Final Message

178 10 0
                                    

"Ang ganda naman ng bride namin. Buntis ka siguro ulit noh kaya ka blooming",kahit kailan talaga tong bibig ni Jillian lage may di magandang lumalabas. Sabihan ko si Noah na butasan ang condom niya para mabuntis na tong bruhang to.

Nandito kami sa room ng isang hotel at kasalukuyang inaayosan dahil ikakasal ulit kami ni Kellion.

Oo ulit dahil kinasal kami ni Judge Reyes sa hospital pagkatapos kung manganak na muntik pang di matuloy nang umalma ako. Napagsabihan pa tuloy ako nina Daddy at Mommy kung bakit pa daw ako nag-iinarte, may anak na daw kami. Ni hindi man lang nagpropose ang magong yon, at talagang sigurado na siya na payag ako sapagkat nakahanda na ang mga papeles namin. Pirma na lang pala namin ang ipinunta  ng judge doon. Gusto niya daw kasing married na kami  ang nakalagay sa birth certificate ni Zanke pag naiparehistro na ito kaya niya minadali iyon. Pero nangako siyang magpapakasal daw kami ulit sa simbahan after daw niyang magpropose sa akin. Oh di ba ang sigurista lang. Sa tingin ba niya masasagot ko pa siya ng hindi pag nagpropose siya eh technically at legally mag-asawa na kami.

Zeus Kellion:
Baby sumipot ka ha?

Zyleen Blaire:
Pag-iisipan ko pa.

Zeus Kellion:
Blaire naman, ayaw mo
bang pakasal sa akin?
🥺🥺🥺🥺

Zyleen Blaire:
Gago kasal na kaya
tayo, sa tingin mo
may magagawa pa ako.

Zeus Kellion:
😁😁😁✌✌✌
I love you😘😘😘

Zyleen Blaire:
Alam ko!

Zeus Kellion:
Sungit mo na ulit.
Nagbunga ba ulit ang
lambingan natin?
May baby no. 2 na?
Galing ko talaga!

Zyleen Blaire:
Tuwang-tuwa ka talaga niyan.
Ewan ko lang kung Our Father
lang ba ang ililitanya mo
baka magnovena
ka na susunod?

Zeus Kellion:
Hmp,past is past.
Move on na pwede!

Zyleen Blaire:
Hahaha! Laughtrip kaya yon!
Kung di lang talaga masakit tiyan ko
nagvideo na ako sa'yo! Pagkalat
ko yon sa fb!

Zeus Kellion:
🤦🤦🤦🤦


"Sus kaya pala di man lang ako pinapansin. Kachat pala niya ang mago niya",tukso  ni Jillian sa akin na nasa likod ko na pala at nakikibasa. Natawa naman ako sa mago niya.
"Pero besh seryoso, sobrang saya ko para sa inyo. Alam mo namang isa ako sa labis na nasaktan sa ginawa sa iyo ni Duane. Kaya sobrang saya ko talaga ng dumating sa buhay mo si Zeke kasi mahal na mahal ka ng magong yon. Nasaktan ka man niya ay lubos-lubos na man ang ginawa niyang pagbawi. Ipagdadasal ko talaga lage ang kasiyahan ninyo.",seryosong saad niya sa akin na nagpatulo ng luha ko.

"Thank you Jill. Please wag mo naman akong paiyakin sa kasal ko. Sobrang bruha ko na nga noong una dahil kakapanganak ko lang. Hayaan mo naman akong magmukhang tao ngayon",biro ko sa kanya kahit naiiyak na ako. Sabay rin kaming natawa pagkatapos. Naiwan akong mag-isa sa kwarto dahil ichecheck daw niya ang ibang abay, maid of honor on duty mode daw siya.

Justin Drake Palma:
Zyleen, Kellion mo namumutla na.
Tinagay na ang tubig sa kaba.
😁😁😁

Napahalakhak ako sa message ni Justin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napahalakhak ako sa message ni Justin. Parang lasing naman si Kellion dito, di lang ata tubig ininom niya. Andito pa rin ako sa hotel dahil maaga pa naman. Excited lang talaga si Kellion kaya di mapakali. Kahit naman di kami ikasal ulit ay mag-asawa na rin naman kami.

Parang kailan lang nang una siyang nagmessage sa akin. Naipaliwanag na ni Kellion ang tungkol sa nangyari kay Sabby. Magkaibigan na rin naman kami ni Sabby at isa siya sa mga abay sa kasal.

Napangiti ako ng magmessage na naman si Kellion sa akin na sinisigurado ang pagsipot ko sa simbahan parang tanga talaga to. Sana hindi magmana si Zanke sa ugali niya, di bale ng magkamukha sila ni Kellion. Naniniwala pa rin akong baby pa siya at maaring magbago pa ang itsura niya paglaki at may mamana naman siya sa akin.

"Salamat po. Salamat po sa pagdating ni Kellion at Zanke sa buhay ko.", di ko mapigilang pasasalamat sa Maykapal dahil sa kabila ng sakit at pagkasawi ko sa unang pag-ibig ko ay nahanap ko naman ang totoong pag-ibig.

I am Zyleen Blaire Ramirez-Salvador, and I found love in messenger.
____________________________________
A.N. This is the final chapter. Medyo sabaw ang ending, di ko kasi alam paano ko to tatapusin pero sana po magustuhan ninyo.
Salamat po sa nagbabasa nito. I will be adding Kellion's POV and special chapters soon.

Love in Messenger (COMPLETED)Where stories live. Discover now