11th Message

187 11 0
                                    

Zeus Kellion:
Where are you?

Zyleen Blaire:
Mall. I'm buying something.

Zeus Kellion:
I know you're in the mall
I mean which part of the mall.

Zyleen Blaire:
National bookstore, second floor.
Why?

Seen

Ang gulo lang. Nagtatanong tapos seen lang. Nasabi ko nga pala sa kanya na nasa mall ako. Sipag ko talagang magreport eh. Kulang na lang pati pagpunta sa banyo sasabihin ko na sa kanya. May hinahanap kasi akong novel ng paborito kong author. May mga bagong published daw kasi kaya ngayong off ko ay pumunta talaga agad ako dito. Wala si Jillian ngayon kasi nasa probinsya siya ng Mama niya,pinauwi dahil may dumating ata na pinsan niya.

Nasa isang estante ako nagbabasa ng libro nang biglang may tumabing lalaki sa akin. Medyo umusog pa ako ng kunti pero nanatiling nasa libro ang mga mata ko dahil baka may kukunin siyang libro na nasa harap ko pero umusog din ito papalapit sa akin.

"Are you already in the bed scene part of the story?" mahinang bulong nito sa tainga ko na ikinagulat ko talaga.

Napaatras pa ako bago tingnan kung sino siya at nanlaki talaga ang mata ko ng makitang si Kellion iyon. Nakawhite polo shirt siya at blue maong pants at white sneakers.

"Hi Miss! I'm Zeus Kellion, nice to finally see you in flesh Zyleen Blaire " nakangiti pang saad nito sabay lahad ng kamay sa akin.

Napatulala lang talaga ako sa kanya at wala ni isang salitang lumabas mula sa akin kaya kinuha niya ang kamay ko at siya na mismo abg makipaghandshake sa akin.

"Hey! Am I that handsome that I made you speechless?"parang di makapaniwalang tanong pa nito sa akin.

"Ay bakit biglang humangin dito?"pambara ko sa kanya. Pambawi man lang sa pagiging engot ko kanina. Eh talagang nabigla ako na nandito siya. "Bakit ka nandito?"

"Why? Am I not allowed to be here?" nakangising sagot nito sa akin.

"Oo sabi mo noon, bawal ka sa Pilipinas" taas-kilay kung paalala sa kanya sa sinabi niya noon. "At saka kailan ka pa dumating? Nasa Singapore ka pa kahapon ah?"

"Just this morning! I don't remember saying I can't be here though" parang nagugulohan pang saad nito.

Gusto ko sanang sabihin na noong panahon na nagpapatulong siya sa akin kay Sabby, nasabi niya kasing kung pwede lang siya umuwi dito ginawa na niya para magkaayos sila so I assumed bawal siya dito.

"Ah wala. Bakit nga nandito? At magTagalog ka nga, marunong ka naman. Nasa Pilipinas ka na"masungit kong saad sa kanya.

Nandito pa rin kami sa bookstore dahil binayaran ko pa ang mga binili kong libro. Sobrang tangkad niya pala. Kamukha niya talaga si Jacob Elordi. Nawawalang kambal ata to ni Jacob. Buti na lang talaga matangkad ako plus nakaheels pa kundi para akong tangang nakatingala lage sa kanya.

"What's wrong with speaking English? Oo na po!" saad niya nang sinamaan ko siya ng tingin." Wala man lang bang pawelcome na yakap mula sayo?"

"Baliw!Bakit ka nga nandito?" parang paulit-ulit ko na nga yatang tanong yon sa kanya pero wala akong nakuhang sagot.

"Gusto kitang makita.....at mayakap"natigilan talaga ako sa sinabi niya pero sumama din agad ang mukha sa dinugtong niya.

"Yon lang? Parang sa kabilang kanto ka lang nakatira ah, eh Singapore kaya yon"

"Dito naman talaga ako nakatira. Tambay lang naman ako ng Singapore"

Hanip talaga nito. Parang mas lalo ko siyang nakilala mas palala ng palala.

"Eh di wow!"pabalang kong saad.

"Sungit mo ata sa personal"tila amuse pa nitong saad sa akin "pero mas sexy ka sa personal" napatingin pa ito sa katawan ko particularly sa bandang dibdib.

"Mas manyak ka sa personal"bawi ko naman sa kanya.

Tawa lang siya nang tawa sa akin. Para kaming tangang nagbabarahan na naglalakad palabas ng mall. Halos wala naman akong nakuhang matinong sagot mula sa kanya.

Napag-alaman kong umuwi siya rito para magbakasyon. Pero wala ng ibang detalye. Iginigiit rin niyang ako raw talaga ang dahilan ng bakasyon niya. Gusto niya raw akong makita at makasama. Sinabihan pa akong magleave ng isang linggo para masulit daw niya ang bakasyon niya kasama ko. At ako naman si tangang pumayag sa kanya. Nagpaalam pa siya sa magulang ko na destiny ata na magkakakilala pala ang Daddy ko at Daddy niya. Oh di ba, paasang tadhana.

Love in Messenger (COMPLETED)Where stories live. Discover now