Chapter 26

4.8K 143 11
                                    

Pumunta na lang ako sa kuwarto kung saan ang triplets,doon umiyak ako ng umiyak.Nagkulong ako hanggang maghapon,hindi ko nga namalayan na dumating na si Ate .

Dinala ko sa labas ang mga triplets,naabutan ko na umiiyak si Ate,nagtataka ako.

"Kara,puwedi sumama ka sa akin sa US para may makatulong ako sa pag alaga sa Triplets?"-

Kahit nalilito ako,tumango na lang ako dito, nahihiya kasi ako magtanong.

"May passport ka na ba,para aayusin na nila Zack?"-

"Meron po ako passport"-

Meron na akong passport,kinuhanan na ako ni Ma'am Joan dahil may international phot shoot ako.

Pinagayak ako ng mga damit namin.

"Aling Ninay kayo na po bahala sa bahay"-

Saad ni Ate,niyakap ko si Nanay.Baka hindi rin ako tatagal sa US. Kailangan ko bumalik sa Pilipinas gawa meron akong bagong proyekto.

Lumuwas agad kami ng Manila.Sa Hotel muna kami tumuloy.

Gustong gusto ko magtanong kay Ate pero pinipigilan ko lang ,

Mabilis lang ang pag process ng mga papel at Visa namin, pati na rin mga passport ng Triplets.Wala talagang imposible dahil mapera ang mga kaibigan ni ate.

Hindi pa rin kami nag iimikan ni Zack.Parang pakiramdam ko hindi niya ako kilala .

Sa haba haba ng biyahe nakarating na  rin kami sa bahay daw ni Sir Jaime.

Pagdating doon pinag pahinga muna kami at ang mga kasambahay ni Sir Jaime ang nag aalaga sa triplets.

Bandang alas singko bumangon na ako para maligo sana.

Pero pumasok sa kuwarto ko si Zack.

"Zack?"-

"Baka babalik na ako sa Pilipinas at ito na siguro ang huling pag kikita natin"-

"Paano po ako?bakit po nag bago kayo?"-

Seryoso itong tumingin sa akin.

"Actually ,I don't like you Kara,hindi ikaw ang tipo kong babae"-

Hindi ako makapaniwala na tumingin dito,

"Bakit mo ako pinaasa?!Bakit mo ako ginalaw kung hindi mo ako gusto!"-

Umiiyak na sabi ko dito.

Paulit ulit at ilang beses na tinanong ko ito!

"Una pa lang sinabi ko na iyo , it's just a sex,hindi kita mahal ,at gusto mo rin di ba?!"-

Napapikit ako ,Pinunasan ko ang aking mga luha.

Blangkong mukha na tumingin ako dito,

Tumalikod ako dito,kinuha ko ang towel at pumasok sa CR.

Hinubad ko ang lahat ng suot ko at tumapat sa shower.

Hinayaan kong dumaloy ang tubig sa katawan ko habang ang mga luha ko nag siunahan lumabas sa aking mga mata.

Pagkatapos ko maligo lumabas ako ng bahay,

Napag alaman ko sa mga katulong na ang asawa pala ni ate ay nasa hospital at na coma ito.

Malungkot ako para kay ate Jane.

Wala si Zack ,pati na rin sila Sir Roice at Sir Ace.

Pagkatapos ko kumain ng hapunan,nilaro ko muna ang mga triplets,pinabalik din ako ni ate sa kuwarto para mag pahinga na  daw ako.

Parang naubusan na ako ng luha ko,galit na lang ang natitira sa aking  puso.

I hate him!

Gusto ko siya gantihan!

Dahil na rin sa pagod, nakatulog agad ako,pero parang naalimpungatan ako na may humalik sa labi ko,hindi ko na pinansin dahil sa sobrang antok ko na.

Kinaumagahan tanghali na akong nagising,wala na sila ate ,nasa hospital na ang mga ito.

Ako na ang nag alaga sa mga triplets muna.

Bandang tanghali umuwi si Sir Roice at Zack,

Nakita ko na nilabas ng katulong ang kanilang maleta.

Uuwi siya!

Ni hindi man lang tumitingin ito sa akin.

Mapait akong ngumiti dito.

"Kara uuwi na muna kami,babalik rin kami dito "-

Nakita ko sa mukha ni Sir Roice ang pagod at nakita ko na malungkot itong nakatingin sa akin.

"Ingat po kayo"-mahinang sabi ko dito.

Hindi pa ito ang huling pag kikita natin Zack,pagbabayaran mo ang pagsira sa buhay ko!

Sinungaling ka!

Manloloko!

Hindi na ako iiyak,

Huling pag luha ko na ito.

Baka sa isang araw babalik rin ako ng Pilipinas dahil mag uumpisa na ako sa bagong proyekto ko.

Napapikit ako,hindi talaga ako nag mumura pero,

Lumapit ako kay Zack at Sir Roice,

"Zack Santiago, putang ina mo po! Hindi ka naman kawalan sa akin, magpakasal ka?wala na akong pakialam!Gurang!!!"-

Napanganga silang dalawa ni Sir Roice,

Tumalikod na ako at pumasok sa loob.

Sadya naman na Gurang na siya!

Mr.PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon