35th Message

168 5 0
                                    

"Kellionnnnnn!",malakas na sigaw ko mula sa kwarto ko. Alam kong maririnig  niya ako dahil magkatapat lang ang kwarto namin.

Narinig ko ang malakas na kalabog bago bumukas ang pintuan. "Blaire bakit? Manganganak ka na? Teka saan na yong bag? Tawagan ko ba ang hospital?" , natatarantang tanong nito na parang baliw na palakad-lakad sa harap ko. Kita ko na rin ang pamumutla niya.

"Mukha ba akong manganganak?", pasinghal kong tanong sa kanya. Tinawag ko siya dahil sobrang namamanhid ang paa ko at naiihi na ako. Kaya ko pa namang maglakad papuntang banyo pero dahil matagal ako nakaupo dito sa kama sa pag-aayos ng mga damit ni baby na binili na naman ni Kellion ay nahihirapan akong tumayo.

Para naman siyang nakahinga ng maluwag sa narinig. "Kung makasigaw ka kasi akala ko naman manganganak ka na.",paninisi niya pa sa akin.

"May angal ka?", nakita ko ang mabilis na paglambot ng kanyang mukha na animo sobrang bait kung tingnan. "Itayo mo nga ako,ihatid mo ko sa banyo at bilisan mo, naiihi na ako."

Mabilis naman niya akong inalalayan papuntang banyo. Hirap talaga pag buntis, halos oras-oras akong pumupunta ng banyo. Kung pwede nga lang doon na ako matulog.

"Teka bakit ka nandito?", angil ko sa kanya ng makitang pumasok rin  siya sa banyo at sinarado pa ang pinto.

"Siyempre sasamahan ka?",tila di sigurado niyang sagot.

"Iihi ako"

"Alam ko"

"Maghuhubad ako."

"Siyempre alangan namang umihi kang nakashort at panty pa rin"

"Aba't alam mo naman pala bakit nandito ka pa?"

"Sinasamahan ka nga. Ang gulo mo rin eh. Tinawag-tawag mo ako tapos ngayon papaalisin mo ako.", tila nawawalan ng pasensiya nitong tanong.

"Kellion naman, ihing-ihi na ako, lumabas ka na kasi. Pag ako nainis sasamain ka talaga sa akin."

"Eh di umihi ka na nga."

"At talagang manonood ka?"

"Oo na, lalabas na po kamahalan. Para namang di ko nakita yan, nahawakan ko pa nga kaya nga may baby na eh", parinig pa nito at lumabas na.

"Manyak!" sigaw ko sa kanya. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Minsan pa naman nakakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan at hinanap-hanap ko ang mga haplos at halik ni Kellion. Nabasa ko sa isang libro na normal lamg daw iyon sa mga buntis. Nakaboxers pa naman si Kellion ngayon at white sando na madalas talaga niyang pantulog.

Di ko nga maiwasang makaisip ng mga kahalayan sa tuwing nagagawi ang tingin ko bumabakat niyang bukol sa harapan. Nakatambay kasi siya kanina sa kuwarto ko at tinutulongan akong magtiklop ng damit pero dahil nadidistract ako sa kanya ay pinalayas ko sa kwarto ko. Bakit kasi agaw pansin ang ano niya. Sinasadya atang ng mokong na to para maakit ako.

"Dito na nga lang kasi ako.",pagod na nitong saad dahil halos limang beses na siyang nagugulat sa tuwing tinatawag ko siya para alalayan ako papuntang banyo.

"Ayoko ko, mamanyakin mo lang ako."

"Sino kaya sa atin ang panay ang tingin sa alaga ko?", di mapigilang tukso niya sa akin.
"Gusto mo bang hawakan? Sabihin mo lang Blaire...miss na miss ka pa naman nito.",dagdag pa niya na nakapagpatahimik sa akin. Sigurado akong namumula na ako ngayon.

"Oh ba't ang tahimik mo na diyan? Namiss mo rin to noh", at talagang may pahimas-himas pa siyang ginagawa.

"Ahhhrgggh manyak ka talaga kahit kailan."

Napahalakhak lang si Kellion at mabilis na lumayo ng mapagtantong sasabunotan ko na naman siya.

"Mapapanot talaga ako sa yo ng maaga Blaire.. sa ibang gawain mo na lang kasi gamitin ang kamay mo, masisiyahan ka pa lalo na ako."tatawa-tawa pa niyang saad. Mabilis siyang nakailag ng ibato ko ang unan.

"Umalis ka na nga. Mapapaanak ako ng de oras diyan sa kamanyakan mo."

Umalis rin naman siya sa kwarto ko at hinayaang bukas ang pinto. Kita ko siya mula sa kinahihigaan ko dahil pinanatili niya ring bukas ang pintuan ng guest room na tinutulogan niya. Gusto ko sanang umalma pero hinayaan ko na lang lalo na nang mapansin ko ang kanyang pagngisi. Okay na rin yon dahil di ko na kailangang sumigaw sa pagtawag sa kanya.

Love in Messenger (COMPLETED)Where stories live. Discover now