Chapter 27

4.9K 139 1
                                    

Napag alaman ko na ang asawa pala ni ate ay matalik na kaibigan nila Sir Jaime at sobrang yaman pala.

Ilang araw na kami sa US,ang mga triplets naman kinuha na ng Lola nila,

Nakatanggap ako ng email sa manager ko mag start na ako sa photo shoots kaya kailangan ko makauwi.

Si Ma'am Joan nag chat sa akin  may sakit daw si Nanay,

Paano ba ako makapag paalam kay ate, nahihiya ako lagi siya sa hospital,uuwi lang dito bibisitahin ang triplets.

Dahil wala ang mga triplets,nanatili na lang ako sa loob ng kuwarto,

Narinig ko na may kumatok, bumukas ang pinto at si Ate ito.

"Kara, happy birthday"-

Napabuntonghininga ako, Nakalimutan ko na tuloy ang birthday ko,

"Thank you po ate"-

May binigay ito sa akin na maliit na box .

"Umuwi na po pala kayo"-

"Babalik din ako mamaya,bakit hindi ka muna mamasyal?"-

"Tinatamad po ako,baka mamaya na lang po,kamusta naman po ang Asawa ninyo?"-

Nakangiti ito sa akin,

"Tinanggal na ang aparatos niya,noong nakaraang araw gumalaw na siya"-

Masaya ako para kay Ate.

"Masaya ako para sa iyo Ate,sana po tuloy tuloy ang paggaling niya"-

"Sana nga, magpahinga muna ako at babalik rin ulit ako sa hospital, dumating na si Zack kanina lang"-

Dumating na pala ang gurang?

Umuwi kasi sila Sir Jaime at Sir Ace sa Pilipinas.

"Happy birthday ulit Kara, magpahinga muna ako"-

"Salamat ulit po"-

Nineteen na ako,dalaga na talaga ako.

Dumating na pala siya,aminin ko man sa sarili ko namiss ko siya ng sobra.

Bakit ko ba pipilitin ang sarili ko sa taong ayaw sa akin?!

Buti may sariling TV sa kuwarto na binigay sa akin, nawili ako sa kakapanuod at hindi ko na namalayan ang oras.Maligo muna ako at mamasyal sa labas.

Tumayo na  ako at pumunta ng CR para makaligo na.

Hindi na ako nagdala ng damit  sa loob ng CR,

Nag babad muna ako ng konting oras sa bathtub.Ang sarap pala kapag mayaman ka.

Tumayo na ako at nagbanlaw na ng katawan.

Nakita ko ang hubo't hubad kong katawan sa salamin.

Ang laki ng pinagbago ng katawan ko,lalo naging makurba ito.Dahil ilang araw na ako sa US,parang namumula na ang balat ko.

Pinatuyo ko muna ang buhok ko at lumabas na ng banyo.

Napanganga ako paglabas ko nakaupo si Zack sa kama.

Nakatingin na ngayon siya sa akin.

Hindi ko alam kong ano ang dadamputin ko,ang damit ko ba o ang tuwalya.

Pero naalala ko ulit ang masakit na salita na sinabi niya sa akin, total ilang beses na niya nakita ang katawan ko ,bakit pa ako mahihiya?

Tiningnan ko ito ng diretsohan,

"Ano pong kailangan ninyo"-

Seryoso akong tumingin dito.

Nakita ko ang sabik at pagnanasa sa mga mata niya,

Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon