Glasses Thirty-Three : Fall Apart.

244K 6.5K 611
                                    


--

GLASSES THIRTY-THREE : FALL APART.

Sabrina's POV :


Hindi ko mapigilan yung pagbuhos ng luha ko, matapos akong halikan ni Jhano muli akong humingi ng sorry atsaka nagmamadaling umalis. Ayoko ng magtagal don, nahihirapan ako lalo. Mas lalo lang syang nasasaktan at hindi ko kayang makita 'yon. Huminga ako ng malalim at pinunasan yung mga luha sa pisngi ko.


Mukha akong tangang umiiyak habang naglalakad, madilim na at tanging yung ilaw na lang sa mga lamp post sa school yung nagsisilbing liwanag. Mga varsities, student organization at ibang faculties na lang ang nandito kaya walang masyadong makakapansin sakin.


Nagiguilty ako sa nagawa ko kay Jhano pero mas nagiguilty ako dahil hinayaan kong halikan nya ko. Hindi ko alam pero hindi ko iyon nagustuhan at parang hindi tama. Nakarating ako sa may parking lot ng school, saglit akong tumigil at inayos ang sarili. Huminga ako ng malalim, "Sabrina, mukha ka ng tanga. Tama na." Sambit ko sa sarili atsaka nagpakawala ng buntong hininga.


Nagsimula na ulit akong maglakad pero napatigil ako ng makita ko si Lemuel sa harapan ko. Bakit nandito pa sya? Madilim na at kung hindi ako nagkakamali malapit na din mag alas-otso ng gabi. Parang may humaplos sa puso ko ng makita ko sya, "Lemuel..." Hindi ko napigilang humikbi.


"Hey, love..." He smiled a faint one, he then lifts his arm to embrace me. Lalo akong naiyak sa ginawa nya, nagmamadali akong tumakbo papunta sa kanya saka sya niyakap ng mahigpit. I heard him sigh in relief, "I got scared...I thought I'm gonna lose you."


I cried my heart out while embracing him. Parang natanggal yung malaking bara sa dibdib ko ng yakapin ko sya, I felt relief. "I'm sorry.." I whispered. I feel so guilty. Eto yung mali na sinasabi ko...nung mga sandaling hinalikan ako ni Jhano, sya ang naalala ko.


Bahagya syang natawa saka ako lalong niyakap, "Why? Are you gonna leave me too?" His voice was husky and low. Umiling ako, he then brushed my hair using his hands. It was like his brushing every pain I'm feeling right now, I don't know if that what he's doing but it's working.


"Akala ko umuwi ka na?" Tinignan ko sya, he's eyeing me carefully. Nakatingala ako habang nakayuko sya para titigan ako, "Hinintay mo ba ako?"


He didn't answer my question but instead, he wipes the tear stains in my cheeks. "You've been crying so much lately," He said coldly. He sighed as he slowly touched my lips using his thumb. My heart was pounding at his touch. Para akong kinukuryente. Nanatili yung isang kamay nyang nakayakap sakin habang yung isa ay nasa labi ko.


"How can I make the pain go away?" Punong-puno ng lambing yung boses nya and I feel like melting.


I can't help myself as tears roll down my cheeks. Hindi ako makapagsalita, I was just staring at him. I am trying my best not to cry anymore because I'm thinking that maybe I'm scaring him or freaking him out. Baka marealize nyang masyadong malungkot ang buhay ko para sa kanya tapos bigla na lang nya kong iwan.


Nang maramdaman nyang hindi ko masasagot yung tanong nya, muli nya kong niyakap ng mahigpit. I can feel his little kisses on my forehead. "I know you're tired. Let's get you home, love."

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon