Eyes VII

96 7 0
                                    

As each has received a gift, use it to serve one another, as good stewards of God's varied grace
~1 Peter 4:10

~*~

Ika-Pitong Kabanata

HUMANDA ka talaga sa akin Webster. Ipapatikim ko sa iyo ang pagkatalo. Ito ang paulit ulit na sinasabi ko sa aking isipan habang nagluluto ako.

Balak ko siyang barahin sa sinabi niya kanina, ngunit sumingit sa amin si Ms. Leigh at inumpisahan na niya ang cook off. Kaya naman ay hindi na ako nakaganti sa kaniya.

Ang hilig niyang pakuluin ang aking dugo. Nayayabangan talaga ako sa kaniyang ugali. Ilang linggo pa lamang siya rito pero grabe na ang pagka-competitive niya. Nakikipagsabayan na siya sa amin. Hindi siya kagaya ng ibang transferee na nakikibagay at nagoobserba muna sa paligid.

"Last five minutes," Ms. Leigh said to both of us.

Halos maging si The Flash ako nang marinig ko ang mga katagang ito. Halos hindi pa luto ang sauce ng pasta ko at wala pang plating ang ginawa kong dessert. Lagot na.

Hindi ko napaghandaan ang ganitong sitwasyon. Akala ko ay kakayanin ko ng isa't kalahating oras ang pagluluto, hindi pala. I should choose much easier dish!

Hindi lang naman kasi pang-isang tao ang niluto namin, kung hindi pang buong section. Ms. Leigh challenges us to do this even though the portion and size in the actual cooking contest are not like this.

Just like Ms. Leigh said last time, we need to cook one pasta dish and a dessert. I'm cooking a specialty of mine, alfredo pasta with mushrooms. I learned to cook it when I was eleven years old by only watching YouTube videos.

While in the dessert, I'm trying to recreate my family's favorite delicacy which is apple cream puff. It is a pastry with an apple filling and ice cream on top. I just tried cooking this last night and it turns out good.

Wala na akong nagawa kung hindi ang madaliin ang lahat. Napatingin ako sa gawi ni Webster, mukhang nakukulangan din siya sa oras, ngunit hindi siya gaanong kagahol. Nakita kong nagpe-plating na siya.

I need to rush things! Ang bagal ko kasing kumilos kanina. Puno pa ako ng sama ng loob nang mag-umpisang magluto dahil pinakulo ni Webster ang aking dugo.

Naalala ko na naman ang kayabangan niya, ngunit agad ko kaagad itong inalis sa aking isipan. Kailangan ko munang mag-focus sa ginagawa ko dahil kakaunti na lamang ang natitirang oras.

Good thing, I was able to activate the Flash Power to ready my dish. Natapos ko ang plating at pagluluto ng sakto sa oras na ibinigay sa amin ni Ms. Leigh. Hindi ko nga alam kung paano ko iyon nagawa.

Pinapunta na kami ni Ms. Leigh sa gitna at ipinalagay niya ang aming mga putahe. Ang aming mga kaklase ay takam na takam na sa kanilang nakikita. Halatang gusto na nilang sungaban ang aming mga niluto.

"Your specialties smell so delicious. We are excited to try it," Ms. Leigh commented.

Naglakad siya papunta sa gawi ni Webster. Siya ang unang magpepresenta ng kaniyang mga niluto.

"Webster, can you introduce your pasta and dessert for us?"

"This is my own version of cheeseburger pasta skillet. I called this dis as Pasta Skillet del Burger Con Queso. For my dessert, I made a classic orange tart," he plainly presented.

'Yun na 'yun? Wala man lang mabubulaklak na mga salita? Nag-expect ako sa totoo lang ng bongga kung paano niya ide-describe ang kaniyang niluto.

Webster removes the lid of his pasta dish. The cheesiness of the food is the one that grabs my attention. It looks so tasty, to be honest. There are also little crumbs of mean around and I guess that's the burger patty.

Eyes of Imperfection | Sixth of Ace: CoastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon