33rd Message

162 5 0
                                    

"Bakit ba nandito ka na naman? Wala ka bang trabaho at halos araw-araw ka na atang nandito sa amin?", masungit na tanong ko kay Kellion ng maabutan ko siya sa sala namin pagkababa ko.

Wala akong pasok ngayon sa trabaho. Napatayo siya ng marinig ang tanong ko. Napansin ko ang mga shopping bags na nakakalat sa center table.

"Namili nga pala ako para sa baby boy natin," masayang saad niya. Napasimangot ako naman ako ng maalala ang nangyari kahapon.

"Congrats misis. Baby boy po ang anak ninyo.",nagagalak na balita ng doktor na nag-ultrasound sa akin. Nakahiga ako sa kama habang nakatutok sa tiyan ko ang aparatong gamit para sa ultrasound. Nasa harap sina Mommy at Daddy habang si Kellion ay nasa tabi ko.

"Talaga po?", halata ang tuwa sa tono ni Kellion. "Lalaki ang anak natin Blaire!", sabay baling niya sa akin at bigla nalang akong niyakap. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat lalo na ng pinaghahalikan pa niya ako sa buong mukha.

Natawa si doktora sa reaksiyon ni Kellion na siyang nagpagising sa akin. Mabilis ko siyang tinulak na sa tingin ko ay di niya inasahan kaya muntik pa siyang mapabuwal.

"Sinong maysabing pwede mo akong yakapin? May pahalik-halik ka pa, manyak ka talaga kahit kailan."

Napangisi na lang siya ng makabawi ng tayo, "Sorry nadala lang sa emosyon," labas sa ilong niyang paghingi ng paumanhin dahil sa pinipigilang ngisi.

"May mga binili na kami ni Jillian. Hindi ko na yan kailangan", nakita ang biglang paglungkot ng kanyang mga mata na siyang nagpakonsensiya sa akin, "Sige na nga. Ilagay mo na nga yan sa kwarto ko." Mabilis na nagbago ang kanyang hitsura, kita ko ngayon ang tagumpay niyang ngiti.

"Tse! Hatid mo na nga yan doon at lumayas ka na dito. Nakakaumay ng makita ang mukha mo araw-araw."

"Mas mabuti ng makita mo ako araw-araw para maging kamukha ko ang baby natin."

"Ayoko ko nga. Ako ang magdadala ng baby ng siyam na buwan tapos magiging kamukha mo lang? Hindi ako papayag. Mas gusto kong kamukha siya ni Jacob Elordi!"

Kita kong mas lalo siyang ngumisi sa sinabi ko saka ko lang napagtanto nga sinabihan ko nga pala siya noon na siya ata ang nawawalang kambal ni Jacob dahil sobrang magkamukha sila. Mas lalo tuloy akong nainis sa kanya kaya pumunta na lang ako ng kusina. Narinig ko ang kanyang halakhak, "Ako rin naman pala ang pinaglilihian",parinig pa nito sa akin. Di ko napigilang pamulahan sa hiya na parang inamin ko rin na gusto ko siya ang kamukha ng anak ko. Oo anak ko lang to. Bwesit siya.

Palabas ako ng garden namin para magmuni-muni ng marinig ko ang boses ni Kellion. Di pa rin pala siya umuwi. Pagkababa kasi niya kanina pagkatapos ihatid sa taas ang mga pinamili niya ay ako naman ang umakyat. Inayos ko ang mga pinamili niya at nakatulog iyon. Nagising ako bandang alas onse. Nagluluto pa si Nanay Celia ng tanghalian kaya pinili ko munang magpahangin sa labas.

"Okay lang ako Sab"may kausap pala ito sa cellphone.

Sab. Sabrina. Nakaramdam ako ng inis ng marinig ang pangalang yon. Actually hindi ko na alam ang nangyari sa kanya, sa kanila ni Kellion. Hindi ko kasi kinakausap si Kellion. Sina Mommy at Daddy o maging si Jillian ay alam na ata ang nangyari dahil biglang suportado na nila si Kellion. Nasaktan ako ng kung ano-ano na ang naiisip na pinag-uusapan nila. Gusto ko sanang bumalik sa loob pero hindi ko maihakbang ang paa ko.

"Yes Sab, don't worr-... Blaire?", naputol ang sasabihin niya ng malingonan ako. Pansin ko ang kanyang pamumutla pero nagtaka ako ng bigla siyang mapangisi. "Sige Sab, call you next time. Nandito si Blaire, alam mo na advance to mag-isip, mukhang nagseselos ata na kausap kita.",parinig niya at kinindatan pa ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang magsink in sa akin ang sinabi niya sa kausap. Nakaramdam ako ng galit kaya di ko napigilang sabunotan siya sa inis.

"Anong nagseselos? Ang feeling mo talaga! Walng hiya! Ang kapal ng mukha!", pero tawa lang siya ng tawa at hinayaan lang akomg sabunotan siya.

"Namiss ko to Blaire. Kahit masakit sa anit, pero sobrang namiss ko to.",masayang saad pa niya na siyang nagpatigil sa akin.

Mabilis akong tumalikod sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa narinig mula sa kanya. Miss na miss ko na rin siya. Gusto ko siyang patawarin pero natatakot ako. Natatakot ako sa rason ng panunuyo niya. Dahil ba nakokonsensiya siya sa ginawa niya. Dahil ba may baby na kami. Mas mapanatag ako kung sana dahil mahal niya talaga ako at di niya kayang mawala ako sa buhay niya.

Love in Messenger (COMPLETED)Where stories live. Discover now