Eyes IV

139 13 0
                                    

Do nothing from rivalry or conceit, but in humility count others more significant than yourselves. Let each of you look not only to his own interests, but also to the interests of others.
~Philippians 2:3-4

~*~

Ika-Apat na Kabanata

"ANONG sabi mo?!" I hissed

"Basura ang Wattpad."

Gusto ko siyang pagsalitaan ng mga masasamang words, kaso pinigil ko ang sarili ko. Bukod sa class president nga pala ako, ayoko ng gulo, mahirap na. Saka, ramdam ko ang saya ni Webster kapag nakikitang nag-uusok ako dahil sa kaniyang pang-aasar.

Kinalma ko ang aking sarili at inirapan siya. Hindi ko hahayaang ma-satisfy siya sa pang-iinis sa akin. Mapagbalat-kayo rin siya eh. Akala mo mabait, 'yun pala maloko rin.

"Kdot," I said and shifted the topic. "Ano bang sadya mo sa akin? Bakit ka ba nandito?"

Tumayo siya ng tuwid at pinaamulsa ang kaniyang kanang kamay. Ngumuso siya at para bang tinuturu niya ang aming mga kaklase na nag-ja-jamming at naglalaro.

"Hindi mo ba papatahimikin ang section natin? President ka pa man ding naturingan," mapaklang usal niya.

Nagpintig ang aking tainga dahil dito. Diretsahan talaga at walang paligoy ligoy? Saka, bakit niya ako inuutusang patahimikin ang mga kaklase namin?

Does he want to cut off the happiness of my classmates?

"Ganito talaga ang set up namin, home schooler. Huwag kang kill joy at maging hadlang sa kasiyahan ng mga kaklase natin," wika ko sa kaniya.

Ako ang ginawang president ng mga kaklase ko dahil alam nilangmakakasabay ako sa mga trip nila. Alam ko rin nman kung kailan dapat sila sawayin, kaya hindi na ako kailangan pang pangaralan ni Webster.

"Makakarating ito kay Ms. Leigh," he seriously stated and my eyes widened.

"Huwag ka ngang sip---" naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang pintuan namin.

Bigla ring nagsitahimikan ang aking mga kaklase. Nababakas ko ang kaba sa kanilang mukha. Mukhang hindi na ata kailangang magsumbong ni Webster dahil nahuli na ata kami sa sobrang ingay.

Iniluwa ng pinto si Ms. Leigh. Nagsikulasan ang aking mga kaklase at napaayos ng silya. Napabalik din ang lahat sa kani-kaniyang upuan. Ganoon na rin si Webster na kanina ay nasa tabi ko, napabalik sa kaniyang puwesto.

Natawa na lamang ako sa aking isipan. Iba talaga ang nagagawa kapag nasa harapan ang teacher. Ang malapalengke naming classroom ay tumatahimik bigla.

I'm ready for the blame now kung papagalitan man kami dahil sa ingay. Ako rin naman ang may kasalanan eh, hinayaan ko silang mag-ingay kahit na sinabihan ako ni Webster.

"Good morning, HE 11-Delta," Ms. Leigh greeted us, and we do the same to her.

We remained silent and didn't commit any mistakes. We watch her walk into the center of the classroom. I can sense that my classmates are nervous because we might receive a sermon now.

"Since your EAPP teacher is not around, I will take her time," she said and we just nodded. "Why you are all so quiet?" She asked innocently.

"May dumaan po kasing anghel Ma'am," Grais answered and the silence broke.

Natawa ang halos lahat sa amin at nawala na ang kaba. Mukhang hindi naman pala kami papagalitan ni Ma'am at iba ang sadya niya sa amin ngayon. Buti na lang.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon