Chapter 13

4.3K 128 5
                                    

"Ate Jane parang lumalaki ang paa mo"-saad ko dito,dahil napapansin ko na parang namamaga ito.

"Malapit na siguro ako manganganak"-nakangiti na sagot nito sa akin.

Nakaayos na lahat ng mga gamit ng baby ,noong isang Linggo ko pa iyon nalabhan.

Wala pa rin nagbabago sa amin ni Sir Zack,halos araw araw may nangyayari sa amin . Kanina nga inabutan na naman niya ako ng Contraceptive pills, dumating na rin si Nanay ,gusto niya kasi kapag nanganak si Ate Jane nandito siya.

Hindi ko alam kung anong relasyon meron kami ni Sir Zack.Pero okay lang sa akin dahil minsan naramdaman ko na naging mabait na siya sa akin.

"Kara,punta muna ako sa silid ko"-paalam ni Ate sa akin.

"Ah sige po,magliligpit na rin po ako ng mga kalat dito"-

Nasa bayan daw si Sir Zack,may pinuntahan daw na kaibigan.Gabi na rin kaya nagpahinga na ako, maririnig ko naman ang sasakyan niya kapag dumating na siya ,

Pagkatapos ko maligo ,nagbasa basa muna ako ng aklat na binigay sa akin ni Ate Jenny noong nakaraan na pumunta siya dito.

Narinig ko na may tumigil na sasakyan kaya dali dali akong lumabas,si Sir Zack na pala.

Binuksan ko kaagad ang pinto.

"Sir Zack"-

"Hey,sorry ginabi ako"-namamaos na boses nito.

"Nakainum po kayo?"-tanong ko dito.

"Little bit"-

Hinila agad nito ang aking kamay at hinalikan ako.

"W-wait po,meron po ako ngayon"-mahinang saad ko dito.

"Fuck, okay, magpapahinga na ako"-Tumalikod na ito at pumunta sa kanyang silid.

Napabuntonghininga na naman ako.

Alam ko pag nalaman ito ni Nanay ,Baka itatakwil niya ako.

Pumasok na rin ako sa aking silid.

Kinabukasan naalimpungatan ako dahil sa sigaw ni Ate Jane.

"Zack!Kara!"--

Dali dali akong bumangon at pumunta sa silid niya,na ksaunod ko rin si Sir  Zack .

"Jane"-tawag ni Sir Zack .

"Manganganak na yata ako"-

"What?!wait..pigilan mo muna!"-natatarantang sabi niya na napatulala pa kami ni ate Jane.

Dali dali ko naman kinuha ang ma gamit ni ate Jane, binuhat ni Sir Zack ito papunta sa sasakyan.

"Sir Zack susunod lang po ako,tawagin ko na lang si Nanay"-saad ko dito.

"Sumama kana,susunduin ko na lang mamaya si Aling ninay"-

Sumakay na agad ako, pagdating sa hospital agad naman inasikaso si Ate Jane,umuwi muna si Sir Zack para puntahan si Nanay.

C-section ang ginawa kay ate,halos tatlong  oras kami naghintay sa labas, nakita na namin lumabas ang Doctor.

"Congratulations Mister, Tatlong lalaki po anak ninyo"-sabi ng Doctor na medyo naiilang pa si Sir Zack.

"Thanks"-sagot ni Sir Zack na umiwas agad ito ng tingin.

"Ililipat na po si Mrs.sa kanyang magiging silid"-saad ng Doctor at nagpaalam na rin ito.

"Salamat sa Diyos ligtas ang iyong ate Jane"-saad ni Nanay.

Nagpaalam muna si Sir Zack dahil may tatawagan daw ito.Kami naman ni Nanay pumunta sa magiging kuwarto ni Ate Jane,ilang minuto lang dinala ng mga nurse si Ate,inihiga na ito sa Kanyang kama.

"Ate"-nakangiti na tawag ko sa kanya.

"Nakita niyo na ang baby's ko?"-mahinang sabi nito.

"Hindi pa po eh ,mamaya pa po siguro dadalhin dito"-saad ko.

Inasikaso ko muna ang kakainin ni ate,soft food daw muna ipakain sa kanya,

Maya maya lang pumasok na si Sir Zack,

"Congratulations"-nakangiti na saad nito.

"Thank you Zack"-

"Ah Jane ,Okay lang ba na aalis ako mamayang gabi?nagka problema ang Company ko"-saad nito kay ate.

Kinagat ko ang aking ibabang labi,parang gusto ko umiyak

"Okay lang ano ka ba"-nakangiti na sabi ni ate.

"Aling Ninay kayo muna po bahala kay Jane,bibigyan ko na lang ho kayo ng mga gastusin ninyo"-nakatingin ito kay Nanay.

"Okay lang Hijo,parang panganay na anak ko na ito eh"-saad ni Nanay na hinaplos pa ang buhok ni Ate.

"Sobra sobra na naitulong mo Zack,hindi ko alam kung paano kita babayaran"-mangiyak ngiyak na sabi ni Ate.

"Huwag mo isipin iyan,Labas muna ako ,bibili lang ako ng pagkain natin"-saad nito na hindi man lang tumitingin sa akin simula kanina.

Agad na itong tumalikod at lumabas na ng kuwarto.

"Nay labas lang po ako,may titingnan lang po"-paalam ko kay Nanay,

"Balik ka kaagad"-

"Opo"-

Dali dali akong lumabas at hinabol ko si Sir Zack.Naabutan ko ito sa parking lot.

"Sir Zack?!"-

Lumingon ito sa akin.

"What?"-nagtatakang sagot niya.

"K-kailan po ang balik ninyo ulit?"-

"I don't know,Why?"-

Yumuko ako,

"Paano na po tayo?"-

"What?there is no between us,Kara"-

Tumingin ako dito na lumuluha,

"Paano kung hindi na ako umiinum ng pills?paano kapag nabuntis ako?"-

Galit itong nakatingin sa akin,

"Really?! Fuck! I told you that you need to take that pills!"-

Napaatras ako Dahil sa pag sigaw niya sa akin.

"If ever you got Pregnant,I will not accept the Child"-seryosong sabi nito at sumakay na ito sa kotse niya.

Yumuko na lang ako habang umiiyak,sana huwag na nga siya bumalik dito,sana ito na ang huling pagkikita namin.



Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon