14th Message

178 11 0
                                    

Hindi ko mapigilang mapangisi sa tuwing napapatingin ako kay Kellion dahil hanggang nakarating kami sa Balicasag Island ay nakasimangot ito. Nakafull body rashguard kasi ako imbis na magbikini kaya parang batang inagawan ng candy ang manyakis na ito.

"Bakit kasi yan ang suot? Halos lahat naman ng post niya sa fb pag nasa beach siya eh naka bikini naman" parinig nito sa akin habang may iba pang pabulong-bulong na sinasabi.

"Manyakis ka kasi" sagot ko sa kanya kahit di naman ako tinatanong at sadyang nagpaparinig lamang.

"Hmmp"parang babaeng may sapi lang nitong sagot sabay baling sa kabilang banda. Nasa isang bangka kami ngayon papunta sa fish sanctuary for snorkeling. May kasama kaming guide na napapangiti na lang sa inaasal ni Kellion.

Sobrang naenjoy ko talaga ang iba't ibang kalase at kulay ng isda sa sanctuary. May mga seas turtles din at may malawak na coral garden. Doon na kami nagtanghalian sa isla bago tumulak patungong Virgin Island.

"Kung nakabikini ka sana,eh di ang ganda na sana ng mga pictures mo, para lang suman sa suot mo", patuyang sabi nito na di pa rin ata nakamove on sa suot ko.

"Babalik naman ako rito. Sama ko si Jillian, magaling yon sa pagkuha ng pictures"balik ko naman sa kanya. May plano talaga akong bumalik dito kasama si Jillian. Sobrang hilig din nito sa beach at sobrang galing kumuha ng mga instagramable pictures.

Madalas rin talaga bikini ang suot ko kasi nakasanayan na rin. Hindi ko naman ikinakahiya ang katawan ko. Sigurado akong matatawa si Jillian na nakarashguard ako ngayon at full body pa, eh gustong-gusto ko kaya ang nakukuha kong tan sa balat pag nasa dagat kami. Kung pwede nga lang maghubad lahat para pantay ang pagka tan eh.

"Sige sasama ako pagbalik ninyo rito",sang-ayon naman nito na tila nagfast forward na sa isip niya ang mangyayari base sa ngisi na pilit pa niyang pinipigilan.

"Sino naman may sabing isasama kita?",taas kilay kong tanong sa kanya.

"Wala. Ang sabi ko kasi sasama ako, hindi isasama mo ako. Magkaiba yon" pamimilosopo pa nito sa akin sabay ngisi at takbo papunta sa dulo ng sandbar.

Nakakainis talaga ang lalaking yon. Lagi talagang may lusot sa bawat sasabihin niya. Di ko akalaing ganito pala talaga siya. Sobrang maloko, masayahin at higit sa lahat manyakis. First impression ko kasi sa kanya ay isang seryoso at masungit na tao.

"Nag-enjoy ka ba iha?" tanong ni Tita Bianca sa akin habang kumakain kami ng dinner sa restaurant ng resort nila. Inaya kasi kami ni Kellion na dito na maghapunan kasabay nila. Wala naman kaming ibang plano ni Kellion kaya pumayag na rin kami.

"Sobra po Tita, siguradong babalik po ako dito kasama mga kaibigan ko", masayang sagot ko sa kanya na labis rin ikinatuwa ng ginang.

"Oh bakit MGA kaibigan na Blaire, sabi mo si Jillian lang isasama mo" sabat naman ni Kellion na pinagdidiinan talaga ang salitang "mga" na di ko akalaing papansinin niya.

"Paki mo ba! Eh mas marami mas masaya, tumahimik ka na nga lang diyan" malditang sagot ko sa kanya. Medyo napahiya pa ako ng makita kong bahagya nanlaki ang mata ni Tita sa sinabi ko pero agad naman napangiti.

"Oo nga naman Kellion, mas masaya pag maraming kasama. Boring karin kasing kasama" tukso naman ni Tito Zeon sa anak na nakapagpasimagot dito.

"Daddy naman eh.. nang-iinis pa."reklamo naman nitong parang bata pang ngumunguso.
"Sobrang nag-enjoy nga siya di ba? Kaya alam kong hindi ako boring kasama"

"Kumain na nga lang tayo, baka kung saan pa aabot yang tuksohan niyong dalawa", pigil ni Tita sa dalawa. Nagpatuloy kami sa pagkain pero di pa rin maiiwasan ang mga pabidang kwento ni Kellion sa mga ginagawa niya kanina. Di ata niya matanggap na sinabihan siyang boring ng ama.

Love in Messenger (COMPLETED)Where stories live. Discover now