Eyes XXX

85 2 0
                                    

Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be frightened, and do not be dismayed, for the Lord your God is with you wherever you go.
~Joshua 1:9

~*~

Ika-Tatlumpung Kabanata

NGUMITI ako ng hilaw sa babaeng nasa harapan ko. Nakuha na naman niya ang panyo niya, kaya ay umalis na ako sa kaniyang harapan. Wala na kaming dapat pang pag-usapan.

Alam ko namang wala siyang ginagawa sa akin na masama, pero kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. That girl is Axti's childhood friend named Khlei. Mainit ang mga mata ko sa kaniya dahil sa ginawa niya sa aking kaibigan.

Khlei and her brother hurt Axti, they even stole his money and expensive things when they were kids! Imagine the trauma and bruises that they gave to my friend.

Ang pinakaayaw ko kasi sa lahat, nasasaktan ang mga kaibigan ko. Kaya naman kahit hindi kita kilala at may ginawa kang masama sa kanila, kamumuhian na kita. And I think that's my toxic trait that I cannot get rid off.

"Coast! Coast!" Dinig kong tawag sa aking pangalan. Hindi agad ako nakalingon sa tumatawag dahil sa lalim ng aking iniisip.

"Huy, Coast! Bakit ka nakatulala riyan?!" Tanong pa nila.

Nang lingunin ko sila, ang mga kaibigan ko na pala ito. Geez. Hindi ko sila namalayan dahil sa pagka-pre-occupied ng aking isipan.

"Nandito na pala kayo!" Tugon ko na parang wala lang.

"Lalim ng iniisip mo ah. Muntik ka nang malunod," puna ni Axti.

Alanganin akong ngumiti. Alangan naman na sabihin ko sa kaniya ang dahilan ng pagkatulala ko ay 'yong matalik niyang kaibigan na plastic? We all met her once months ago and I can say that Axti is not still okay with her, so was I.

"Talaga! May nakita na kasi akong pogi na pwedeng future husband na at iniisip ko na kung kailan ang kasal at ilan ang magiging anak namin!" Pagdadahilan ko na lang.

"Weh? Talaga? Ano social media account niya para masiyasat ko lang," sungit naman ni Aera.

Grabe, nakarinig lang siya ng pogi nagningning na ang mga mata niya. Parehong pareho talaga kami ng ugaling dalawa pagdating sa mga ganitong bagay.

"Ayun ang problema, ni hindi nga ata niya ako kilala kasi 'di ko naman siya nakausap," biro ko which is true.

Technically, totoo naman ang sinasabi ko sa kanila. Yung nga ganap lang pagkatapos ko maka-spot ng pogi ang hindi ko sinasabi.

Inaya ko na sila sa basketball court kung saan maglalaro sila Keist. Malapit na rin itong mag-umpisa at baka mahuli pa kami, ang dami pa naman sigurong tao roon.

Habang kami ay naglalakad, hindi ako mapakali dahil baka mamaya ay makasalubong namin si Khlei. I don't want to ruin Axti's day just because of that bitch. Gladly, sa rami ng tao ay hindi na muling nag-krus ang aming landas.

Nakahanap na rin naman kami kaagad ng puwesto pagkarating namin ng basketball court. Nakita namin si Keist kasama ang team nila na naghahanda na. Sakto nga halos ang dating namin dahil within a few minutes, mag-uumpisa na raw ang laro.

The game is so intense because both teams are good. I rarely watch basketball, but because Keist is here, I somehow enjoy it even though I don't know some of the terms used by the sports commentator.

Nakisali na lang ako sa mga sumisigaw tuwing nakaka-shoot ang team nila Keist. It's my act of showing my support.

Kahit na sabihin nating sa score lang ako madalas tumitingin dahil wala akong alam sa basketball, pansin ko na painit nang painit ang laban. Dama ko 'yong atmosphere at parang kabilang din ako sa naglalaro.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon