10th Message

176 12 0
                                    

Zeus Kellion:
Where are you?

Zyleen Blaire:
I'm in Jillian's house.
It's here birthday

Zeus Kelliln:
☹☹☹ All girls?

Zyleen Blaire:
Nope

Zeus Kellion:
Don't drink please.

Zyleen Blaire:
Why?

Zeus Kellion:
Just because

Yan na naman tayo. Party kaya to. Normal lang naman na may inuman. Ewan ko sa Kellion na ito habang tumatagal naging possessive. Minsan nga bigla yang magchachat na ipapadelete daw yong old posts ko.

Zyleen Blaire:
Bakit ko naman idedelete yan?
Malamang nakabikini ako, nasa beach
kaya kami niyan.

Zeus Kellion:
Please! You're too sexy here.
And most of the reactors
are boys. 😤😤😤

Actually sobrang daming pictures siyang hinalungkat. Pati ata 3 mga 5 years ago pa. Marami talaga akong picture sa beach kasi pag nagbabakasyon mga pinsan ko mostly sa beach ang punta namin. Ang dami niyang time na magscreenshot sa mga pinapadelete niyang picture or if kahit ibahin daw ang privacy ng nito sa only me.

Napapansin ko rin nitong mga nakaraang araw na lumalabas talaga ang kamanyakan nito. Hindi ko alam kung talagang manyak na to dati at nag-aanyong wholesome lang or ngayon lang lumabas ang pagiging manyak nito. Simula talaga to sa picture ko sa tub eh. Parang big deal sa kanya yon at lagi na lang nahahalungkat dahil tatlong beses daw itong naligo ng malamig para lang makatulog.

Zeus Kellion:
What are you doing?

Zyleen Blaire:
Kumakain ng saging!

Zeus Kellion:
Are you thinking that it's
my "banana"?

Zyleen Blaire:
🤮🤮🤮🤮🤮

Zeus Kellion:
It's 4 am and you're eating that
so I suppose your thinking green!
Just tell me Blaire, I can help you!
🤗👋

Zyleen Blaire:
Bastos talaga nito.
Puro na talaga kamanyakan
pumapasok sa utak mo ngayon.
Mahilig ka siguro!

Zeus Kellion:
I am a guy. And it's so normal to
have a boner in the morning!

Zyleen Blaire:
Wahhh kainis ka talaga.
Hindi ko na kayang ubusin ang saging
na to.

Zeus Kellion:
Why? I guess my banana's
bigger though!

Zyleen Blaire:
Shit! Para sa hang over ko to
eh. Tigang ka na ba kaya
ka biglang ganyan.

Zeus Kellion:
YES I been loyal with my hands
for more than a year😉😉😉

Seen

Ganito na talaga siya ka straight forward sa akin. It's been six months mula ng una kaming magkachat. Nakakainis lang na imbes magalit ako sa kanyang kamanyakan eh natatawa ako sa mga pinagsasabi niya. Minsan di na lang talaga ako nagrereply. Feeling ko kasi tinutukso lang niya ako sa mga sinasabi niya. Siguro pag harap-harapan na siyang magsabi sa akin masasampal ko na talaga siya. Since chat naman kay feel kong harmless lang yong mga sinasabi niya. Saka nasa Singapore rin naman siya kaya safe ako. Pero yong puso ko lang ata ang di safe kasi sobrang sweet niya rin kasi minsan. Once a week nagpapadeliver siya ng pagkain sa workplace ko. Inaako ko na lang na order ko para di ako tuksuhin ng mga kasamahan ko. Sinasabi ko na lang na sawa na ako sa mga pagkain sa cafeteria. Naniwala naman sila liban na lang kay Jillian na alam ang totoo. Pero masaya naman yon kasi pati rin naman siya nakakakain sa mga padala ni Kellion. Yong mga chat niya dati na simple lang may kasama ng "ingat ka, wag kalimutan kumain, i miss you" mga ganoon. Sinasabi niya halos lahat ng mga pupuntahan niya, mga ginagawa niya sa araw na yon pati na sino mga kasama niya. Sobrang paasa lang di ba. Ako naman itong si gaga na nagrereport din sa kanya, sinusunod ang mga pinagbabawal niya at pati susuotin ko kapag may parte o magbabar ay kinukonsulta ko pa sa kanya. Hindi naman ako ganito kay Duane. Actually walang ganitong moment sa amin. Mostly mag-eeffort pa talaga ako lagi para malaman mga ginagawa niya o kung nasaan siya.


Love in Messenger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon