Glasses One : The Nerd.

730K 14.1K 3.2K
                                    



--

GLASSES ONE: THE NERD.

Sabrina's POV:


Park-Hyun Academy.


Class was finished—lunch break namin pero pinili kong dumeretso na lang sa library. Nililigpit ko yung mga gamit ko nang may biglang tumabig sakin.


"Excuse me!" Isa sa mga kaklase ko. Cherry. How can I describe her? Basta siya yung may malaking ribbon sa ulo saka laging nakataas yung isa niyang kilay. Maldita.


"Sorry." Napatingin ako sa kanya pero siniringan niya lang ako. Napabuntong hininga ako saka pinagpatuloy yung pag ayos sa gamit ko, pero may bigla na namang tumabig sakin kaya naglaglagan na naman mga gamit ko. Napatingin na naman ako, si Madeline.


"Why are you blocking the way ba?!" Iritadong niyang sabi habang nakatingin sakin. I can describe her as a walking make up, para kasi siyang make up na tinubuan ng mukha.


"Sorry." Sinubukan kong iwasan silang lahat para hindi na ulit ako matamaan. She flips her hair saka lumabas ng room. Napabuntong hininga ako saka sinuot yung isang strap ng bagpack ko sa balikat, inayos ko yung salamin ko saka lumabas ng room.


"Duh, she's so baduy talaga. Ew." Narinig kong sabi nung isang babae ng dumaan ako sa kanila. Hindi naman talaga ako baduy kung tutuusin, I mean, I'm just wearing a pair of non-branded shoes, a thick glasses which is not really suitable for me--for reading purposes lang naman siya.


And yes, they define me as a nerd because I'm different and because, I'm a commoner and I rank top 1 in our class. Basically that's how they see me.


"Yeah you're right. Why is she here anyway?" Sabi din nung isa.


Tinignan ko sila at nakatingin din sila sakin, tapos bigla silang nagtawanan. Ugh. Lagi na lang ganto. Hindi ko na lang sila pinansin saka nagtuloy tuloy sa paglalakad nang may makita akong babaeng nakangiting tumatakbo papunta sakin.


Napangiti ako ng yakapin niya ko, "Ella!"


Humiwalay siya sa yakap niya saka nakangiting inakbayan ako, "So, how's your day? May nang away ba sayo? Sabihin mo at uupakan ko!" Sabi niya.


Napangiti ako saka umiling, "Wala naman."


She clicks her tongue, "Okay, ano? Are you free tonight?" Tanong niya.


Napasimangot ako at tumingin sa kanya, "Ella, nasa bistro ako mamaya." Sabi ko at parang may light bulb na umilaw sa kanya, she snaps her fingers ng maalala niya.


"Shoot! Oo nga! Ugh! Hindi ka na nakakasama samin ni Baks!" Aniya.


"Busy kasi tayong lahat. You're busy with your cheerleading and photography thingy habang si Vince naman eh, busy sa pagte training for basketball and me.. busy ako sa maraming bagay." Sabi ko.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon