15th Message

173 8 0
                                    

Sa pangatlong gabi ko dito sa Bohol ay sa resort nila kami matutulog. Dahil sa dami ng activities namin kahapon natulog lang kami buong araw. Pagkahapon ay lumipat na kami sa resort dahil may party din daw dito kinabukasan. Birthday ata yon ng pinsan ni Kellion at isasama niya daw ako.

"Nood na lang tayo ng movie or gusto mo punta tayo sa bar" anyaya sa akin ni Kellion. Wala talaga kaming plano sa mga gagawin namin. Tinatamad naman akong lumabas kasi kahit nakatulog ako ay feeling ko sobrang pagod pa rin ng katawan ko.

"Ayaw kong lumabas, kakatamad pa eh"tanggi ko sa kanya.

"Eh di noon na lang tayo movie dito sa room mo. May laptop naman" sagot nito na may kasama pang ngiti. May pinaplano yata ang unggoy nato eh.

"May plano ka noh?" saad ko ng may matalim na mata. Inirapan lang ako ng loko.

"Wala noh, tinatamad rin kasi ako. Ayaw ko naan matulog ulit. Kakagising ko rin lang kaya. "nagmamaang-maangan pa nitong saad.
"Sige na, nood na lang tayo. May bagong labas ngayon ang netflix yong After, magandang movie yon. Promise! Love story lang naman siya, siguradong magugustohan mo"pagmamalaki pa nito.

Dahil na rin sa kakagising ko rin lang ay pumayag na ako. Nagpahatid lang kami ng dinner sa room ko at sabay na kumain. Naligo na rin ako para diretso na tulog pagkatapos.

"Bakit ganyan suot mo?" di makatinging tanong ko sa kanya dahil nang sinabi kong magpalit ako pangtulog ay umalis siya sa room ko at magpapalit na rin daw siya para diretso na rin ng tulog mamaya. Nakaboxers lang siya na black at white sando. Bakat na bakat pa naman ang umbok niya sa harapan.

"Ganito talaga ako matulog eh, minsan nga wala akong suot"nakangising saad nito lalo nat nakita niyang namumula ako sa sinagot niya.

Hindi ko na lang siya pinatulan dahil baka marami ap itong masabi dahil pagdating sa kamanyakan ang daldal pa naman nito.

Pareho kaming nakadapa sa kama at sa harap namin ang laptop niya. Maganda nga ang movie na sinasabi niya. Sobrang gwapo pa ni Hardin. Panay pa talaga ang puri ko sa kanya na ikinainis naman ni Kellion. Pinupuri rin niya si Tessa na sinang-ayunan ko na ikinainis niya pa rin. Ang gulo lang. Maganda naman talaga si Tessa ang sexy pa.

"Ah iihi lang ako. Wag mo na lang ipause sandali lang naman ako" natarantang saad ko ng nandoon na kami sa part ng love scene ni Tessa at Hardin. Sobrang init na ng pisngi ko at siguradong namumula na ako.

"Pause ko na lang, sayang naman di mo makit-"

"Wag na nga kasi"sigaw ko sa kanya na siyang ikinatawa nito. Mabilis akong pumasok sa banyo kahit hindi naman talaga ako naiihi.
Sinadya ko ring tagalan para siguraduhing pagbalik ko tapos na ang part na yon.

Nakangisi lang si Kellion sa akin pagbalik ko dahil nasa last part na pala ng movie.

"Pustahan may ginawa kang maganda sa banyo, sana sinama mo na lang ako" malanding tukso nito sa akin na noong una hindi ko pa naintindihan pero nang makuha ko ay di ko napigilang sabunutan siya.

"Bastos ka talaga kahit kailan" singhal ko sa kanya pagkatpos kong sabunutan.

"Ang tagal mo kaya. Di ka naman mukhang natatae kanina.. mas mukha ka kayang horny" tukso pa niya sa akin na siyang dahilan para sabunutan ko siya ulit."Baka mangamoy ang buhok ko ha, sigurado pa naman akong ginamit mo yang daliri mo kanina" dagdag pa nito sabay tawa ng tawa sa pag-iwas sa sabunot.

"Ewww kainis ka talaga,lumayas ka nga dito."taboy ko sa kanya dahil sa inis at hiyang nararamdaman ko. Lintik na lalaking to, ang bastos talaga ng bunganga.

"Ayoko, may part 2 pa yong after eh..tsaka maaga pa naman eh. Nood pa tayo" paglalambing na nito. "Please, promise tahimik lang ako."

"Okay okay pero ako ang pipili ng papanoorin natin"panigurado ko sa kanya dahil alam kong pag siya pa rin ang pipili ay yong mga may love scene talaga ang panonoorin namin.

Pumayag naman siya kahit labag daw sa kalooban niya. Pinili ko ang Vincenzo kahit ilang ulit ko na itong napanood, ang gwapo kaya ni SJK at mas prefer ko talaga pag kdramas. Hindi ko alam kung saang episode na kami nang makatulog ako.

Love in Messenger (COMPLETED)Where stories live. Discover now