Chapter 30

5.5K 144 7
                                    

Pagdating sa company ni Sir Roice,pumirma lang ako saglit at napag alaman ko na si Rhenz Bright ang makapartner ko.Sobrang tuwa ko dahil pinapangarap ko na makasama si Rhenz sa project na ito.

"Sige po,papirmahan ko na lg po ito kay Sir Roice pagdating"-ani ng sekretarya.

Nagpaalam ako kay Ma'am Joan na sa lobby ko na siya hihintayin.Umupo muna ako sa isang bakanteng upuan.

Habang nakaupo nagmamasid ako sa palagid.

May nakita akong buntis na babae ,nagmomop ito ng sahig.May kalakihan na ng konti ang tiyan niya.Tumigil ito sa pag mop at umupo ito sa tabi kong upuan.

"Hi"-bati ko dito.

"H-Hello"-parang nahihiyang sagot niya.

Ang ganda niya sobra,pero nakikita ko ang hirap sa mukha niya.

"Okay lang ba sa company na nagtatrabho ka dito kahit buntis?baka madulas ka po"-

"H-ha.Ah okay lang,kaya ko pa naman eh"-

Panay ang punas nito ng kanyang pawis sa mukha at leeg.

"Ako po pala si Kara"-

"N-Nery pala"-

Naaawa ako sa kanya.Ang gago naman ng Asawa niya,bakit pinagtatrabaho si Ate Nery e buntis!

"Ate Nery taga saan po kayo?"-

"T-Taga Mindoro,sige alis na ako"-

Dali dali itong umalis pero tinawag ko ito,

"Ate Nery sandali po"-

Tumigil ito at lumingon sa akin.

"Ibibigay ko lang po ang cellphone number ko,kung sakali kailangan mo ang tulong ,huwag po kayo mahiya tawagan ako"- Awang awa ako na nakatingin dito.

"S-salamat"- maluha luhang sabi niya.

Nakita ko si Ma'am Joan na papunta na siya sa kinatayuan ko.

"Let's go, puntahan muna natin si Nanay mo"-

Ngumiti lang ako dito,hindi mawala sa isip ko ang mukha ni ate Nery,parang sobrang hirap ito sa nakikita ko.Hayaan mo ate Nery pag marami na akong pera ,tutulungan kita.

Pumunta kami sa bahay ng tiya ko kung saan nandoon si Nanay.

"Nay!"-agad ko itong niyakap.

"Kamusta kana"- tanong ni Nanay sa akin.

"Okay lang po,mag sisimula na ulit ako mag photo shoots bukas"-

"Buti naman,saka bumalik kana sa pag aaral mo"-

"Opo naman Nanay"-

Nakita ko ang tiya ko na bumaba ng hagdanan.

"Tiya!"-

Agad akong Lumapit dito at niyakap.Si Ma'am Joan may pinuntahan pa ito at dadaanan na lang daw niya ako mamaya.

"Kara,dadalhin ko muna ang Nanay mo sa Spain"-

Tumingin ako kay Nanay,

"Okay lang po Tiya ,gusto ko rin po na makapamasyal si Nanay"-

"Anak, baka hindi mo kayanin mag isa dito"-

"Nay,malaki na ako at nandito naman si Ma'am Joan at si Ate Jane"-

"Mamayang gabi na ang flight namin,biglaaan gawa ng nagkasakit ang bunsong anak ko kailangan makabalik ako sa Spain"-

Niyakap ko si Nanay ng mahigpit.

"Sige na po sumama na kayo,kapag hindi mo gusto doon ,umuwi ka na lang dito"-

Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon