Glasses Eleven : Three - Seconds - Kiss Legend.

393K 9.7K 2.4K
                                    


--

GLASSES ELEVEN : THREE-SECONDS-KISS LEGEND.

Sabrina's POV :


Nakatayo ako ngayon sa tapat ng napakalaking Mansion, na may naka engrave na malaking letter 'P' sa magkabilang side. Tumingin ako sa relo ko, 6:59pm na, kanina pa kong 6:25 dito, hindi ko kasi alam kung paano ko tatawagin yung halimaw since wala naman akong number niya at feeling ko naman, hindi uso dito yung bigla ka na lang sisigaw para tawagin yung pangalan ng kaklase mo.


Medyo nakakahiya ng konti para sa isang katulad ko para pumasok sa exclusive Villa na to. Hindi pa nga ako pinapapasok, tinanong muna kung sino yung mga kakilala ko sa loob nung sinabi ko namang gagawa kami ng activity sa bahay nila Nathan Park.


Pagkasabi ko ng 'Park', nagulat sila. Hindi talaga sila naniniwala sakin! Nung binanggit ko din sila Macoy, hindi din sila naniwala, hinahanapan pa nga ako ng sasakyan eh. Ganon? Pag pupunta dito dapat nakasasakyan talaga? Pag pupunta ditto dapat may class yung dating?! Lakas maka degrade ng tao! Sobrang strict ng security nila. Hay nako.


Kailangan ko pang tawagan mismo si Macoy para paniwalaan nila ako. Nagalit pa nga siya nung ayaw akong papasukin kasi hindi daw dapat ganon kahigpit yung security. He was planning to pick me up pero bigla nagkaron ng emergency kaya pinahatid na lang niya ko sa driver nila at eto ako, nakatayo sa tapat ng mansion nila Nathan at nung una kita ko pa lang dito, napanganga na ko.


"Wow." Ayun lang yung salitang lumabas sa bibig ko.


Never imagined na ganto kalaki yung bahay nila as in define malaki talaga diba. At considering na sila pala ang may pinakamalaking bahay sa buong Villa, wow as in wow talaga. Umiling na ako matapos ang ilang buntong hininga, kanina pa kasi ako nandito, bukod sa nilalamig na ko ay nakakalamok na din.


Magdodoorbell na sana ako ng biglang may magsalita dun sa may black box—which is I think naka based sa security nila? Feeling ko nga nakikita nila yung mukha ko. Hays.


"Park's Residence, how may I help you?" Tanong nung lalaki mula sa speaker.


Pinindot ko yung red button saka nagsalita, "I would like to know kung nanjan si Arrog—I mean Lemuel? I'm his classmate and he told me to come here." Matagal bago may nagsalita ulit,


"May I know who I'm speaking with?"


I cleared my throat, "My name's Sabrina, Sabrina Romualdez."


"Ahmm, pardon Ma'am Sabrina? Who's Lemuel?" Napataas yung kilay ko, hindi nila kilala si Nathan? Napatingin ako sa address ng bahay nila, tama naman sa sinabi ni Macoy pero bakit..hindi nila kilala si Nathan? Don't tell me, maling bahay to?! Marami bang Park dito? Hala!


"Ma'am.." Natauhan ako ng biglang nagsalita ulit yung lalaki.


Napakagat ako sa labi ko, "Oh, I'm sorry. I must have got the wrong addre--" Pero bago ko pa natapos yung sasabihin ko bigla na ulit siyang nagsalita.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon