1st Message

591 14 0
                                    

I was busy blocking all the accounts connected to him. From my 1,000 friends in facebook, down to 580. It was my start of moving on. Nakakapagod rin namang maghabol sa taong ayaw naman magpahabol.

I am Zyleen Blaire Ramirez. Maganda pero pinagpalit. Mayaman pero di ipinaglaban. Nagmahal pero iniwan.

It has been two months since I last saw Duane Alejandro, my boyfriend for 3 years. Sa iisang kompanya lang kami nagtatrabaho pero nasa ibang deparment siya. She meet Farrah, bago sa department nila. Maganda, sexy,mabait at higit sa lahat lagi niyang kasama. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat pero kaya pala di na makatawag kasi may iba nang tinatawagan, kaya pala di na ako binibisita kasi may iba ng dinadalaw at ako lang ang walang alam na wala na pala kami dahil sila na. Alam ko pala pero di ko lang matanggap dahil akala ko kaya pang isalba, kaya pang ipaglaban pero ikakasal na sila. Hindi siya nagpropose sa akin na 3 years kami pero sila na two months pa lang ikakasal na. Kaya heto ako sumusuko na.

Zeus Kellion Salvador wants to be your friend.
Accept Delete

Napatigil ako sa pagscroll nang may lumabas na notification. Zeus Kellion the name is familiar pero di ko matandaan kung saan ko narinig ito. I was about to open his account ng ang accept button ang naclick ko. Mabilis kung pinuntahan ang account niya pero napatigil ako nang bigla may nagpop na message

Zeus Kellion: Hi, thanks for accepting!

Seen

After few minutes na nakatunganga lang ako sa message niya nakita kung nagtatype siya ng message

Zeus Kellion: Ahmm just want to ask, do you know Sabrina Mondragon?

Tama. I know him. He is Sabby's boyfriend. Sabrina is my co-worker. We are not that close but we are friends since nasa iisang department lang kami.

Zyleen Blaire: ah yes! Why?

Zeus Kellion: Thanks God. Am do you know where she is? Is she still working there?

Ha? Bakit niya hinahanap si Sabby? Di ba sila nagkikita?

Zyleen Blaire: wait, di ba you are her boyfriend? How come you don't know where she is?

Zeus Kellion typing...

After few minutes biglang nawala. Then biglang typing ulit at biglang wala na naman.
Kaya nagreply na lang ako.

Zyleen Blaire: okay no need to answer that but I don't know her whereabouts. I don't even know if I have seen her in work.

Dahil sa brokenhearted ako ay para na akong robot na pumapasok sa opisina nitong mga nakaraang buwan. Wala na akong pakialam sa paligid at ayaw kong kaawaan nila ako lalo nat kalat na sa buong kompanya ang nalalapit na kasal ng dalawa.

Zeus Kellion: Can you check her tomorrow? Please!

What? Kapal naman ng taong ito na utusan ako.

Zyleen Blaire: K

Zeus Kellion: Please, please!

Zyleen Blaire: okay nga di ba?

Zeus Kellion: Sorry. Thank you. Please update me asap tomorrow.

Abat ang demanding ng taong to. Naglike lang ako at nag offline na kaagad. Tinawagan ko kaagad si Jillian para makapagtanong tungkol kay Sabby.

"Ano? Nagresign? Kailan pa?" gulat kong tanong sa kanya.

"Oo noh, one week na. Pupuntang ibang bansa dahil may malaking offer ata. Teka lang? Bat mo nga pala naitanong?"

"Ha? Ah ano kasi. Nagchat sa akin tong boyfriend niya-"

"ANO? Si Zeke? Magkakilala kayo non? Kailan pa? Hoy Zyleen, may kinalaman ka ba sa paghihiwalay nila?"

"Ha? Anong hiwalay? Ano namang kinalaman ko?"

"Oo hiwalay na sila. May ibang babae daw si Zeke. Yon ang alam ko, kaya nga tinanggap niya yong offer para makamove on ata, pero ikaw ba yon? Naku Zyleen, ano bang nangyari sa yo? Porket inagawan ka, mang-aagaw ka rin"

Shit! Ang sakit lang. Ganoon ba talaga ang tingin niya sa akin. Bestfriend ko siya since high school. Kilala niya ako tapos ganito. Mabilis na tumulo ang luha ko dahil sa kanyang sinabi. Nagtatanong lang naman ako pero ito pang napala ko. Malay ko bang may issue na pala na ganon. Mabilis kong pinutol ang tawag. Bakit ko nga naman inoobliga ang sarili ko para masagot ang lalaking yon? Ni di ko nga kilala. Manloloko rin pala yon. Hay buhay ako na nga ang broken hearted sa pag-ibig, pati ba naman sa bestfriend.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa opisina. May mga tatapusin pa akong files na di ko natapos noong isang araw since day off ko kahapon. Kailangan na iyon by 10 am kaya pagdating ko agad sa mesa ko ay mabilis ko itong sinimulan.

"Beshie, sorry na. Please pansinin mo naman ako"nagmamakaawang saad ni Jillian habang sumusunod siya sa akin papuntang cafeteria. Madalas talaga kaming sabay kumain pero ngayon parang ayaw ko na. "Sorry na. Kilala ko na kung sino, nakwento na ng mga tsismosang kapitbahay ko kanina. Sorry na talaga. Please"

"Oo na. Alam mo naman di kita matitiis eh."

"Sorry talaga, nabigla lang ako na kilala mo pala si Zeke tapos naisip ko kaagad yon. Sorry talaga beshie.. Bakit mo nga pala siya kilala?"

Kinuwento ko sa kanya ang usapan namin ni Zeus Kellion kahapon. Napag-alaman kong almost one month na pala sila naghiwalay dahil sa third party. Nasa Singapore daw ito ngayon dahil sa ito ang nagmamanage ng negosyo nila doon. Three months pa lang ito doon ng mahuli ito ni Sabby na may ibang babae. Nako manloloko pala yon tapos muntik ko pang tulungan. Kaya pagbukas ko ng messenger ko ay agad kong dinelete ang message niya. I also block him in the messenger para hindi na makapagmessage sa akin.

Love in Messenger (COMPLETED)Where stories live. Discover now