Chapter 14

4.3K 127 1
                                    

Bumalik ako sa loob na parang walang nangyari.Nadatnan ko si Nanay na pinapakain si Ate.

"Kara,anak kumain  kana"-agad na bungad sa akin ni Nanay.

"Mamaya na po Nay"-

Nakaupo ako sa tabi ni Ate Jane habang pinapanuod ko ito na sinusubuan ni Nanay.

"Oo nga pala Kara,kung gusto mo na daw mag aral Sabi ng iyong Tiya,magsabi ka lang"-

Tumingin ako kay Nanay,napag alaman ko kay Nanay na nakapag asawa ng ibang lahi ang Tiya ko,gusto nga daw nito dalhin sa ibang bansa si Nanay pero pinag iisipan pa ni Nanay at sasama lang daw ito kapag kasama rin ako.

"Aling Ninay ,napag usapan na po namin ng mga kaibigan ko na kami na magpapaaral kay Kara"-saad ni Ate Jane na nakangiti ito sa amin.

"Salamat Jane anak,gusto ko rin makapagtapos si Kara para kahit papaano may mararating sa buhay "-

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila,maya maya lang dumating si Sir Zack na maraming dala dala,mga groceries ito at mga pagkain namin.

"Maraming salamat,Zack"-mahinang sabi ni Ate.

Ngumiti lamang ito.

"Anong oras ka aalis pala?"-nakatingin dito si ate.

"Mamayang alas tres, susunduin lang ako ng chopper"-saad nito na busy sa pag aayos ng mga groceries.

"Baka matagalan ako bumalik dito Jane, pupunta pa kasi ako ng US"-saad nito.

Yumuko ako dahil nakaramdam ako ng kirot sa Dibdib ko.Mas maigi na nga siguro na ganito na hindi kami magkikita baka sakaling mawala ang pagmamahal ko sa kanya.

"Okay lang ,ano ka ba.Nandito naman si Kara at si Aling Ninay"-

Tahimik lang ako na nakaupo .Tumayo ako at nag paalam kay Nanay na uuwi muna ako.

"Nay ,ate ,uwi po muna ako,babalik na lang po ako mamayang hapon"-saad ko sa kanila.

"Ayaw mo kumain?"-tanong ni Nanay

"Sa bahay na lang po"-mahinang sabi ko dito.

"Mag-ingat ka"-ani ni Nanay.

Lumabas ako ng silid na hindi ko man lang tiningnan si Sir Zack.

Nag aabang na ako ng traysikel nang biglang may humawak sa kamay ko.

Si Sir Zack.

"Hatid na kita"-saad nito sa akin.

"Huwag na ,kaya ko naman umuwi"-umiwas ako ng tingin.

"Don't be hard-headed"-sabi nito hinila pa ang kamay ko.

"Ano ba!ayaw ko nga!"-galit na sabi ko dito.

Parang hindi ito makapaniwala sa ginawa kong pang sigaw sa kanya.

"Ako na ang kusang lalayo,ayoko na makausap kita!"-diretsong tiningnan ko ito.

"Really?! wow, that's better"-nakangisi na saad nito sa akin.

"Umalis kana"-mahinang sabi ko dito.

"Okay,then forget me"-seryosong sabi nito.

Humarap ulit ako sa kanya at tiningnan ko ang  blangko niyang mukha.

"Hindi mo na Kailangan sabihin sa akin na Kalimutan Kita dahil gagawin ko talaga iyon,at sakali mabuntis ako baka ipalaglag ko rin ito , Ayoko ko mabuntis na walang ama ang anak ko at ayoko ko na biguin si Nanay"-

Nakita ko na umigting ang panga nito.

"Then,Do it what you want, it's your choice"-diin na sabi nito.

Agad na itong tumalikod ,

"I hate you Zack!"-sigaw ko dito na umiiyak.

Humarap ulit ito sa akin,

"It's better to hate me than to stay in my life and  just get  hurt when your  with me"-walang emosyon na sabi nito.

Umigting ang panga ko,

Tamang tama may traysikel agad ko itong pinara at sumakay na,hindi ko napigilan humagulhol ,buti maingay ang tunog ng traysikel kaya hindi ako maririnig ng driver.

Huminga ako ng malalim at pinahiran ko ang luha ko,

Bakit ganun kahit galit ko ako sa kanya,nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko kay Sir Zack.

Napabuntonghininga ako,tama lang na lumayo ako,hayaan ko muna siya.

Mapait akong ngumiti,alam kong hindi niya ako magugustuhan kailanman dahil ang layo ng estado ng buhay namin, maganda at mayaman ang kasintahan niya,ako hindi na maganda at isang kahig ,isang tuka lang kami.

Tama si Nanay ang mayaman para lang sa mayaman.Kaya hindi kami karapat dapat ni Sir Zack!



Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon