Eyes X

83 6 0
                                    

And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose.
~Romans 8:28

~*~

Ika-Sampung Kabanata

"WHAT are you talking about?" I'm not a cheater!" Singhal ni Keist kay Cynic.

Keist continues the show and I am still shocked. Hindi ko naman nakita kanina sa paligid si Cynic. Basta basta na lamang siyang sumulpot ngayon sa aming harapan.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng kapitbahay kong ito sa mall. Hindi ko inaakala na siya ang unang papatol sa vlog namin.

"You're not just a cheater, you are also a liar!" Cynic hissed.

Nakakatakot ang awra niya ngayon. Kahit na nakasuot siya ng shades ngayon, parang tagos dito ang kaniyang mga titig. Pakiwari ko ay nanlilisik na ang kaniyang mata ngayon. I really don't know what's up with Cynic.

Para tuloy kaming nasa teleserye na gumagawa ng intense na eksena. Iyong mga tao naman sa paligid namin, bulong lang nang bulong.

"Everyone, can you tell to Coast the truth? To prove that I am not just making any story here."

"Can you just shut your mouth up? Why are you ruining my image to my girlfriend?!" Keist shouted and he was about to punch Cynic.

Nanlaki ang aking mata at agad akong pumagitna sa kanila. Mabuti na lang at napigilan ko ang aking kaibigan sa kahibangan na muntik na niyang gawin.

"Stop it and calm down!" I said.

Geez. We just want to create a content, not to create a chaos! Mukhang iritang irita na si Keist kay Cynic dahil nasisira na ang aming vlog. Kaso, hindi naman tama ang kilos niya eh.

"I know that you are worried, but please relax for a while." I tried my best to please them.

We are now creating a big commotion in the food court. Kailangan namin itong maayos bago pa lumaki ang gulo. Pinapanuod lamang kami ng mga tao rito. Iyong sina Stair at Axti, bigla na lamang nawala. Kanina nandito lang sila ah!

"How can I calm down? Your boyfriend is getting into my nerves!" Cynic uttered.

"We can settle this. Iyong walang sigawan at nagkakasakitan."

"Wala namang mangyayaring ganito kung hindi gumagawa ng kuwento iyang lalaking katabi mo," pasaring pa ni Keist at dahil dito, kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran.

I was about to answer him, but some of the personnel of the mall came. Kasama nila si Axti at Stair. Agad silang lumapit sa amin dahil mukhang kailangan na nilang agapan ang gulong ito. Kaya pala nawala ang aking mga kaibigan, tumawag na sila ng tulong.

Pinaghiwalay nila Axti at Stair sina Keist at Cynic. Ang mga kasama naman nilang mga personnel ay kinausap ang mga tao na bumalik na kani-kanilang ginagawa.

Ilang saglit pa ay medyo kumalma na ang dalawa. Sinabihan kami ni Axti na pumunta muna sa office ng customer service upang ayusin ang gusot sa pagitan ni Keist at Cynic. Ako pa ang inutusan niyang kumausap sa dalawa.

"Let's talk in private," I said seriously.

Tumango lamang si Keist sa akin at naunang naglakad. Hindi niya rin pinansin ang mga taong nasa paligid. Naglakad lamang siya ng deretso at sumunod naman kami, ganoon na rin si Cynic.

Naiwan sa food court si Stair at Axti upang tulungan ang mga personnel na kausapin ang mga tao. Si Aera naman, pinuntahan si Xeidrine upang tulungan ayusin ang aming vlogging set up. We need to pack up right now.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon