Glasses Thirty-Four : The Nerd And The Monster.

297K 7K 900
                                    



--

GLASSES THIRTY-FOUR : THE NERD AND THE MONSTER.

Sabrina's POV:


"I told you to stay with me, Tanya. Is that so hard to understand?" He said between gritted teeth. Tinaasan ko lang siya ng kilay atsaka nagpatuloy sa paglalakad pero hindi ko na natuloy ang gusto kong gawin dahil bigla niya kong hinigit sa may bewang kaya hindi na ko nakagalaw.


"Ano bang problema mo? Napaka clingy mo naman, Lemuel!" Inis na sambit ko habang sinasamaan ko sya ng tingin. Kanina pa kasi sya ganyan ng ganyan parang tuko na kaming dalawa!


"Stop being stubborn! This is for your own safety! Damn!" He looks so frustrated sa actions na ginagawa ko. I laughed, ayaw nyang nauuna akong maglakad o nahuhuli. Gusto nya lagi kaming sabay o lagi ko syang kasama. Simula nung mahimatay ako ganyan na sya kaclingy.


Though, inaamin ko naman na kinikilig ako sa gestures nya pero kahit na! Hindi pa nga kami e! Hindi ko alam ganito pala sya ka-clingy! Ang cute cute pero hindi ako sanay!


Binuksan nya yung pinto ng passenger seat saka ako pinasakay, my eyebrows raised. "Wow, gentleman...first time. Ano nakain mo?" Pang-aasar ko sa kanya. Umikot naman siya papunta sa driver's seat saka sumakay, he then glances at me with his cold gray eyes.


I rolled my eyes saka kinuha yung seatbelt pero bago ko pa man malagay sakin nagulat ako ng sya na mismo gumawa non. I was surprised that I felt like I stopped breathing for a second. Sobrang lapit ng mukha nya sakin na pakiramdam ko mahahalikan na nya ko. He just smirked at me saka inayos yung seatbelt ko. Inayos nya din yung kanya atsaka nagdrive.


Sumimangot na lang ako at inayos yung salamin ko. Adik! Kakalabas ko lang kahapon ng hospital nila Macoy. They said that I've been asleep for a day after ko mahimatay. I feel guilty for making everyone worried especially my brother na halos kakalabas lang ng hospital tapos eto naman yung ate nya yung naconfine.


It's kind of weird kasi simpleng pagkahilo at pananakit lang naman ng katawan yung naramdaman ko pero parang takot na takot sila. When I woke up yesterday, nakita ko sa mga mata ni Lemuel yung takot which I thought is a normal reaction pero nung naisip ko sya lately parang ang weird talaga. Hindi ko din maisip kung bakit bigla akong nagkaganon kasi wala naman akong naramdamang kakaiba bago ako pumasok.


Tumingin ako sa kanya habang busy siya sa pagda-drive. Napangiti ako kasi kung titignan, mas gwapo talaga sya sa kanilang lima. Kung magsasama sama sila lagi syang nag stand-out bukod kasi sa kulay ng mata nya, ibang klase din kasi yung dating nya. "Yah! Stop staring!" Saway nya sakin kaya natawa ako kasi nandun yung Korean accent nya. Ang cute lang parang bata. Umiling na lang ako at hindi na nagsalita.


Inadvise sakin ng doctor na magpahinga muna ako ngayon at bukas na ko pumasok. Madami na kong namissed na lessons, buti na lang nandyan sila Lora para pahiramin ako ng notes. Dumeretso kami sa Stuart's dahil kailangan ko din naman rumaket kahit papano, hindi pwedeng dahil may mga pwedeng tumulong sakin ay aasa na lang ako sa kanila.


"Dyan ka lang ha? O di kaya pag bored ka umalis ka na lang muna or wag ka na lang manuod ha? Ha?" Nakangiti kong sambit habang pasimple ko siyang pinapaalis. Ngayon lang nag sink-in sakin na manunuod sya ng performance ko, kahit na kumanta na kami noon iba parin yung performance ko pagnandito ako. Nakakahiya!

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon