Eyes XXVI

23 1 0
                                    

And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose.
~Romans 8:28

~*~

Ika-Dalawampu't Anim na Kabanata

MEMORIES flashed on my mind and it was very traumatic. I wish I didn't remember it because it should not bring up in the present and must stay in the past.

Pictures of two happy kids playing on the street together with a boy which is much older. They are all laughing and enjoying the moment.

My tears fell when I realized how cruel am I cutting off someone's happiness. But it's already done and I cannot do anything about it.

I already escape in the hand of Kuya riding my bike right now and I don't know where should I go. I just drove outside our village crying.

It's not my best decision yet the worst to leave the house because it's so cold outside and I'm just wearing my pajamas. Umagang umaga ngunit makulimlim, nakikisama ang pahanon sa sama ng loob ko ah.

I stopped my bicycle when I reached a bridge two streets away from our village. Saktong sakto nang bumaba ako ng bisikleta ay bigla na lamang bumuhos ng malakas ang ulan. Hindi na rin ako nakasilong pa at basang basa na ako.

Umupo na lamang ako sa gilid ng tulay at pinagmasdan ang tuloy tuloy na pagbasak ng mga patak ng ulan sa ilog na nasa ilalim lang nito.

Ang sabi nila, kaya raw bumabagsak ang tubig mula sa ulap ay puno na ito at kailangan nang magbawas ng tubig. Ganoon din tayong mga tao, kapag punong puno na tayo sa pangyayari sa ating buhay, hindi natin mapipigilan ang pag-iyak.

"Kung tumalon ka riyan at hindi ka sanay lumangoy, baka sa ibang lugar ka na magigising."

Hindi ko maaninag nang mabuti ang kaniyang mukha dahil mayroong harang ang pagitan namin. Basta ang alam ko, nakasuot siya ng green cap at knitted long sleeves, pero nabosesan ko siya!

"W-Webster?!"

"Linaw ng pandinig ah," sambit niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

Gusto ba niyang magkasakit? Ang lakas ng ulan tapos nakatambay lang siya rito. Wala man lang ata siyang dalang payong!

I know that ito rin ang sitwasyon ko ngayon, pero gusto kong mapag-isa kaya wala akong pake kung umuulan.

"Balak kong mag-swimming. Patalon na nga ako, kaso mas gusto mo atang mauna," pilosopong tugon niya.

"Hindi ka nga masungit ngayon, namilosopo ka naman!" usal ko.

Bago pa siya makasagot sa akin, bumahing siya ng malakas. Mukhang sinisipon na siya dahil sa ulan. Ayan na nga ba ang sinasabi ko.

"Makabahing ka riyan, mabango naman ako noh!" Pabiro kong Singhal sa kaniya.

"Hindi halata," tugon niya sa akin at kita kong sinisilip niya ako sa kabilang parte ng tulay.

Aba! Totoo naman kasing hindi pa ako nakakaligo at nakapantulog pa ako, pero grabe naman siya. Mabango pa rin ako kahit papaano!

"Bakit ka ba nandito? Bakit ka nagpapaulan?" Tanong kong muli at umaasa akong hindi na papilosopo ang isasagot niya.

"None of your business," he said with stuffy nose.

"Wow, may expiration ang kapilosopohan mo? Ang bilis mo namang sumungit!"

Si Webster nga siya, grabe ang mood change niya eh, parang si The Flash ang timpla niya, ang bilis magbago!

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon