Eyes XVII

54 3 0
                                    

Walk in wisdom toward outsiders, making the best use of the time.~Colossians 4:5

~*~

Ika-Labing Pitong Kabanata

"COAST, sigurado ka bang hindi ka na sasabay palabas?" Aera asked.

Halos katatapos lang naming magkakaklase na magsagot ng Gen Math at nagkasalubong kaming tatlo nila Aera at Xeidrine ngayong uwian. Nagkakuwentuhan kami saglit.

"Hindi na, may hinihintay akong kaklase ko. May iaabot daw siya sa akin," sagot ko.

"Sige, ingat ka sa pag-uwi," paalam nila sa aking dalawa at naglakad na papalayo.

Ako naman, pumunta ako sa mini forest kung saan kami magkikita ng asungot. Napapayag niya akong makipag-usap sa kaniya kanina dahil ayaw ko na ng gulo.

Ito talaga ang sadya ko ngayon, hindi ang kaklase ko. Nagsinungaling ako sa aking mga kaibigan dahil baka masugod nila ito. Nagiging amazona pa rin naman 'yong mga 'yon gaya ko kapag nakikita nila ang mga taong nanakit sa kaibigan nila.

Dinatnan ko kaagad siya na naghihintay sa isa sa mga bench sa mini forest. Ang early bird niya ah. Dati tuwing may date kami, ako palagi ang naghihintay sa kaniya, kaya nakapagtataka.

Nang makita niya ang aking presensiya, agad siyang napatayo. He also widen his arms and approach me to hug, but I immediately refuse and step back from him.

"I'm not here to flirt with you. Go straight to the point," mataray kong sambit.

"I'm sorry..." he whispered.

I raised my brows and give him a sharp glare. "For what?"

Mukhang natauhan na ata siya at napagtanto na mali ang nagawa niya. I never seen Jejomar like this. Hindi ko naman inaasahan na ganitong kabilis niyang mare-realize ang mali niya.

To be honest, hindi ko pa rin talaga alam ngayon kung bakit bigla na lamang siyang nakipag-cool off sa akin.

"Sa mga nasabi ko sa iyo noon."

"Mag-i-isang buwan bago ka natauhan?"

Sa totoo lang, masaya na akong naghiwalay kami. Alam kong gusto lang niya ng space, pero napagtanto ko na hanggang malading ugnayan lang ang pwede sa aming dalawa. Hindi na hihigit pa roon.

"Pasensya ka na, masyado lang maraming ganap sa buhay ko, pero napatunayan ko na hindi ko pala kaya ng wala ka."

Napangiti ako ng mapakla. Sinabi niya rin ito noon at iba pang lalaking nakikilala ko. Gasgas na ang linyang ito at hindi na tatalab sa akin.

"Matapos mo akong sabihan na ako ang may kasalanan kaya gusto mong mag-cool off ay lalapit ka sa akin ngayon?" Aking pasaring.

Napalunok si Jejomar. Mukhang hiyang hiya na siya sa pinaggagagawa niya sa akin noon. Deserve naman niya ito.

"I never said that. Ang sabi ko lang ay gusto ko munang makapag-focus tayo sa acads natin. I will never blame you for everything."

"Wow," I said with disbelief. So, he's now gaslighting me?

"Cool off lang naman tayo 'di ba?"

Iba rin ang kapal ng bunbunan ng lalaking 'to. Makasabing 'cool of lang' parang bumibili lang siya ng candy sa tindahan.

"Pasensya ka na Coast kung naging masama ako sa iyo. Eto lang ako eh, walang kuwenta haha," sambit pa niya.

Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na pinatulan ko ito. Nagiging sad boy na siya na napakalakas ng toyo.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon