Chapter 34

5.9K 152 0
                                    

"Nay Sorry po, Hindi ko tinupad ang pinangako ko sa inyo"-mangiyak ngiyak na sabi ko kay Nanay.

Isang buwan lang si Nanay sa Spain at umuwi rin dito sa Pilipinas.

"Im so sorry Nanay Ninay ,sinira ko po ang tiwala ninyo,pero mahal na mahal ko po si Kara at handa ko na po siyang pakasalan"-

Napabuntonghininga si Nanay.

"Ano pa ang magagawa ko eh nandiyan na iyan,basta ang importante masaya ka Kara pero huwag niyo Kalimutan lagi kayo magdadasal para gabayan ang pagsasama ninyo"-

Niyakap ko si Nanay,ang suwerte ko sa kanya,napakabait.

"Thank you po Nay"-

Agad kami bumalik sa Manila dahil busy pa si Zack sa trabaho niya.Sa bahay ng parents niya na kami nakatira at balak namin next month na magpakasal.

Wala sa bahay sila Mommy Andrea at Daddy Zeus,si Zack nasa opisina siya,kami lang ang nandidito sa bahay Zia,Zen at mga katulong.

"Kara tara,si Kuya Zack nandoon sa party nila Roice , maraming babae doon, huwag ka papayag na niloloko ka!"-nakangising saad ni Zia sa akin.

"Hoy Zen, sumama ka sa amin para naman may adventure ang buhay mo!"-

"Ayoko ko po ,nag aaral ako"-

"Putang ina sumama ka!"-

Nakasimangot na tumayo si Zen.

"Magbibihis lang ako Ate"-

Tatlong buwan na ang tiyan ko at medyo halata na ito.

"Bihis kana Kara,bilisan mo"-

Pumunta na ako sa kuwarto namin at nagbihis ng isang skirt at sleeveless,hindi pa naman kalakihan ang tiyan ko .

Nakita ko si Zen na nakasuot ito ng short at T-shirt na malaki.Napaka simple niya pero sobrang ganda.

"Let's go, Girls"-

"Ate nga,aawayin ka na naman ni Kuya,pati si Ate Kara dinadamay mo sa kalokohan"-mas may bait pa si Zen kaysa kay Zia .

Inaantok ako,alas tres na ng hapon.Anong party ang tinutukoy ni Zia.

"Zia,anong party ang sinasabi mo?"-

"Basta,mamaya"-

"Zia daan tayo mamaya sa palengke ha,gusto ko kumain ng pakwan"-

"Si kuya na ,at sabihin mo sa kanya gusto mo ng pakwan na kulay violet ang laman"-

Narinig ko na humagikhik si Zen.

"M-meron ba ganyang kulay?"-

"Oo meron,pahirapan mo siya nang makaganti ka"-nakangising saad niya sa akin.

Napanguso na lang ako.

Tumigil kami sa isang malaking bahay.

"Kanino itong bahay?"-

"Kay Jaime ito,halina kayo"-

Bumaba na kami at hawak kamay kami ni Zen habang sumusunod sa likuran ni Zia.

"Ma'am pinagbabawal po ni Sir Jaime na pumasok sa loob, exclusive lang po silang magbarkada"-

"Kuya,sundalo ako,see this my I.D,at baka gusto niyo batuhin ko ng granada ang bahay na iyan!"-namutla naman si manong Guard.

"P-pasok na po kayo"-

Huminge na lang ako ng pasensiya kay manong sa ginawa ni Zia.

Napapailing na lang ako kay Zia,

Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon