23rd Message

170 8 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at nalalapit na rin ang pagbabalik ni Kellion sa Singapore. Hatid -sundo pa rin niya ako sa trabaho at madalas kaming manood ng sine na laging nauuwi sa make-out kaya ang halos wala talaga akong naiintindihan. Minsan naman ay sabay kaming maglulunch dahil pumupunta siya sa office.

Noong una ay natakot ako sa sasabihin ng mga katrabaho ko. Kilala nila si Kellion pero wala rin naman akong masamang narinig mula sa kanila. Natutuwa pa mga sila dahil may meryenda na din daw sila lagi at libre pa kaya para na rin akong nabunutan ng tinik.

Zeus Kellion:
Dito ka na matulog bukas.
Madaling araw flight ko
para makasama pa kita ng
matagal.

Zyleen Blaire:
Araw-araw kaya tayong
magkasama. Kasawa na nga
mukha mo.✌✌✌
😘😘😘😘

Zeus Kellion:
SAWA KA NA SA MUKHANG TO?

Zyleen Blaire:MAGO talaga!Kelangan talaga pati katawanang ipakita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Zyleen Blaire:
MAGO talaga!
Kelangan talaga pati katawan
ang ipakita.🙄🙄🙄

Zeus Kellion:
What's MAGO?
Para di mo mamiss
katawan ko!

Zyleen Blaire:
Ang arte lang ng tanong!
Manyak na Gago 😜😜😜😜

Zeus Kellion:
Hmp. Di nga ako manyak.
Kasalanan ko ba na tuwing
katabi kita eh tinitigasan ako.

Zyleen Blaire:
Wala talagang filter yang
bibig mo.🤮🤮🤮

Zeus Kellion:
Eh sa yon ang totoo eh.

Zyleen Blaire:
Tama, totoong manyak ka nga.

Zeus Kellion:
To naman, alam ko naman
nagustuhan mo rin. Ang lakas
mo kayang umungol!😉😉😉

Zyleen Blaire:
Ewan ko sa yo!
😑😑😑

Zeus Kellion:
See! Ni hindi mo kinontra.
Good night Blaire. Wet dreams
with me! See you tom!
😘😘😘😘😘😘

Hindi na ako nagreply dahil nag-offline na rin naman si Kellion. Napangiti na lang ako sa huling sinabi niya. Tama naman siya. Nagugustuhan ko rin naman ang mga ginagawa namin. Hindi rin naman siya puro kalibogan ang iniisip.

"Ingat ka lagi. Huwag kang magpapagutom. Dapat online ka lagi dahil imemessage kita oars-oras. Update mo ako sa lahat ng ginagawa ko. Bawal magbar, bawal magsuot ng sexyng damit. Mamimiss kita Blaire" mahabang litanya ni Kellion na ikinatawa ko lang. Yakap-yakap niya ako dito sa airport. Kanina pa siya nagpapaalam at nagbibilin sa akin ng mga dapat at di dapat kong gawin. Panay lang ang tango ko sa kanya.

"Isasama na lang kaya kita!" biglang suhestiyon pa nito na yakap pa rin ako.

"Sira! Ano naman gagawin ko don? Tsaka may trabaho ako dito" sagot ko sa kanya sabay kalas sa yakap niya.

"Doon ka lang sa tabi ko lage", parang ang dali lang ng ipapagawa niya pero parang gusto ko rin naman. Ano nga kaya kung sumama ako sa kanya? Pero baka wala na siyang magawang trabaho at puro kamanyakan na lang ang gagawin namin doon."Di mo naman kailangang magtrabaho eh"

"Ayoko ko nga, baka magsawa ka pa sa akin", biro ko sa kanya pero may halong katotohanan.

"Never Blaire! Tandaan mo yan!",seryosong saad nito na tila di nagustuhan ang sinabi ko.

"Sige na baka malate ka pa", sagot na ko na lamang dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya.

Tinulak-tulak ko pa siya nang hindi man lang gumalaw at masama lamg ang tingin sa akin.

"Mamimiss kita! Sobra! Oh masaya ka na!" , kita ko ang pinipigilan niyang ngiti sa sinabi ko. Nag-init naman ang pisngi ko nang mapansin na pinagtitinginan na pala kami ng ibang pasahero dito sa airport. Tumawa lang si Kellion ng mapansin ang pamumula ko at hinalikan pa talaga ako sa labi bago mabilis na naglakad papasok sa boarding area.

Zeus Kellion:
I love you Blaire!
😘😘😘😘😘😘

Muntik ng mahulog ang cellphone ko ng mabasa ko ang kanyang message. Naghanap pa ako ng mauupoan dahil para ano mang oras ay matutumba ako kung hindi ako uupo. Mahal niya ako. Mahal niya rin ako! Paulit-ulit ko iyang binabasa dahil baka namamalik-mata lang ako. Hindi ko nga siya magawang replyan dahil nanginginig ang aking kamay. Sobrang saya ko talaga na parang sumusikip ang dibdib ko na feeling ko di na ako makahinga.

Matagal pa akong tumambay sa airport bago nagpasyang umuwi. Papasikat pa lang ang araw ng umuwi ako sa bahay namin. Nasunod kasi ang gusto ni Kellion na doon ako matulog sa kanila. Wala man lang pagtutol mula kina Daddy at Mommy nang magpaalam ako na kina Kellion matutulog. Maaga talaga kasi ang flight niya at ako ang naghatid sa kanya. Naghalikan lang kami ng ilang minuto bago nagpasyang matulog.

Love in Messenger (COMPLETED)Where stories live. Discover now