Chapter 12

4.4K 130 1
                                    

Hindi kami nagpapansinan ni Sir Zack simula nang nangyari kagabi.Alas singko pa lang ng umaga gumising na ako at umuwi muna sa bahay.

Naglinis muna ako at naglaba,kabuwanan na ni Ate Jane at Kailangan ko rin labhan ang mga gamit ng kanyang mga baby.Pagkatapos ko maglinis at paglalaba,namitas naman ako ng mga gulayin para mamaya ipagluluto ko si Ate ng Gulay.

Mag alas diyes na ako bumalik sa kabilang bahay at nakaligo na rin ako para pagdating sa bahay ni ate Jane gagayak na lang ako magluto.

Pagpasok ko nakita ko sila ate Bea at ate Jenny.Lagi rin naman napunta dito ang dalawang pulis.

"Hello po ate Bea ,ate Jenny"-bati ko sa kanila,may kasama silang napaka guwapong lalaki,as in sobrang guwapo niya,napatulala tuloy ako dahil kinindatan nito ako.

"Kara meet our Friend,Geo"-nakangiti na sabi ni Ate Bea.

Nahihiya akong ngumiti dito.

Tamang tama naman na lumabas sa kuwarto si Sir Zack,

"Hey , Santiago"-nakangisi na saad ni ate Jenny pero umirap lang dito si Sir Zack.

"Kara huwag kana magluto ,may dala dala kaming pagkain"-saad ni ate Bea sa akin.

"Upo ka dito baby Girl sa tabi ko"-saad ni Ate Jenny,ang babait talaga nila kahit makikita mo ang sobrang yaman nila.

Umupo ako sa tabi ni Ate Jenny at katabi ko si Ate Jane.Naiilang ako dahil panay ang tingin ng kasama nila ate Jenny na si Geo.

"Kara ilang taon kana?"-tanong ni ate Bea.

"18 na po"-

"Oh Geo rinig mo ,18 pa lang, inosente pa kaya hindi pa puwedi"-biro ni ate Jenny.

"18 is already a grown up woman"-seryosong tingin sa akin na Geo na biglang uminit ang mukha ko.

"Putang ina Geo,babaero ka din pala akala ko si Santiago lang"-ngisi ni ate Bea.

"Alam mo Kara ang ganda mo,pang beauty Queen ang dating"-sabi ni Ate Jenny na hinawakan pa niya ang buhok ko.

"Kaya nga eh ,sabi ko sa kanya subukan niya sumali sa modelling or sa pageant"-saad naman ni ate Jane.

Nahihiya tuloy ako,dahil sa akin lahat sila nakatingin.

Nagpaalam muna ako sa kanila na aayusin ko lang ang mga dala dala nilang pagkain sa mesa.

Pinagsasalin ko sa plato ang mga ulam,may kanin din silang dala.Napalingon ako nang may pumasok sa kusina.

Si Sir Zack.

"I saw you how you stare at Geo"-saad nito.

"Wala naman pong ibig sabihin kung  tinitigan ko siya"-saad ko naman dito.

"Really?!Ganyan ba na sabi mo mahal mo ako?eh ang bilis mo yata matukso sa iba"-

Humarap ako dito,

"Mahal kita,pero kapag napagod na ako, kusa akong titigil"-seryosong sabi ko dito.

"That's good, anyway wala naman ako pakialam kapag may nagustuhan kang iba,just enjoy your life"-

Hindi na ako umimik ,pinagpatuloy ko na lang ang pag aayos ng aming pang tanghalian.

Bumalik ulit ako sa Sala para tawagin sila na kakain na,si Sir Zack naman nakaupo na siya.

Umupo ako sa tabi ni Ate Bea.

"Kara doon kana pumasok sa University kung saan stock holder ako para libre lang sa iyo"-nakangiti na saad ni Ate Jenny, sobrang yaman pala ni ate Jenny.

"Puwedi kana mag start after manganak ni Jane,mag enroll kana"-saad ni Ate Bea.

Sobrang saya ko dahil hindi ko akalain na ganito pala kabait ang mga kaibigan ni Ate Jane.

"She can use my Condo near at the  University,wala naman tumitira  doon"-nakangiti na saad naman ni Geo.

Napasulyap ako kay Sir Zack,parang sobrang tahimik nito.

"Jane uuwi rin kami kaagad dahil may pasok pa kami bukas, kabuwanan mo na di ba?"-tanong ni Ate Bea .

"Oo kabuwanan ko na, salamat sa inyo ,kahit ang layo ko na hindi pa rin kayo nag sasawa na pumunta dito para tingnan ang kalagayan ko"-lumuluhang sabi ni Ate Jane.

"Ano ka ba Jane,maliit na bagay lang ito,nandito rin si Santiago at si Kara"-saad ni ate Jenny.

"Kailan balik mo sa Manila Zack?"-tanong ni ate Bea.

"After manganak ni Jane"-tipid na sagot nito.

"Hihintayin ka namin sa Manila may ipapakita ako sa iyo Santiago"-nakangisi na saad ni Ate Jenny na bigla lamang tumigil sa pagsubo si Sir Zack,parang may tensyon sa pagitan nila.

Pagkatapos namin kumain nagpahinga lang ng konti sila ate Bea,ate Jenny at Geo.Nagpaalam rin sila na babalik na  sa Manila.

"Ingat po kayo"-nakangiti na saad ko dito.

"Bye Kara ,see you again"-nakangiti na sabi ni Geo sa akin na parang kinilig naman ako.

Sumakay na sila sa kotse, pero nakatayo pa rin ako sa pinto.

"Crush mo si Geo no!"-nakangiti na sabi ni ate Jane sa akin.

Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil nahihiya ako.

"Okay lang iyon Kara,ano ka ba"- nakangiti na sabi nito,nagpaalam rin si ate Jane na magpapahinga .

Papunta na  ako sa aking silid ng makasalubong ko si Sir Zack,

"I don't like how you look at Geo,Your mine only Kara!"-galit na sabi nito na nagtataka naman ako.

Pagkatapos niyang sabihin sa akin tumalikod na ito,

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, pero parang binigyan ako ng pag asa dahil sa ipinakita ni Sir Zack ..

Sana nga ,sana mahal niya rin ako, nakangiti akong pumasok sa aking silid.


Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon