Eyes XIX

56 3 0
                                    

Mixed motives twist life into tangles; pure motives take you straight down the road. Do your best, prepare for the worst
~Proverbs 21:8

~*~

Ika-Labing Siyam na Kabanata

WEEK has passed since I met Cynic parents. They were just three days here and in that three days, they invited me once again for dinner.

This time Cynic and I didn't cook. They treated me to a restaurant to thank me for the meal that I made for them. His parents are so nice and cool. Para ngang tropa lang ang turing nila sa akin.

Noong una nahihiya hiya pa ako, pero pagkatapos ng pag-welcome nila noong nilutuan namin sila ng dinner, naging komportable na ako sa kanila. Ang saya nila kasama sa totoo lang. Alam ko na ngayon kung saan nagmana si Cynic.

Pagkaraang bumalik sa trabaho ng magulang niya, madalang na rin kaming magkitang dalawa dahil prelims na namin. Kinailangan ko ng oras upang mag-review at tapusin ang mga requirements. Hindi naman ako ginulo ni Cynic dahil alam niya ang reason ko.

Ngayon naman ay huling araw ng prelims at sunog na sunog na ang aking kilay dahil sa pag-aaral. Nagkaroon din kami ng gala ng Sixth of Ace kanina pagkatapos ng mga exams namin. Ang tagal na rin  kasi noong huli naming pagsasama-sama.

Masyado akong napagod ngayong araw, hindi lang ang aking pisikal na katawan, ngunit maging ang aking isipan. Biruin mo pinasakit na ng exams ang ulo ko, madaming nagpa-picture sa amin sa mall dahil trending pa rin kami hanggang ngayon, at nangalay ang aking paa kalalakad kanina.

"Gusto ko na lang maging hotdog sa ref, ang hirap mabuhay," sabi ko sa aking sarili habang nakahiga at nakatitig sa kisame.

Gusto ko nang matulog at ipahinga ang aking katawan, ngunit hindi ko magawa kahit na pagod na pagod na ako. Wala naman ako sa mood upang magbasa ng Wattpad at magpaantok.

"Sana may tutorial sa YouTube kung paano maging hotdog," bored kong sambit sa aking sarili.

Feeling ko mababaliw na ako at kinakausap ko ang hangin. Habang ako ay nakatulala, bigla na lamang tumunog ang aking cellphone, dahilan upang ako ay mapaitlag sa aking pagkakahiga. 

Agad ko itong kinuha at nakita kong nag-private message sa akin ang adviser namin. This is odd, gabing gabi na ah. 

Good evening Coast. I know it's already late, but I have an important matter to discuss with you. This coming Friday I want you to come with Webster to the cooking contest. I have a meeting that day and he needs assistance. The other teachers that can replace me are also not available. You are the class president and I am hoping that you can substitute me. Don't worry about your class that day, you already excuse.

Halos mabato ko ang aking cellphone nang mabasa ko ito. I've been trying to avoid that freaking cooking contest, but it always comes to me like a ghost. Tapos ngayon? Geez, ang panget naman makipaglaro sa akin ni tadhana.

Na-move ito na dapat ay kasabayan ng acquaintance party. Magmula nang nalaman ko ito, iniwasan ko nang makabalita rito dahil nanghihinayang ako sa naging desisyon ko. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.

What if I did not listen to my mom? What if ako pala talaga dapat ang isasali sa cooking contest at magbubukas ito ng maraming opportunity sa akin? There are lots of what ifs.

Napapikit muna ako at pinag-isipan kong mabuti ang isasagot ko sa adviser namin. Base sa pagkakaintindi ko sa chat niya, wala na akong ibang pagpipilian bukod sa pumayag ako na sumama kay Webster sa Friday.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon