Glasses Nineteen : The Problem Is ..

335K 8.3K 2K
                                    



--

GLASSES NINTEEN : THE PROBLEM IS..

Sabrina's POV :


"Why are you so terrified of falling in love with me?"


Lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari? Bakit ganto tong lalaking to ngayon?! Naka drugs ba to? Jusko! Ano gagawin ko? Nanlalaki yung mata ko saka umiling at umatras palayo sa kanya ng biglang,


BLAG!


"Aray ko!" Napahawak ako sa pwet ko saka tinignan yung orasan sa may kwarto ko. 6am na pala, ugh. "Buti na lang panaginip lang." Sabi ko sa sarili ko saka umupo sa kama ko. Humikab hikab ako saka kinuha yung salamin ko at sinuot ito. Maya – maya pa narinig ko na yung pagkatok ng kapatid ko sa pinto,


"Ate! Ate? Ate, okay ka lang?" Pero hindi ko siya pinansin, iniisip ko parin yung panaginip ko. Malabo naman talaga yong mangyari kasi pagkatapos non, umalis na din agad yung halimaw. Napabuntong hininga ako ng marinig ko na naman yung katok ng kapatid ko, "Ate! Ano ba?! Bubuksan mo ba tong pinto o hindi?" Napanguso ako saka pumunta sa pinto para buksan.


"Good Morning!" Naka ngiti kong sambit sa nakabusangot kong kapatid. "Aga aga nakasimangot ka." Pinitk ko yung ilong niya pero nakatingin lang siya sakin.


"Ano bang problema mo't nag – iinarte ka pa jan? Kumain ka na, baka malate ka pa." Tumango ako, okay fine. Hindi ko lang pala siya kuya, papa ko pa. Umupo na ko sa upuan at kumuha ng pagkain pero hindi parin mawala sa isip ko yung mga nangyari.


Yung tingin niya, naalala ko din tuloy si Neil. Parehas talaga sila ng tingin pero hindi pwedeng iisang tao lang sila since, magkaibang magkaiba ugali nila at lalong hindi gray yung mata ni Neil kundi brown! Ugh. Ano bang nangyayari sakin?!


"Hoy Ate!" Naramdaman ko naman yung pagtama ng kanin sa mukha ko. Aba! Magrereact na sana ako ng bigla siyang magsalita, "Oo binato kita! Lutang ka na naman eh! Ano bang pinag – iisip mo ha?" Sinamaan ko siya ng tingin, bumuntong hininga naman siya, "Alam mo Ate, ang pangit mo kasi kapag luting eh. Alam mo yon?"


"Aba talaga nam--"


"Okay fine kahit pangit ka naman, maganda ka parin sa paningin ko. Naiintindihan mo ko?" Saka siya kumain ulit. Napangiti naman ako sa sinabi niya at kumain na din. Minsan sweet tong kapatid ko pero minsan hindi. Ang cute lang talaga, tuwang – tuwa ako sa kanya.




Pagpasok ko pa lang ng room, sinalubong na agad ako ni Lora. "Sabrina! OMG! Buti na lang I found you!"


"Bakit Lora? Anong meron?" Nagtataka kong tanong.


Bigla naman siyang nag beautiful eyes saka ako hinawakan sa kamay, "Samahan mo naman ako sa canteen, please? Pretty please?"


I chuckle saka tumango, "Akala ko naman kung ano. Alright, sige sige." She hook her arms on mine saka ngumiti. Kung titignan si Lora, isa siya sa may mga magagandang mukha sa school. At kung titignan kaming dalawa ngayon, mukha akong alalay ng isang model.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon