Glasses Thirty-Seven : Exchange Of Hearts.

278K 6.6K 1.7K
                                    


--

GLASSES THIRTY-SEVEN : EXCHANGE OF HEARTS.

Sabrina's POV :


"Good morning, love."

"Good morning, monster!" Nakangiti kong sambit.

"Am I really a monster to you?." He chuckled.

"Yup! Napaka sungit at yabang mo kasi. Hmm, nakaayos ka na ba?"

"Yes, love. I'm on my way there." Napatingin ako sa oras, 6:00am pa lang. Napaka-aga naman?!

"Baliw ka! Excited ka ba? Ang aga mo! Maliligo pa lang ako." Agad akong pumasok sa kwarto para kumuha ng tuwalya.

"I'm gonna cook your breakfast. I'll see you in a bit. I love you."

I smiled. "Okay. Drive safe! I love you, too." Nakangiti kong ibinaba yung tawag para akong lumulutang sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Ganito ba talaga kapag in love?



Sinalubong ako ng halik noo at sa labi ni Lemuel ng buksan ko yung pinto. "Hello, love." Nakangisi nyang sambit. Ngumiti na lang ako at tumango, nagdaretso naman sya papunta sa maliit naming kusina para magsimula ng magluto. Tahimik ko lang syang pinanuod ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ng kapatid ko. Pinanuod namin si Gino hanggang sa makapwesto sya sa sala,


"Maglandian lang kayo ng maglandian. Isipin nyo na lang na wala ako dito." Sabi ng kapatid ko saka umupo sa sofa at binuksan yung TV. Napaka-sungit naman nito!


"Goodmorning, Gi! Parang ang pangit ata ng gising mo ngayon?" Natatawang tanong ko.


Nagkibit-balikat sya ng hindi tumitingin samin, "Hindi lang ako sanay na may ibang tao dito sa bahay..." Saka nya sinulyapan si Lemuel.


Bahagyang akong natawa, "Ano ka ba naman! Hindi naman ibang tao si Lemuel saka kuya mo sya!" Napansin ko yung pag ngiwi nya habang nakatingin kay Lemuel, "Gusto mo papuntahin ko si Vanilla?" Mabilis syang umiling.


"Hindi na. Punta na lang ako mamaya kila Denver baka maki sleep over na lang din ako." Tumango tango naman ako atleast nakakapag bonding silang magkakaibigan.


"Do you want something?" Napangiti ako ng makita ang gulat na ekspresyon ng kapatid ko ng tanungin sya ni Lemuel. Tinuro nya pa yung sarili nya para makasigurado. Ang cute talaga ng kapatid ko.


"H-Hindi na. Kung ano na lang kainin nyo ayun na din sakin." Tumango naman sya sa sagot ng kapatid ko at nagpatuloy sa pagluluto.


Natapos kaming kumain at naghahanda na din ako sa pagpasok, naiwan yung dalawa sa labas. Mabilisang ayos lang ang ginawa ko pero hindi nawala doon yung pagpapaligo ko ng pabango sa sarili ko saka paglalagay ng konting liptint at blush-on sa pisngi ko.


Okay na kaya 'to? Kailan pa ko naging conscious sa itsura ko?


Huminga ako ng malalim atsaka lumabas ng kwarto. Nakita ko naman yung paglapit sakin ng nakasimangot kong kapatid, "Oh, ba't naka simangot ka dyan?" Natatawa kong tanong, nagkibit balikat lang sya."Anong ginawa mo sa kanya?" Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang may halong pagtataka sa mukha ko. Ang cute nila!

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon