4th Message

224 9 0
                                    

Zeus Kellion:

Zyleen Blaire:😱😱😱😱😱 wish I could be there!Ganda naman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Zyleen Blaire:
😱😱😱😱😱 wish I could be there!
Ganda naman.

Zeus Kellion:
Hahahaha with the emoticons.
You can visit me here.

Zyleen Blaire:
As if naman payagan ako nila Daddy.
Wala kaming kamag-anak diyan eh.

Zeus Kellion:
Just tell him. You have a friend
here. I can tour you around.

Zyleen Blaire:
Naku magwawala yon pag nalaman
lalaki ang friend ko. Ayaw nga noon kay
Duane eh. In general ayaw niya pa
akong magkaboyfriend.

Kilala na ni Kellion si Duane. Alam niya ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit pero komportable akong magkuwento sa kanya. Kahit pa umiiyak ako habang nagkukuwento sa kanya. Nagkakausap rin kasi kami minsan sa messenger pag nakakatamad magtype pero never pa kami nag video call. Nagkuwento rin naman siya sa nangyari sa kanila ni Sabrina. Sobrang lungkot nga niya ng mga panahong iyon. Mahal na mahal niya talaga si Sabby na handa daw siyang maghintay na balikan siya nito. Actually ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon dahil nasasaktan pa rin daw ito. Minsan nga ng di sinasadyang nakuwento ko sa kanya si Sabby ay halos isang linggo din siyang hindi nagpaparamdam kaya iniiwasan ko talagang makapagkuwento sa kanya.

Zeus Kellion:
Isama mo na lang yong bestfriend
mo para payagan ka. Magugustohan
mo talaga dito.

Zyleen Blaire:
Bakit gustong-gusto mo talaga akong
pumunta diyan? Gusto mo akong makita
noh?

Zeus Kellion:
Hahaha oo gusto kong makita
ang kachatmate ko. Kung
pwede lang sanang akong umuwi diyan
matagal ko nang ginawa. Nagkaayos pa sana kami ni Sabrina

Natigilan ako sa sinabi niya. Si Sabrina. Mahal na mahal niya talaga ito kahit na niloko pa siya nito. Hindi ko alam pero parang di ko nagustuhan ang sinabi niya. Oh my God. Am I jealous? Masama ata to. Parang biglang may warning na nagsasabing another heartbreak Zyleen. Kachatmate ka nga lang oh di man lang sinabing friends kayo.

Zyleen Blaire:
Naku inlove na inlove ka
pa rin talaga sa kanya noh?

Zeus Kellion:
Bakit? Nakalimutan mo na ba
si Duane?

Zyleen Blaire:
Di ko alam eh

Di ko rin talaga alam. Matagal na rin ng di ko na sila makita. Sa pagkakaalam ko ay nagleave ang dalawa para sa paghahanda ng kasal nila. Nakalimutan ko na nga ba si Duane? Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naiisip ko siya pero hindi na tulae ng dati. Siguro dahil napatawad ko na siya kahit di siya humihingi.

Hindi na rin naman nagreply si Kellion sa sagot ko. Baka busy na siya. Minsan kasi ay bigla itong di nagrereply dahil may tumatawag dito na kliyente. Nagmemessage naman ito after kaya alam niya.

Naalimpungatan siya ng biglang mag ring ang phone niya. Tumatawag pala si Kellion sa kanya sa messenger. Lagi na kasi siyang online talaga simula ng magkachat sila. Nakatulog pala siya. Nang tiningnan niya ang oras ay 12 midnight na. Same lang naman ang oras ng Singapore at Pilipinas kaya nagtataka siya na tumawag ito. Alam naman nito na may trabaho pa siya bukas.

"H-hello Blaire"medyo paos pa nitong sabi sa kabilang linya. Para itong galing sa iyak o lasing ata ito.

"Kellion are you drunk?"tanong niya dito. Ni minsan hindi naman ito naglasing. Siguro nalasing na ito pero di naman ito tumatawag sa kanya kay di niya rin alam.

"No I'm not. I saw her Blaire. I saw her. She's happy and it hurts"

Sabrina.Kahit di niya sabihin kung sino ang tinutukoy nito alam niyang si Sabby ito. Bakit parang nasasaktan din ako? Hindi ba siya makamove on?

"S-saan mo s-siya nakita?" medyo utal-utal kong tanong sa kanya.

"She's here. I don't know why there here. Kasama niya si Clark. Nakita ko sila sa mall dito. Sobrang saya niya. Kita ko sa mga mata niya. Di nga niya ako nakita eh siguro sa sobrang saya nilang dalawa na parang sila lang ang tawo sa mall na yon. At sobrang sakit. Kailanman di ko siya nakitang ganoon kasaya noong kami pa."narinig niya ang bahagyang pagsinghot nito. Umiiyak ata ito.

Bakit ganon? Ang unfair ng mundo. May mga taong lubos na nagmamahal sa maling tao. Parang ako, sobrang mahal ko si Duane na sinuway ko si Daddy dahil doon. Pinaglaban ko siya kay Daddy hanggang sa matanggap siya nito. Akala ko kami na talaga sa huli pero sa isang iglap, dumating lang si Farrah sa buhay niya nagbago ang lahat. Marami siyang nagawa para kay Fareah na hindi niya nagawa para sa amin.

"I don't know how could I help you Kellion pero siguro it's a sign na kalimutan mo na siya-"

"No ayoko. Mahal ko siya. Alam komg mahal pa rin niya ako"

"But ikaw na rin nagsabi di ba? Masaya na siya. If you love her then let her go"

"Why would I do that? I said I love her so why I will let her go"

"Kellion don't be selfish-"

"Why the hell would I be selfish Blaire? Mahal ko siya kaya babawiin ko siya. Minahal niya ako noon kaya alam kong mamahalin niya pa rin ako"

"Then habulin mo! Bakit mo pa ako tinawagan kung di ka rin naman makikinig?"

"Because you're my friend!"

"I'm just your chatmate Kellion. Ikaw nga ang nagsabi noon di ba? "

Mabilis ko siyang binabaan ng tawag. Inoff ko rin ang wifi connection para di na ako matawagan. Wala naman siyang phone number ko kaya alam kong di niya ako matawagan. Ang gulo niya lang. Tatawag-tawag tapos di rin naman makikinig. Ano bang gusto niya? Tulungan ko siyang habulin si Sabby. Bahala siya sa buhay niya.

Love in Messenger (COMPLETED)Where stories live. Discover now