Chapter 16

4.5K 129 1
                                    

Tinulungan ako ni ate Jane magluto ng hapunan namin,wala pa kasi si Nanay baka bukas na iyon uuwi at may pasok na rin bukas si Ate.

Habang nagagayak kami ng lulutuin pumasok sa kusina si Sir Zack na buhat buhat si baby Dean,

"Hi Mommy,say hi to Mommy"-nakangiti na sabi nito habang nilalaro ang kamay ni baby Dean.

"Naku Zack bagay na talaga sa iyo magkaroon ng anak"-natatawang sabi ni Ate.

"Maybe soon"-saad nito na sa akin ang  tingin, naramdaman ko ang init ng aking mukha.

"Si Ulysses at Cassy ,kambal ang anak nila"-saad ni Ate dito.

"Yeah,sa iyo naman Triplets,"-natatawang sagot ni Sir Zack.

Tahimik lang ako nakikinig sa kanila,

"Kara , nakalimutan ko pala sabahin sa iyo, may gustong kumuha sa iyo na maging model"-tuwang tuwa na sabi ni ate sa akin.

"Nakausap ko na po,pinag iisipan ko pa lang saka Kailangan po muna malaman ni Nanay"-mahinang sabi ko dito.

"Grab mo na ang opportunity,sayang baka diyan ka sisikat,at puwedi mo naman isabay pag nag aaral kana"-

"Hindi pa po ako sanay mag suot ng mga seksing damit"-kagat labing saad ko dito.

"Ganda kaya ng katawan mo at ang laki ng hinaharap mo ha,di ba Zack?"-

Umubo si Sir Zack sa tanong ni ate, pakiramdam ko naman namumula ang mukha ko.

"Okay ka lang Zack?"-nagtatakang tiningnan ito ni ate Jane.

"Yeah, I'm okay"-

"Alam mo Kara,bihira lang biyayaan ng malaking hinaharap,tulad ni Jenny, kakainggit kaya,tapos ikaw ang ganda mo at maganda ang katawan,malaki ang hinaharap,naku patok na patok iyan sa Magazine,lalo na mga lalaking manloloko!"-

Napatulala lang ako sa sinabi ni ate, alam ko galit ito sa Tatay ng  Triplets.

"Jane,Lapag ko lang si Baby Dean sa kuna"-pati si Sir Zack napaiwas na rin sa biglang pag bago ng mood ni ate.

Natapos na rin namin ang pagluluto ng hapunan,nakatulog ang triplets sa kanilang malaking kuna.Tinawag na ni ate sila Sir Zack at Sir Jaime.

"Wow sarap mo pala magluto,Kara"-

Tumingin ako kay Sir Jaime.Grabe parang babae ang balat nila ni Sir Zack,mamula mula at sobrang kinis, ganyan ba talaga pag mayaman?

"Are you okay , Kara?"-

Nagulat ako ng magsalita ulit si Sir Jaime,nakakahiya baka nakita niya na tinitigan ko siya,napatingin ako kay Sir Zack,ang sama ng tingin sa akin at parang galit na ito.

"How old are you ,Kara?"-

Napatingin ako ulit kay Sir Jaime.

"18 po"-kagat labing sagot ko dito.

"Your so young,mag ingat ka maraming mga lalaki ngayon na magaling mambola"-

Nakangisi itong tumingin kay Sir Zack,

Nakita ko naman na sinamaan ito ng tingin ni Sir Zack.

Ako na rin nag ligpit ng pinagkainan namin, Nagpahinga na si ate Jane kasama ang triplets sa kanilang kuwarto.

Si Sir Zack at Sir Jaime,nasa silid na din sila.

Habang pinupunasan ko ng toyong towel ang plato bigla na lang may yumakap sa likod ko ,

Nagulat ako dahil si Sir Zack ito at panay pa ang halik sa aking leeg,

"Tagal mo"-

"Baka makita po tayo"-

Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon