12th Message

174 9 0
                                    

"Kumusta na pala si Zeon iho? Matagal na kaming hindi nagkikita. Hindi na kasi kami nakapagbakasyon ulit sa Bohol simula nang maipanganak ni Anna si Zyleen" tanong ni Daddy Zandro kay Kellion.

Magkaklase pala sa college sina Daddy at Papa ni Kellion na si Tito Zeon. Doon nagkakilala ang mommy at Daddy ko. Taga Maynila si Daddy pero doon niya naisipang mag-aral sa Bohol dahil na rin sa sinusundan niya noon si Mommy na doon nakatira. May kapatid si Mommy doon si Tito Conrad Fuentebella na may-ari ng sikat na mall doon. Sina Kellion naman ay doon talaga nakatira simula pagkabata niya.

"Okay lang naman po Tito. Sila po nagmamanage ng mga resort namin doon."magalang na sagot ni Kellion.

"Hindi ko akalaing ikaw pala ang nagpapadala ng bulaklak kay Zyleen akala ko kasi Duane na naman"masayang saad ni Daddy.

Nagpapadala na kasi palagi ng bulaklak si Kellion. Sinabi ko sa kanya dito na lang sa bahay ipadala dahil baka magkaissue pa ako sa office pag nalaman nila na kay Zellion galing ang bulaklak. May pacard pa kasi, buti na lang talaga nandoon ako lagi kaya naitago ko kaagad bago pa may makabasa.

"Nililigawan mo ba ang anak ko?"seryosong dagdag ni Daddy.

"Daddy naman eh, magkaibi-"nahihiyang saad ko na agad pinutol ni Zellion.

"Yes po, actually matagal na po. Kaya rin po ako nandito para formal na magpakilala sa inyo at magpaalam rin na dadalhin ko siya sa Bohol para ipakilala sa parents ko,if okay lang po sana",tila kinakabahang saad naman nito kay Daddy.

Nanlaki talaga ang mata ko sa sinabi niya. Ano bang sinasabi ng lalaking to? Nililigawan niya ako at matagal na? Bakit di ako informed?

"Talaga? Naku mabuti naman kung ganon para makalimutan na ni Zyleen ang lintik na lalaking iyon."masaya ngunit tila galit na saad ni Daddy."Ikaw na bahala sa anak ko, alam kong may pagkapasaway yan kaya alagaan mo sana".

"Dad-"

"Don't worry po, di ko po siya papabayaan"

"Dad punta lang po kaming garden"pang-iiba ko ng usapan. Halatang gusto pa ni Daddy na kausapin si Kellion pero hindi na rin siya nagpumilit pa.

"Okay ipapatawag ko na lang kayo pag handa na ang pagkain"

Mabilis kung hinila papuntang garden si Kellion. Kanina pa ako atat na atat na kausapin siya.

"Ano yong pinagsasabi mo kanina? Kailan ka pa nanliligaw?"agad kong sumbat sa kanya ng nasisiguro ko nang di kami maririnig ni Daddy.

"Since the first flower I sent. It's been 3 months, bakit sasagutin mo na ako?" parang excited pa nitong tanong sa akin.

Ang tagal na pala. Ganito ba talaga to manligaw? Di man lang pinaalam sa nililigawan. Nanglalandi lang naman to eh.

"At bakit kita sasagutin? Ni hindi ko nga alam na nanliligaw ka"naiinis kong sagot sa kanya.

"Eh di ngayon alam mo na, kaya sagutin mo na ako?"pacute pa nitong saad sa akin. Ang sarap lang sapakin.

"Pwes basted ka, ayoko sa manyak"masungit kong sagot.

"If I know, gusto mo rin kaya na minamanyak kita. Ikaw nga ang dahilan kung bakit naging manyak na ata ako eh. Simula talaga ng picture mo sa tub, lagi na kitang naiimagine, yong alam mo na,tayo sa tub, walang dam-"

"Ang bastos talaga ng bunganga mo"habang tinatakpan ang bibig niya. Mamaya marinig pa siya ng mga kasama namin sa bahay. Pero mabilis akong napabitaw dahil dinilaan niya ang palit. "Kadiri ka talagang lalaki ka, bakit mo dinilaan kamay ko?"sabay sabunot ko sa kanya.

"Aray Blaire, di pa nga tayo pero ang sadista mo na, bakit? Saan mo ba gustong dilaan? Diyan ba o diyan?"turo niya sa dibdib ko at babang part gamit ang bibig niya.

"Wahhhh ang bastos mo talaga"namumulang saad ko sabay patuloy sa pagsabunot sa buhok niya.

Tawa lang siya nang tawa sa akin habang iniiwas ang ulo niya. Mas lalo pa akong namula ng naabutan kami ni Mommy na naghahabulan sa may garden. Tuwang-tuwa ito na makita kaming dalawa. Akala ata naglalambingan kami.

Habang kumakain ay panay lang ang kindat ni Kellion sa akin kaya inaapakan ko ang paa niya. Napagalitan pa tuloy ako ni Daddy. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga magulang ko habang kausap si Kellion. Hindi namin naranasan na maging ganito ni Duane noon. Ayaw kasi talaga ni Daddy kay Duane ngunit dahil suportado naman ako ni Mommy kaya nagtagal rin kami.

Napagdesisyonan namin ni Kellion ay mali nila Kellion pala at Daddy na bukas ng tanghali kami aalis papuntang Bohol. Kailangan ko pang magpaalam sa leave ko pero sure naman ako na papayagan ako dahil tapos ko na naman ang trabaho ko at malakas ako doon kasi perks talaga ng mga mababait at masisipag na employeeng tulad ko. Naks naman. Humahangin na rin yata ako.

Love in Messenger (COMPLETED)Where stories live. Discover now