Chapter 25

4.9K 138 2
                                    

Pagkadating ko ng office agad ako sinalubong ng aking sekretarya,

"Sir meron po kayo pipirmahan galing po kay Sir Ulysses Herrer"-

"Okay,bring it to my office"-dumiretso agad ako sa loob.

"Selena , set mo ako ng appointments kay Mr.Kiel Harrison"-

"Yes, Sir"-

Nasa Pilipinas na pala ang mga kapatid ni Kelly,Ka business partner din ito Lewis.

"Sir,wala daw po free schedule si Sir Harrison sabi ng kanyang sekretarya"-

Fuck!

Bahala na si Zia,ang daming kong gagawin at may problema pa ako dapat asikasuhin.

"Si-Sir nandito po si Sir Kiel"-mahinang sabi ni Selena.

Wow!siya na ang lumapit ha.

"Papasukin mo"-

Nakatingin ako ngayon sa pinto at pumasok si Kiel na parang galit ito,

"Nice to see you again Harrison, have a set"-

"Where's your sister?!"-

Tinaasan ko ito ng kilay,

"Who?Zen or Zia?"-

"Fuck! It's Ziandra!"-

Galit nga,ano na naman ginawa ni Zia dito .

"Baka sa bahay or sa trabaho niya"-

"Pagsabihan mo ang kapatid mo Santiago,pinagbabaril niya ang kompanya ko,buti na lang walang nasaktan!"-

"What!?kailan?!"-

"Kanina lang!"-

"Fuck!"-

Puta talaga ,ano naman nasa isip na ginawa ni Zia iyon?!

"Sorry to hear that,kaya nga ako nag pa set ng appointments dahil utos ni Zia,gusto ka daw niya makausap iyon pala may ginawa na ng kalokohan!"-

Humanda talaga iyan sa akin!

"Kakasuhan ko talaga siya para matanggal siya sa serbisyo niya"!-

"Bro,pag usapan na lang natin ito,kausapin ko rin siya, baka ang kasunod na naman na gagawin niya  susunugin  ng tuluyan ang company mo"-

"Pakisabi na lang pumunta siya bukas sa opisina ko!"-

Umalis na si Kiel,panay naman hilot ko sa aking sentido.

Putris!saan kaya nagmana ng katarantaduhan ang kapatid ko,buti na lang si Zen mabait , kahit kailan hindi binigyan ng sakit sa ulo si Mommy at Daddy.



"Kara ,akala ko luluwas ka ng Manila?"-

Tumingin ako kay Nanay,wala si ate Jane at may pasok.

"Na postponed po,hintayin ko na lang po ang tawag ng manager ko"-

Nilalaro ko ang kamay ni Baby Damien.

Isang linggo din nakalipas ang birthday ng triplets.

"May sasakyan yatang tumigil"-saad ni Nanay na tumayo pa ito para tingnan.

"Sila Sir Zack,kasama si Sir Jaime at Sir Roice"-

Napangiti ako,miss ko na si Zack.

"Gandang tanghali ,aling Ninay"-boses ni Sir Jaime.

"Halika kayo,ipaghanda ko kayo ng meryenda"-

"Wala pa po si Jane?"-Tanong naman ni Sir Roice.

Tumingin ako dito, nagtataka ako bakit hindi man lang ako tinitingnan ni Zack.

"Hello,baby's!"-

Lumapit si Sir Jaime kung saan nakaupo ako at kasama ang triplets.

Kung hindi ko lang mahal si Zack,crush ko talaga si Sir Jaime, sobrang guwapo niya.

"Hi, Kara "-

Ngumiti ako dito.

"Hello po"-

Binuhat ni Sir Jaime si baby Dean, Lumapit din si Sir Roice,

"Hello,Kara"-

Nginitian ko rin si Sir Roice.

"Gumaganda ka lalo"-

"Salamat po"-mahinang saad ko kay Sir Roice.

Hindi talaga ako pinapansin ni Zack.

"Kumain na kayo"-

May bitbit si Nanay ng meryenda.

"Maaga uuwi din si Jane,baka mga alas kuwatro nandito na iyan"-

Napabuntonghininga ako,bakit parang nag iba siya?kanina pa ako panay tingin sa kanya ,hindi man lang siya tumitingin sa akin.

"Aling Ninay ,pahinga muna ho ako sa kuwarto medyo pagod ho ako"-

Tumayo si Sir Zack, sinundan ko ito ng tingin patungo sa kuwarto na ginagamit niya lagi kapag nandidito sila.

Kinagat ko ang aking ibabang labi.

Baka nga pagod siya,hayaan ko muna na magpahinga ito.

Sumunod na rin pumasok sa kuwarto sila Sir Jaime at Sir Roice.

"Nay, patulugin ko na po ang triplets"-

"Ah sige patulugin mo na,at mag ala una na"-

Tinulungan ako ni Nanay dalhin ang tatlo ,inihiga na namin sila sa kuna at pinadede, pasalamat na lang kami na mababait ang mga ito.Mabilis lang nakatulog ang triplets kaya naman,lumabas muna ako.

"Kara ,uuwi muna ako,mamaya babalik ako dito"-

Tumango na lang ako, pumunta muna ako ng kusina para iligpit ang mga kinainan.

Lumingon ako dahil narinig ko ang yapak na papasok sa kusina.

"Zack!"-

Nakangiti ko itong sinalubong sa pinto,

"Zack?"-

Nakatitig lang ito sa akin.

"May problema ba?"-

Narinig kong huminga ito.

"Let's stop this"-

"Ano?"-

"Sabi ko ,ayoko ko na"-

Napanganga ako na nakatingin sa kanya.

"A-ayaw mo na sa akin?"-

"Not like that,I mean ,Ayoko na makipag relasyon sa iyo,look Kara we both know that I have a Fiancee"-

Bigla akong natulala at parang nanigas sa katayuan ko.

"May ayaw po ba kayo sa akin,noong umalis ka nang nakaraang linggo ,okay naman tayo ah"-

Mangiyak ngiyak akong tumingin dito.

Pumikit ito at tumingala.

Tumingin ito sa akin,

"Malapit na akong ikasal at magiging Daddy na ako"-

Sersyosong sabi niya na hindi kumukurap sa pagtitig sa akin.

"Sinungaling po kayo!"-

"K-Kara,Im so sorry"-

Tumalikod na ito,

Yumuko ako,at pinakawalan ko ang luhang kanina ko pinigilan.










Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon