Eyes XXVIII

32 1 0
                                    

And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose.
~Romans 8:28

~*~

Ika-Dalawampu't Walong Kabanata

NAGING tutok ako sa pag-aaral noong mga sumunod na araw matapos ang pageant. Halos sunugin ko na nga ang kilay ko upang magawa lamang ang mga dapat gawin.

This is the reality of being a senior high school student. Magpapakasaya ka ng isang araw, pagdurusa na sa mga tambak na gawain kinabukasan. Sanayan na lang talaga.

Kaya kami madaming gawain dahil midterm week na rin at minamadali na kami ng aming mga guro. Deja vu lang ang peg ngayon dahil ito rin ang ganap namin noong prelims. Mas matrabaho nga lang ngayon.

Nandito kami ngayon sa isang supermarket na magkakaibigan upang bumili ng mga pagkain dahil mayroon kami ngayong movie marathon. As usual, natapos na namin ang lahat ng exams ngayon at it's time to hangout.

"Hoy, ano gusto ninyo? Juice or soft drinks?"

"Kahit ano!" Sabay sabay nilang tugon.

Napairap na lamang ako. Kung may kahit anong inumin na brand, edi sama iyon na lang ang binili ko! Kahit kailan talaga sila.

Kumuha na lang ako ng tatlong 1.5 liters na soft drinks, kasya naman na siguro ito sa amin. Bahala na kung magka-UTI kami, ang mahalaga ay nakapag-hangout.

Matapos kong kumuha ng drinks, humiwalay muna ako upang kumuha ng pop corn. Namimili at nag-aaway pa kasi sila kung ano ang mga chichiryang bibilhin. Ang healthy living namin, noh? Minsan lang naman, pagbigyan na.

Dalawang aisle lang naman ang pagitan kung nasaan sila at ang pop corn kaya kumuha na ako. Baka mamaya maubos pa ang oras namin dito sa supermarket at hindi na kami makapag-movie marathon.

Nang makakuha na ako ng two packs of pop corn, babalikan ko na sana sila, ngunit mayroon akong narinig na ingay mula sa kabilang aisle. Dahil isa akong dakilang chismosa sumilip muna ako.

Nasa pinakadulo ako ng supermarket at kakaunti lang ang tao. Nang dumungaw ako kung saan nanggagaling ang ingay, naihulog ko ang aking dalang pop corn.

Napukaw naman ng ingay na ginawa ko ang dalawa. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Sa lahat ba naman ng lugar, dito pa nila ito ginawa at siya pa talaga?!

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako. Well, kahit ako ay nabigla sa kababalaghan na ginagawa niya rito sa supermarket.

"C-Coast?"

"Hi, Jejomar or should I say..." I paused and winked at him. "Yoo, your one and only."

"Boo, ano ang ibig sabihin niya?"

"Wow, Yoo and Boo. What a coincidence?"

"Coast puwede ba, wala na tayo. Huwag mo na kaming guluhin."

Namilog ang aking labi dahil sa sinabi niya. Wow. Ako pa talaga ang nanggugulo? Siya nga 'tong kulit nang kulit sa akin sa chat.

"Huwag kang masyadong desperada, Miss. Masaya na kaming dalawa."

Grabe, ako pa talaga ang sinabihan niyang desperada? Kung alam lang niya ang ginagawa ng lalaki niya.

"Halata ko nga dahil umabot pa sa supermarket ang kasiyahan ninyo," pang-iinis ko at pinandirihan ko sila.

"Coast!" Suway sa akin ni Jejomar.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon