16th Message

162 6 0
                                    

Warning: Mature content ahead.

Nagising ako nang may marinig akong ungol sa tabi ko. Hindi ko mawari kong nasasaktan ba ito o nasasarapan yata. Pagmulat ko nang aking mata ay madilim na sa kuwarto. Kinapa ko ang cellphone ko sa may night stand para tingnan ang oras. Alas kwatro pa lang ng madaling araw, nakatulog pala ako, pero bigla kong naisip si Kellion dahil kasama ko siya kagabi. Mabilis akong napalingon sa katabi ko nang marinig ko ulit ang ungol at bahagyang paggalaw nito.

Kinapa ko ang lampshade para magkaliwanag sa kwarto at malakas akong napasinghap nang makita ko si Kellion na hawak ang kanya sabay hagod pataas at pababa. Nakapikit ito at bahagyang awang ang labi habang umungol. Para akong nestatuwa sa nakita, hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanyang pagkalalaki na palaki ata ng palaki sa kanyang paghagod. Natauhan lang ako ng biglang ang isang kamay niya na nakapatong sa noo niya kanina ay humawak na rin sa sumasaludo niyang sandata.

"Wahhhhhh" sigaw ko ng malakas na siyang nagpagising sa kanya at dahil siguro sa gulat ay nahulog siya sa kama. Narinig ko pa ang pag-ungol niya pero alam kong hindi yon sa sarap kung hindi sa sakit ng pagkakahulog nito.

Nang tumayo na siya ay di ko mapigilang mapasigaw ulit dahil nakikita ko pa rin ang kanya dahil nakalabas pa din ito sa bahagyang nakababa niyang boxers.

"Bakit ka ba sumisigaw? Ganda na nang panaginip ko nabitin pa tuloy ako" parang inis pang saad nito nang makabawi sa pagkahulog.

"Ahhh bastos ka talaga.. t-ta-takpan mo nga yang ano mo" sigaw ko sa kanya habang di mapigilang mapagawi ang tingin ko sa may bandang baba niya. Napasunod naman ang tingin niya sa tinitingnan ko at saka nanlaki ang kanyang mata. Mabilis din nitong naitaas ang boxer shorts para matakpan ang kanya.

"Shit wag mo ngang tingnan" tila galit pa nitong saad pero kitang-kita ko ang pamumula niya.

"Ang bastos mo talaga kahit kailan" saad ko na bahagya nang kumalma sa nanyari kanina.

"Malay ko bang nailabas ko pala sana ginising mo na lang ako ang sakit tuloy ng balakang ko"paninisi pa nito sa akin.

"Hindi mo lang naman nilabas yan eh, hawak-hawak mo rin yan kanina at umuungol ka pa"

"Shittt ibig sabihin pinapanuod mo ako kanina?"tila nasisiyahan na nitong saad. "Gusto mo ituloy ko?"

"Wahhh lumabas ka nga dito. Bakit dito ka natulog may kwarto ka naman ah?"taboy ko sa kanya dahil sobrang init na ng pakiramdam ko. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang nasaksihan kanina. Tuwing mapapadako pa ang tingin ko sa kanya ay nakikita ko talaga ang mas malaking umbok nito na bakat na bakat sa suot niya.

"Tinulogan mo kasi ako. Nakakatamad ng lumipat sa kuwarto ko kaya nakitulog na lang ako dito.Ayaw mo talagang ituloy ko? Oh pwede rin ikaw ang magtuloy?"dagdag pa nito kaya binato ko siya ng unan. Tawa naman ito ng tawa palabas sa kuwarto ko.

"Kabitin naman! Sayang!"parinig pa nito na lalong nagpainis sa akin.

Parang akong nanghina paglabas ni Kellion, hindi naman ako inosente sa mga nangyayari at hindi rin ako santa na di makaramdam ng pag-iinit sa nasaksihan kanina. Lalo kong nakonpirma iyon nang maramdaman ang bahagya pagbasa ng gitnang bahagi ng aking hita. Kahit anong pikit ko ay nakikita ko talaga ang kanya na siyang lalong nagpainit sa akin kaya imbis na matulog ulit ay napagpasyahan ko na lang maligo para mawala na ang nararamdaman.

"Nagiging manyak na rin yata ako"di ko mapigilang saad sa sarili. Wala talaga kaming ganitong moments ni Duane na makita ko siyang nagsasarili. Di ko pa siya nakatabi matulog,pero naghahalikan naman kami at make out. Nahawakan niya na rin ako sa iba't ibang parte ng katawan ko at ganoon din ako sa kanya. Pero hanggang doon lang, hindi pa kami talag umabot sa pagsuko ko sa sarili ko sa kanya.

Love in Messenger (COMPLETED)Where stories live. Discover now