6th Message

190 12 0
                                    

"Beshie you have to see this. Lahat ng mga tagged photos mo kagabi ay may angry reaction si Zeus Kellion Salvador!" parang hindi makapaniwalang saad nito sabay pakita sa akin ng phone niya.

Nandito pa rin kami sa kuwarto niya, alas diyes na nang umaga pero nakakatamad pa rin bumangon. Masakit din ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Ang dami kasing nag-aalok ng maiinom na mga kasamahan namin sa trabaho na tinanggap ko naman.

"What?!!!"parang nahimasmasan ako sa narining. Ano bang problema ng lalaking yon?

"Buti hindi nagcomment, nagchat nga sa kin si Lili eh, nagtatanong kung may alam ba tayo kung bakit nag angry react si Zeke. Wala naman daw si Sabby sa pic. Sure ako beshie, para sa iyo yon since yong mga pic lang na kasama ka siya nagreact."

"Teka anong sabi mo kay Lili?" natataranta kong tanong. Baka kung anong isipin nila. Di naman sila close ni Sabby kasi mga two months pa sila sa trabaho before nagresign si Sabby. Wala rin naman masyadong close si Sabby sa amin pero friends niya naman kaming lahat.

"Relax. Wala naman akong sinabi. Nagreply lang ako sa kanya ng malay ko!"sambit nito.

Napagdesisyonan kung mag-open ng fb ko at tingnan ang ginawa ni Kellion. Ang daming notifications pero mas maingay ang messenger ko. Ang daming message ni Kellion na di ko na binasa. May mga missed din akong video calls niya. Halos one week ago na yong mga messgae niya. Ang pinakarecent lang ang binasa ko.

Zeus Kellion:
Why you're not answering
me?

Zeus Kellion:
What's the problem Blaire?

Zeus Kellion:
What are you wearing? Is Duane
around that's why you're wearing that?
I thought you're over with
him?

Zeus Kellion:
Please answer my call Blaire!

Yon ang huling message niya at sandamakmak na tawag na ang sumunod. Anong bang problema ng lalaking ito? Ano bang paki niya sa suot ko at ano namang kinalaman ni Duane doon?

"Selos ata siya beshie!"biglang saad ni Jillian na nakikibasa pala sa phone ko.

"Ohh please Jill don't say that. May sapi lang siguro siya kaya naging ganyan"balewalang sagot ko sa sinabi niya.

"Ehh paano mo naman ipaliwanag yan? Isang linggo siyang may sapi. Wala ba siyang trabaho at araw-araw ka atang inaabangan sa messenger?" balik naman nito sa akin.

Mayamaya pa ay tumunog na naman ang tone ng tawag sa messenger ko. Si Kellion tumatawag. Mabilis kong nadecline ang tawag. Mag-out na sana ako ng may message na nagpop up.

Zeus Kellion:
Please Blaire. Can we talk?
O kahit magreply ka na lang,please!

Natigilan ako sa mensahe niya. Parang ramdang kong nagmamakaawa siya. Malakas akong napabuntong-hininga sa nabasa.

"Just answer him Zyleen. Kasi feeling ko talaga, the feeling is mutual. I'm not giving you false hopes pero wala naman sigurong mawawala kunga kausapin mo siya. Or just chat him kung di mo kaya makipag-usap" seryosong saad nito sa akin. "I'll just go downstairs. Ipapahanda ko ang pagkain natin. Sumunod ka na lang after niyong mag-usap"

Tama si Jillian. Why not? Ano namang kaartehan na di ko siya kausapin? Wala naman siyang kasalanan sa akin in the first place. Wala naman siyang sinabi na magkagusto ako sa kanya. Malaking tulong rin siya sa pagmomove on ko kay Duane. Siguro dapat siya naman ang tulungan ko.

Zyleen Blaire:
Okay. Anong pag-uusapan
natin?

Zeus Kellion:
Thanks God, you replied.
I miss you! I miss chatting with
you!

Shit. Paasa naman tong lalaking to. May pa I miss you I miss you pang alam. Wala ba itong ibang kaibigan na nandoon.

Zyleen Blaire:
Bakit? Ako lang ba ang
kachat mo? I'm sure marami
ka namang ibang kachat ah!

Zeus Kellion:
Why are you jealous?

Zyleen Blaire:
In your dreams. Akala ko ba
mag-uusap tayo?

Zeus Kellion:
You're not answering my call
so how can we talk?

Zyleen Blaire:
Aba't! Sabi mo naman pwede chat
ah. Dali na sabihin mo na. Busy
ako ngayon.

Zeus Kellion:
Why are you avoiding me?
It's been a week since you
last replied.

Zyleen Blaire:
Busy nga ako di ba!

Zeus Kellion:
Busy clubbing! And you're
dress, why are you wearing
like that?

Zyleen Blaire:
Teka nga. Magkaliwanagan nga tayo.
Ano bang problema mo
sa suot ko? Kaya ka ba nag angry
react sa mga pictures namin dahil
sa suot ko?

Zeus Kellion:
YES

Zyleen Blaire:
And why is that?

Zeus Kellion:
Just because!

Zyleen Blaire:
Ewan ko sa iyo.
Bye na nga. Kausapin
mo na lang ako
kung wala ka nang sapi sa katawan.

Zeus Kellion is typing..

Mabilis akong naglog out at hindi na hinintay ang reply niya. Ang gulo niya rin. Akala ko pa naman may pag-uusapan kaming seryosong bagay. Like what Zyleen. Na aamin siya sayo? Wahhhhh ewan pati isip ko ang gulo na. Nagiging assuming na ata ako. Bahala ng nag siya. Ang gulo mo Zeus Kellion Salvador.

Love in Messenger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon