Chapter 3

4.9K 131 0
                                    

Madaling araw narinig kong may sasakyan na  tumigil.Bumangon ako at lumabas sa kuwarto ko.

"Nay?"-nakita ko si Nanay na binuksan ang pinto.

"Nandito na sila ate Jane mo, pupuntahan ko muna"-saad ni Nanay na lumabas na ito.

Tumango lang ako dito,pumasok ako sa silid ko para magbihis at pupunta rin ako sa kabilang bahay.

Mag alas singko na pala kaya hindi na rin ako babalik sa pag tulog dahil mamaya magtitinda ako sa bayan,pipitasin ko ang mga gulay sa likod bahay namin at ibibinta na .

Pumasok ako sa bahay nila ate Jane,nakita ko ang kanyang mga kasama.Sobrang ganda ng dalawang babae,grabi parang mga artista ito.Napakaganda din ni ate Jane.

Nakatalikod ang kasama nilang lalaki kaya hindi ko nakita ang mukha nito.

"Kara?!halika ka dito"-tawag ni ate Jane na may kalakihan na ang tiyan niya.

Lumapit ako dito.

Napatulala ako sa lalaking kasama nila.

Sobrang napakaguwapo!Ngayon lang talaga ako namangha sa lalaki.May mga kaklase din ako dati na ang guguwapo pero itong kaharap ko parang isa siyang Greek God!

Parang nang init ang mukha ko.Nakatingin ito sa akin at parang tagos sa katawan ko ang kanyang mga titig.

"Kara,sila Jenny, Bea at Zack pala,Guys si Kara anak ni Aling Ninay parang younger sister na rin ang Turing ko dito"-saad ni Ate Jane na inakbayan pa ako.

"Hi, Kara your so pretty naman"-nakangiti na saad Na Bea ang pangalan,Bakit sobrang Ganda nila.

"Hey,baby girl"-saad naman na Jenny ang pangalan, sobrang seksi niya.

Pero tumango lang sa akin si Zack .Napaka sersyoso niya.

"Aling Ninay matutulog muna ho  siguro sila,mamaya na lang ho sila kakain"-sabi ni ate Jane na palagay ko parang inaantok na rin ito.

"Ah sige ,nalinisan na namin ang Tatlong kuwarto"-saad ni Nanay na nililigpit na ang mga pinag kapehan.

"Kara puwedi mo bang samahan si Zack sa dulong kuwarto?At ako na maghahatid sa master bedroom kina Bea at Jenny"-

Nahihiya akong tumango kay ate Jane.Kinakabahan ako,ganito pala pag may crush ka.

Nauna na ako naglakad papunta sa dulo na kuwarto at  nasa likuran ko naman si Zack.

Binuksan ko ang silid  na gagamitin niya at binuksan ko rin ang mga ilaw.

Lumingon ako dito para sana sabihin sa kabinet ang mga unan at kumot pero laking gulat ko na sobrang lapit na pala nito sa likuran ko kaya nauntog ang ulo ko sa Dibdib niya.

Sobrang tigas ng katawan!

"Pa-pasensiya na po"-nabubulol na sabi ko dito.

Ramdam ko ang init ng mukha ko.Bakit sobrang guwapo nito.Ang pula ng labi at haba ng pilik mata niya, sobrang kinis pa ng mukha niya.

"Are you finish dreaming on me?"-ngisi na saad nito na natauhan naman ako.

"Ah-lalabas na ako!"-dali dali akong lumabas,parang sasabog ang dibdib ko sa kaba.

Gosh!bakit ang hot niya!

Sa mukha pa lang niya hindi maipagkaila na babaero ito.


Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon