Chapter 7

4.5K 123 3
                                    

Maaga pa lang umuwi na ako sa bahay,medyo masakit pa  ang nasa bahaging gitna ng hita ko.Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na wala na ang isang bagay na iniingatan ko na sana ibigay lamang sa lalaking papakasalan ko.

"Magtitinda ka ba ngayon sa palengke?-bungad ni Nanay na sa akin na nagkakape ito sa kusina.

"Opo,may pipitasin pa naman ako ng mga gulayin natin sa likod ng bahay at marami rami pa ho "-saad ko dito, kumuha ako ng tasa para magtimpla rin ng kape.

"Dumating pala si Sir Zack,nandiyan ang kotse niya sa labas ng bahay ni Jane"-sabi ni Nanay habang naghahanda ng almusal Namin.

Hindi na lang ako umimik.Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi.

"Kumain ka muna bago mamitas ng mga gulay"-sabi ni Nanay na binigyan pa ako ng plato.Kumuha lang ako ng sinangag at piniritong itlog.

Mabilis lang ako kumain dahil kailangan maaga ako sa palengke .

Kinuha ko muna ang basket at pumunta na sa likod ng bahay.Kahit papaano nakakatulong din ang mga pananim na gulay sa araw araw na pangangailangan namin.

Pagkatapos kong anihin , gumayak na ako para maligo,

"Nay ,alis na po ako"-

"O siya mag- ingat ka"-sabi ni Nanay, naaawa rin ako kay dito dahil sobrang hirap talaga ng buhay namin.

Pumara na ako ng traysikel at nagpahatid sa bayan.

Pagbaba ko ng traysikel tinawag agad ako ni Aling Susy.

"Kara,akin na ang mga gulay mo may papakyaw "-nakangiti na saad nito.

"Talaga po"-tuwang tuwa na sabi ko dahil hindi ko na Kailangan magtagal sa bayan para magbinta.

"Oo ayan siya oh"-nakangiti na tinuro ito ni Aling Susy sa akin.

"Sir Zack?!"-

"Kilala mo siya?"-tanong ni Aling Susy.

"O-opo bisita po siya ng Ate Jane ko,iyong kapit bahay po namin"-

Bakit naman niya bibilhin ang mga paninda ko?Bakit sobrang aga naman niya dito sa Bayan?

"Halika na at ibigay mo na sa kanya ang mga gulay mo,para naman makauwi ka ng maaga"-nakangiti na saad ni Aling Susy.

Lumapit ako kay Sir Zack, nakangiti ito sa akin.

"How much is that?"-tanong ni Sir Zack.

"950 lang po"-mahina na saad ko dito.

"Here"-inabutan niya ako ng sampong  libo na pera, nanlalaki ang mata ko.

"Sobra naman po,950 lang eh"-nahihiya na sabi ko dito.

"It's okay, that's also for last night"-

Nagulat ako sa sinabi niya,parang sinampal ako ng ng sampong beses.Binayaran niya ako sa nangyari kagabi?!

Parang gusto ko umiyak,pero pinigilan ko.

"Hindi ko po binibinta ang katawan ko,dahil gulay lang po ang binibinta ko!"-galit na saad ko dito.

"Ibigay niyo na lang po ang halaga ng 950 at uuwi na ako"-diin na sabi ko dito.

Narinig ko na napabuntonghininga ito.Inabutan niya ako ng 950,agad ko ito kinuha.

"Salamat ,Sir"-magalang na sabi ko at tumalikod na.

Ang sakit pala kapag mababa ang tingin sa iyo ng isang tao,at pinaka masakit si Sir Zack pa na tinuring ako na bayaran.

Hindi ko na  napigilan tumulo ang luha ko,ang hirap pala na isang kahig ,isang tuka ka lang dahil iba ang tingin  sa iyo.

Ayoko umasa na magugustuhan niya ako dahil isang mahirap lamang at hindi nakapag tapos ng pag-aaral.

Pinapangako ko magsisikap ako para sa sarili ko at para kay Nanay.






Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon