,"-seryosong saad nito.

Bago ito tumalikod ,hinalikan nito ako na mapusok sa labi.

Napatulala lang ako.

Ang bilis ng pangyayari!

Bakit pumayag ako na magpahalik sa lalaking hindi ko pa kilala ng lubusan?!

Anong tinutukoy niya na mamarkahan niya daw ako?

Lumabas na ako ng bahay na litong lito at hindi mapakali.

Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon