Chapter 28

5.1K 148 5
                                    

Sobrang nawiwili ako sa pamamasyal,hindi ko na namalayan ang oras.

Tiningnan ko muna ang cellphone ko dahil nag email si Ma'am Joan sa akin.

Napabuntonghininga ako,may ticket na daw ako at bukas na agad ang flight,minamadali ako pinapauwi dahil mag sisign ako ng Contract sa company ulit ni Sir Roice bilang endorser ng Wine company nila.Dati ako rin ang kinuha nilang modelo,at kinukuha ulit ako.

Umuwi na ako sa bahay nila Sir Jaime.

Nakita ko si Zack na nakaupo sa Garden na naninigarilyo ito . Nakatingin ito sa akin,hindi ko na ito pinansin.

Dumiretso na ako sa kusina para kumain.Namiss ko na ang triplets,uuwi na ako bukas hindi pa sila naka uwi dito.

"Kara halika na ,kumain"-

Nginitian ko lang ang mga kasambahay ni Sir Jaime,ang babait nila.

Umupo na ako.

Napatingin ako sa pagkain,ang sasarap pero sinabihan ako ng manager ko na huwag daw ako kumain ng Fatty foods,mag Vegetables at fruits daw muna ako.

Napatingin ako sa pinto, pumasok si Zack.

"Sir Zack ,kain na po, sabay na kayo ni Kara"-

"Ate puwedi po ba prutas na lang po kainin ko?bawal po ako kumain ng Carbs"-

"Ha,meron dito,bakit naman?"-

Napatingin sila sa akin at pati na rin ang gurang sa tabi ko.

"May photo shoots po ako, pinagbabawalan po ako ng manager ko"-

Malumanay na sabi ko dito.

"Hala,model ka pala!kung sabagay napaka ganda mo,siguro maraming lalaki ang naghahabol sa iyo lalo"-

Nakangiti ang mga ito sa akin puwera lang ang katabi ko.

"Salamat po,meron naman po,hindi naman natin maiiwasan na may malilink sa katrabaho natin"-

"Ay Oo, pero huwag ka muna mag jowa,marami ngayong mga lalaki na manloloko"-

"Opo ate,marami po talaga,kahit mga gurang na manloloko pa din,alam mo iyon,kung sino pa po ang matatanda na iyon pa po ang manloloko!"-

Napaubo si Zack ,at tumingin sa akin ng masama.

"Am I the one you are referring to?!"-

Hala!wala naman akong sinambit na pangalan!Parang inamin niya rin na gurang nga siya!

"Ah , Kara,Sir Zack,lalabas muna kami,iwanan niyo na lang diyan ang pinagkainan ninyo,at kami na ang magliligpit"-

"Salamat po ate"-

Patuloy lang ako sa pag kain ng mansanas , Hindi ko ito iniimikan.

"Kara?'-

Nagbingibingihan lang ako.

Narinig kong Napabuntonghininga ito.

"Kara,can we talk?"-

Blangkong mukha na tumingin ako dito.

"I know I have made a big mistake,sana mapatawad mo ako"-Mahinang Sabi nito.

Paulit ulit!Dalang dala na ako.

"Kara, baby I'm sorry, please"-

"Alam niyo po,paulit ulit kayo!okay, ganito na lang po,papatawarin lang kita kapag hindi na kayo magpakita sa akin!"-

"W-What you mean?"-

"Ayaw ko na pong makita kayo!"-

Tumayo na ako,pero hinawakan niya ang kamay ko,

Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon