Eyes V

133 10 0
                                    

"Let every skillful craftsman among you come and make all that the Lord has commanded"
-Exodus 35:10

~*~

Ika-limang Kabanata

"DO you like it?" he asked me and I immediately shook my head.

Nagulat siya sa aking tugon at kasabay nito ang pagkunot ng kaniyang noo. Sa loob loob ko ay napapatawa na ako dahil sa reaksiyon niya.

"Hindi mo nagustuhan? Bakit? Sige bibigay ko na lang sa iba," mayroong halos lungkot sa kaniyang boses.

"Ano ka ba? Huwag kang OA. I don't like it because I love it!" Agad kong bawi.

Pinagti-tripan ko lang naman talaga siya eh. Sino ba naman kasi ang ayaw ng Wattpad books? Siyempre, hindi ako 'yun, kaya nga mahal ko na agad ang regalo niya.

"Akala ko naman eh ano na..." Kamot ulo niyang sambit. Napatawa na lang ako ng mahina. Ang hirap pala niyang biruin.

"Pero kung hindi ko nga nagustuhan, kanino mo ibibigay, ah?" Taas kilay ko namang tanong.

Akala ba niya papalampasin ko ang sinabi niyang iyon? Ang bilis niyang bawiin eh. Mahirap talagang nagbibiro sa ka-MU o boyfriend mo, madalas napupunta sa away.

Pinanggigilan niya ang aking ilong at kinurot niya ito. "Nagbibiro lang din ako, pasaway kong Yoo."

"Aba, hindi ka pa nga nagpapaliwanag kung bakit wala kang paramdam kahapon, tapos mukhang dadagdagan mo pa ang kasalanan mo sa akin!" Pang-aaway ko.

Ewan ko ba, trip na trip ko siya ngayon eh. Mukhang mayroong suyuan na magaganap mamaya. Pero totoo naman ang sinasabi ko. Nakalibot na kami't lahat sa mall at nabilhan na niya ako ng Wattpad books, hindi pa rin niya pinapaliwanag sa akin ang nangyari kahapon.

"Sorry na, Yoo," panunuyo niya.

"Bakit ka nga ba walang paramdam kahapon?" Seryosong anong ko.

Napakamot muli siya ng kaniyang ulo at napalingon sa malayo. Iniiwasan ba niya ang tanong ko? Pero bakit?

"Ano kasi... N—Nawala ko ang phone ko maghapon. Akala ko dala dala ko sa school at kung saan saan ko hinanap, nasa ilalim lang pala ng kama ko," he startled.

"Palusot," agad kong sambit.

Sa tingin ba niya ay maniniwala ako? Halata naman na nagsisinungaling siya eh. Medyo na-badtrip na tuloy ako dahil sa kaniya. Tingin ko ay may tinatago 'tong si Jejomar sa akin!

"Promise, Yoo. Nagsasabi ako ng totoo," pagpipilitan niya sabay labas ng pinky finger niya.

Napataas ang aking kilay. Anong gusto niyang gawin? Pinky promise? Bata ba siya? Geez! I look so annoyed right now. Para na akong si Axti na mabilis magbago ang mood!

"Weh?"

"Promise, cross my heart. Padlock, susi, no erase," sagot niya. Napakaisip bata naman niya.

"Okay, if you say so," pagsuko ko para na lang magtigil siya.

Baka mamaya kung ano na naman ang sabihin niyang mga pangako na ginagawa ng mga bata eh. We are now teens, we should grow up.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon